Parang may biglang bumulabog sa loob ng dibdib ko dahil sa biglang paglakas ng t***k ng puso ko sa gulat. It's really him. Mabalis nang nakalapit sa akin si Drew at agad ako nitong niyakap nang mahigpit. And I froze. Para lang akong nanigas na hindi nakagalaw pa nang yakapin niya ako. Ramdam na ramdam ko sa higpit ng kaniyang pagyakap ang labis na pangungulila sa akin. “It's true, buhay ka nga talaga. Akala ko nagsisinungaling lang sa akin si Cloud para lang makabalik ako ng bansa. But it's true, you're still alive, my wife!” he said as he hugged me tight. Ngunit nanatili lang akong nakatayo sa ilang palapag ng hagdan at hindi ako yumakap pabalik sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko; hindi ko inaasahan na makikita ko siya, na narito siya ngayon. Dahil sa totoo lang, il