Wala akong nagawa sa pagtangay ni Azelio sa anak kong si Enrico, kaya naman isinama ko na lang din sa amin ang anak kong si Anzhelika at pinauwi na lang si Manang mag-isa. “Ano bang binabalak mo, Aze? Please, huwag mo nang pakialaman pa ang anak ko!” patuloy ko pa rin pagpupumilit habang nasa biyahe na. Magkasama kami ni Azelio sa kaniyang kotse, pero ang dalawa kong anak ay nasa ibang sasakyan kasama ng mga tauhan, dahil nga 2 seats lang ang sports car ni Azelio, kaya ’di kami magkasya. “Bakit parang natataranta ka? Umamin ka nga sa akin, sino ba talaga ang ama ng batang ’yon?” “Sinasabi ko na sa ’yo, anak ko siya sa ibang lalaki. So please, huwag mo na siyang pakialaman pa! Ako na ang nakikiusap sa ’yo na huwag mo nang idamay pa ang mga anak ko!” Isang ngisi lang ang sumilay sa labi