TOO GOOD TO BE TRUE

2100 Words

"Beryl Tuazon, may interview po ako ng one pm," nakangiting sabi ko sa receptionist. Sa mabait na receptionist ako nakatingin. Tiningnan niya ang papel sa kaniyang harapan. "Oh, kayo po pala." "ID po, Ma'am." Binigay ko ang ID ko, nag-log in din ako. Inabot niya sa akin ang applicant pass. s "Fourth floor po, HR office." "Thank you." Dahil katatapos lang din ang lunch ng mga empleyado, punuan ang mga elevator. Buti na lang at hindi ako na-late ng pagdating. "Good afternoon, Ms. Beryl!" Sobrang friendly ng HR. Ang lawak pa ng pagkakangiti niya. "You may take a seat." Tinuro niya ang upuan sa gilid. Naupo kami sa may glass wall. Binuksan niya ang kaniyang laptop at may nilabas na maliit na papel mula sa kaniyang bulsa. Nagsimula siyang magtanong tungkol sa job experiences

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD