ILANG sandali kong tinitigan ang sarili ko sa salamin bago dinampot na ang hair clipper at walang pagdadalawang isip na pinadaan ito sa ulo ko. Naglaglagan ang mga buhok ko sa sahig ng bathroom. Pero habang kinakalbo ko ang ulo ko ay hindi ko mapigilan ang muling maluha, hindi dahil sa buhok ko kundi naiisip ko na naman ang kalagayan ng anak ko. Kung puwede lang sanang akuin na lang ang sakit nito ay baka ginawa ko na, dahil kung ako ang papipiliin ay mas gusto ko na lang na ako ang magkaroon ng sakit kaysa sa isa sa mga anak ko na wala pang kamuwang-muwang. Bilang isang Ina ay parang ang hirap tanggapin, masikip sa dibdib. Napakasakit. Tuwing naiisip ko ay hindi ko mapigilan ang maiyak. Napagdesisyonan na namin ni Tredius na iuwi na ang anak namin dito dito sa kaniyang kastilyo na napap