Natapos na akong mag-impake kaya hinanap ko si Lola sa labas ng bahay. Nakangiti kong pinagmasdan si Precia na naglalakad at nakasunod sa mga alagang manok ni Lola. Tumatalbog pa ang mamula-mula niyang pisngi kaya napatawa ako.
One year and three months na siya ngayon. A healthy baby girl na sobrang ganda pa.
"Precia!" tawag ko sa pangalan niya. Huminto siya upang lingunin ako. Kumaway ako sa kaniya at kinawayan din niya ako.
"Mammm!" tawag niya sa akin.
Nagsimula na siyang maglakad.
"Careful, baby," paalala ko naman sa kaniya dahil ang bilis ng mga hakbang niya.
Nagmamadali na din akong lumapit sa kaniya bago pa siya madapa.
Binuhat ko siya saka inikot-ikot. Ang lakas ng kaniyang halakhak na sobrang sarap sa tenga.
Hinagis-hagis ko pa siya. Mga ganito ang gusto niya, e. Iyong hinaharot siya.
"Pagod na si Mommy." Binaba ko siya pero nagreklamo siya. Nagpapabuhat ulit, kaya pinagbigyan ko siya.
Inikot ko at hinagis ng ilang ulit hanggang sa hingalin na ako sa pagod. Nangalay na din ang aking katawan.
Tumatawa naman si Lolo. "Ano'ng oras ang alis mo, apo?"
"Alas-tres po, lola..." Ala-una pa lang naman, kaya susulitin ko muna ang oras ko para sa anak.
Ma-mi-miss ko siya kaso kailangan kong umalis.
"Ma-mi-miss kita, baby ko..."
Apat na araw din akong aalis.
"Ako na ang bahala sa kaniya. Hindi ko naman siya pababayaan. Saka sana makita mo doon ang ex mo."
Ngumiwi ako dahil iisa lang naman ang ex ko. My cheater ex na. Wala na akong balita sa kaniya. Pati kay Tita at Therese, hindi na din ako updated sa kanila.
Nang umalis ako ng Manila, nag-deactivate na din ako ng aking mga social media account.
Buntis na ako nang umalis ako. At kahit hindi ako pinalayas ni Tita, talagang plano ko na ding umalis. Plano ko ng umuwi dito sa probinsya. Gusto kong maging stress free ang pagbubuntis ko.
Presko ang hangin dito at sariwa din ang mga gulay.
Nang mapagod si Precia, naghanap na siya ng dede. Naka-formula milk na lang siya ngayon. Nag-stop na siya sa pag-breastfeed sa akin two months ago.
Pinunasan ko na muna siya at pinalitan ng damit para mapreskuhan. Nang makatulog siya, naghanda na din ako para sa pag-alis ko.
"Ikaw na po muna ang bahala kay Precia, Lola, huh?"
"Oo, apo. Ako na ang bahala. Mag-enjoy ka doon."
Hinalikan ko ang anak ko na mahimbing na natutulog. Ang bigat sa dibdib na iiwan ko siya, pero wala naman akong magagawa, dahil kailangan kong magtrabaho.
Ayaw ko sanang sumama kaso hindi puwede. Bukod sa team building ay may iba pang sadya doon ang boss namin.
Sumakay ako ng tricycle sa meeting place namin ng iba pang katrabaho ko. May nirentahan na van si boss na maghahatid sa amin sa airport.
Sa isang island resort kami nagpunta. Excited na ang lahat samantalang ako naman ay panay ang silip sa aking phone. Iniisip ko kasi sina lola at Precia na naiwan.
Madami naman silang stocks ng gatas, diapers at pagkain pero nag-aalala pa din ako. Normal na siguro ito sa isang nanay.
"Malamang tulog na sila, alas-dos na ng madaling araw," sabi ni Effa, ang ka-close ko sa lahat ng katrabaho ko.
May point naman siya.
Bukas na lang. Ngayon, kailangan ko ng matulog dahil mahaba-mahaba ang araw namin bukas.
Tatlong rooms ang kinuha ng aming boss. Ang isa ay para sa aming girls. Malaki naman at hindi kami siksikan na parang sardinas. Komportable din kami dito kaya ayos lang.
Sa isang kuwarto ay mga boys naman. At sa isang room ay sa mga boss naman namin.
