Tatlong malalaking kompanya ang plano kong apply-an ngayong araw. Kahit kinakabahan, confident naman ako na matatanggap ako, dahil na din sa mga naging experience ko sa trabaho. "Ikaw na muna ang bahala sa kaniya, Ine, huh..." bilin ko sa mag-aalaga sa aking anak. Karga niya ngayon si Precia na nakalambitin sa kaniyang leeg. "Opo, Ate. Maglalaro kami ni Precia ngayon. Di ba, baby?" "Yesh!" sagot naman ng anak ko. "Be a good girl, baby ko." Hinagkan ko na ang aking anak bago ako lumabas ng bahay. Sinadya kong umalis ng maaga para fresh pa akong makarating sa pupuntahan ko. I'm wearing a lacey blouse on top na pinatungan ko ng blazer, khaki pants sa baba and three inches heels. Goodluck sa akin. Kailangan kong kumayod ng husto para sa aking anak. Maaga akong dumating sa Delmar's