HOME SCHOOLING, iyon ang ginawa ni Azelio sa anak naming si Enrico, at ganoon na rin pati sa anak kong si Anzhelika. Hindi na ako makapagdesisyon sa dalawa kong anak dahil gusto ni Azelio ay siya lahat ang masusunod, at wala akong magawa kundi sumang-ayon dahil wala na akong kakayahan pang kumontra. Hindi rin ako puwedeng lumabas nang ako lang mag-isa, dapat ay kasama siya, dahil baka raw tumakas ako, which is gagawin ko naman talaga kung may pagkakataon lang ako. Pero hindi ako tatakas nang mag-isa lang, gusto ko ay kasama pa rin ang dalawa kong mahal na anak. Ngayon ay nakatayo lang ako sa isang tabi at pinapanood ang anak kong si Enrico na ngayo’y tinuturuan ni Azelio kung paano bumaril. Narito kami sa shooting range dito rin sa loob ng property ni Azelio kung saan ang kaniyang mans