Four Months Later UNTI-UNTI ko nang natatanggap ang lahat. Drew was right, magiging malaya na ang anak ko sa kabilang buhay, wala nang iindahin pang sakit. Kaya kailangan ko na rin palayain ang sarili ko sa ano mang pighati. Ngayon ay nakahanda na lahat ng mga papeles namin ng anak kong si Enrico para sa aming paglipad papuntang Sabah, Malaysia para roon nang tumira for good at nang sa ganoon ay makalimot sa lahat ng mga nangyari sa akin dito sa sarili kong bansa. Tinulungan ako ni Sir Charles sa pag-aasikaso ng mga papeles at passport namin ng anak ko. Bale ang magiging tirahan namin doon sa Sabah ay ’yong bahay ni Charles na dati na rin naming tinirahan years ago, noong mga panahong tinutulungan niya pa akong makabangon. Yes, isang taon din kaming tumira sa Malaysia. Kaya hindi na r