KINABAHAN ako dahil akala ko, katulad ni Azelio ay hindi rin matanggap ni Tredius ang anak ko sa iba. Pero wala itong salita, walang reklamo sa akin, basta hinayaan lang na magyakapan ang dalawa kong anak at tiningnan lang, nang mapatingin naman sa akin ay binigyan lang ako ng normal na tingin. Wala akong nakitang galit o pagkadisgusto niya sa anak kong si Enrico, katunayan ay nagawa pa niyang ngitian ang anak ko at tinanong ang pangalan nito. And he said to my son na tawagin na lang siyang Tito dahil magkaibigan sila at ng ama nitong si Azelio. Natuwa naman ang anak ko at naging komportable agad sa kaniya. Masasabi kong demonyo sila pareho ni Azelio, pero sa kanilang pagiging demonyo, nakikita ko ang kaibahan sa kanilang dalawa: Si Azelio ay makasarili at walang pakialam sa lahat bast