"Sir Jude… nasasaktan ako," putol-putol kong ani sapagkat napipigilan niya ang boses na nanggagaling sa aking lalamunan. Ang boses na lumalabas sa aking bibig ay para bang naiipit at dinaig ko pa ang binatang paos na boses dahil sa pagbibinata o 'di naman kaya ay mas malala pa sa isang taong nagsisigaw buong araw. Pakiramdam ko tuloy ay parang puputok na anumang oras ang mga ugat ko sa aking leeg dahil sa matinding pagkakasakal niya sa akin. Konting-konti na lang ay malalagutan na yata ako ng hininga. At wala akong ibang iniisip ngayon kundi si Kiran. Na sana ay iligtas niya ako sa kapahamakan. Pero walang Kiran na dumating ni kahit anino man lang niya ay hindi nagpakita sa akin. "Elyse… it was nice to utter your name, I found it sweet but it feels bitter because of our situati