Maaga kaming gumising kinaumagahan para makakain ng buffet. Limited time lang ang breakfast buffet kaya inagahan talaga naming gumising.
Pagkatapos kumain, nagsimula na din kami sa aming mga activities.
Twelve pm nang magsabi si boss na mag-lunch na muna kami, sa isang sikat ba seafood house dito.
Sobrang ganda ng view dito kaya habang kumakain ay lumilinga-linga naman ako. Hanggang sa may nakita akong pamilyar na mukha.
Napamura ako nang maalala ko ang gabing iyon! It's him. Hindi ako maaring magkamali, siya iyon! Kahit may ilang metro ang layo niya sa akin, alam kong siya iyon.
"Ayos ka lang?" tanong ng kasama ko. "Namumutla ka."
"Ah, oo." Inalis ko na ang tingin ko sa lalake bago pa man siya mapatingin dito. Just in case.
Alam ko naman na hindi niya ako makikilala kung sakali. Hindi na siguro niya ako matandaan. Hindi na din niya maalala ang nangyari sa amin ng gabing iyon.
Pero hindi ko mapigilan ang sarili na muli siyang lingunin. Ang guwapo niya noon sa paningin ko kahit lasing ako, pero ngayon parang mas lalo pa yata siyang gumuwapo.
Ngumuso ako. It's just a one night stand. Yeah, one night stand pero may nabuo.
Nag-meeting kami after lunch. At three pm, naman nag-start na ang aming activity ulit.
I was so tired tapos sobrang init din kaya pakiramdam ko nanlalagkit na ako. Kaya nang matapos ang activity namin ng four thirty pm, bumalik ako sa hotel room para maligo at makapagpalit ng damit. I was wearing a tube and shorts na pinatungan ko ng crocheted cardigans nang lumabas ako ng hotel.
Nagpunta ako sa resto kung saan nakatambay ang mga kasama ko.
Ka-text ko si Lola kaya naman nasa screen ang tingin ko habang naglalakad. Nang bigla na lang mayroon akong nakabanggaan.
"s**t!" sabay pa naming mura.
Napatingin ako sa mukha ng lalake pero hindi ako nagpakita ng gulat nang mamukhaan ko siya.
I said sorry and was in a hurry to left.
Hindi naman niya siguro ako nakilala. Hindi na niya ako natatandaan.
Kabadong-kabado ako. Nawala sa isip ko na nandito nga pala siya. Ang tanong, hanggang kailan kaya siya dito? Well, that's none of my business since hindi naman na niya ako maalala.
Huminga ako nang malalim. Chill lang, Beryl. Everything is under control.
"Ano'ng gusto mong drinks, Beryl?" tanong ng kasama ko pero mabilis akong umiling. Sinusumpa ko na ang alak kaya hindi na ulit ako iinom.
Hindi nila ako napilit na uminom. Kaya bago pa ang dinner time, kami na lang nina boss ang matino. May mga tama na sila ng alak.
Habang naglalakad kami papunta sa restaurant, nadaanan namin si... Hindi ko pala alam ang pangalan niya.
May kausap ang lalake. Two men and three women. Seryoso ang mukha nito habang nakikinig.
Ngumuso ako. Kamukha talaga niya si Precia. Though nakuha naman ng anak ko ang aking pouty lips, pero mas lamang ang mukha ng kaniyang daddy.
"Kilala mo?" tanong ng kasamahan ko. Umiling naman ako.
"Ang guwapo, huh..."
"Madami talagang guwapo dito. May mga super yaman din. Mag-bar tayo later. Hanap tayo ng afam." Nagtawanan sila.
Umiling naman ako. Hindi ko kailangan ang lalake. Sapat na sa akin ang anak ko.
Nagsimula na kaming kumain nang pumasok iyong lalake. Napatingin sa kaniya ang mga kasama ko. May paghanga sa kanilang mukha. Ang guwapo niya talaga. Siya iyong tipo ng lalake na masarap lang sa mata, pero masakit sa pu... pusong mahalin dahil hindi ka seseryosohin.
Tumayo ako upang kumuha ng slice fruits sa buffet table. Habang kumukuha ako ng tag-iisang slice ng fruits may biglang tumabi sa akin. Hindi ko ito pinansin, pero hindi ko din malaman kung bakit ko siya tiningnan.
Shit! Siya! Nakatingin siya sa akin!