WALA akong nagawa kundi ang maghintay sa mansion dahil hindi ako pinasama ni Azelio sa pagdala sa anak kong si Anzhelika papuntang ospital. Hindi naman ako mapakali habang naghihintay. Hindi ako makalabas ng mansion para makasunod dahil sangkatutak ang mga tauhan ni Azelio na nagbabantay sa buong paligid at puro may mga armas. Kung tutuusin ay kaya ko namang takasan ang mga ito, iyon nga lang ay magkakaroon ng malaking gulo at baka magpaputok ng baril, kasama ko pa naman ang anak kong si Enrico, baka matakot. Kaya naman kahit gustong-gusto ko nang tumakas ay nagtiis na lang akong maghintay habang palakad-lakad sa labas ng mansion at panay ang tingin sa gate. Sumapit ang 07:36 p.m ng gabi ay wala pa rin, hindi pa rin nakakabalik si Azelio at ng anak ko. Mas lalo naman akong napuno ng pag