CHAPTER 43

1869 Words

EVERYTHING felt like a nightmare. It was like being trapped in a cruel, endless dream I couldn’t wake up from. Pero sana gano’n na lang. Sana binabangungot lang ako. Sana bangungot lang ang lahat. Dahil sanay naman akong bangungutin. Pero sa lahat ng bangungot na nangyari sa buhay ko, ito na yatang huli ang pinakamasakit . . . ang mawala sa akin ang anak ko. Ang anak kong nakailang beses ko nang inabandona dahil sa galit ko; mula nang ipanganak ko ay pagkasuklam na agad ang binigay ko, muntik ko pang ipaampon dahil lang sa pagkamuhi ko. Nagawa ko siyang kamuhian pagkasilang pa lang. Naging malupit ako sa kaniya. Kung puwede ko lang sana ibalik lahat simula sa umpisa. Gusto kong pagmamahal ang ibigay ko agad sa kaniya pagkalabas niya sa aking sinapupunan, hindi pagkasuklam, hindi galit.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD