HE REMEMBER

1148 Words
Nanlalaki ang aking mga mata na pilit na nginitian siya bago ako nagmamadaling umalis at bumalik sa upuan ko. "s**t ka, Beryl!" "Sana nakipagkilala ka man lang kay Mr. hottie." Ngumuso ako. "Masyadong guwapo, nakakatakot," sabi ko naman saka nagsubo na parang hindi ako kinakabahan dahil sa nangyari, pero ang totoo ay halos magiba na ang aking ribcage sa matinding kaba. Sinulyapan ko siya at nakita ko na may kausap na siyang babae sa may buffet table. Sobrang ganda ng babae at mukhang type niya ang babae. Mabuti na din iyon nang ma-distract siya. Hindi siguro niya ako maalala. O baka mukhang pamilyar ako kaya lumapit siya kanina. O masyado lang akong assuming. Baka kumukuha lang din ng fruits. Bumuntong hininga ako. Ang liit talaga ng mundo. Pero okay lang kung maliit basta hindi niya ako maalala. Kailan kaya siya aalis? Sana umalis na siya. Pagkatapos kumain, nag-aya ang mga kasama namin na mag-inom sa open air bar na may view ng dagat. Kasama ang mga boss namin, kaya napilitan akong sumama. "Oy, Beryl, uminom ka. Huwag kang KJ. Nandito tayo para mag-enjoy." "Sige pero iyong flavored drinks na lang para hindi ako malasing." Isa lang tapos babagalan ko na lang ng inom. Hindi pa na-se-serve ang order namin nang makita ko ang lalake sa may entrance. Kasama niya iyong mga kausap niya kaninang umaga. Nag-uusap sila at dire-diretso ang lakad nila papunta sa table and couch na malapit sa may stage kung saan kumakanta ang isang banda. "Nandito din si Mr. hottie," bulong ng mga babaeng kasama ko. Tumikhim naman ako sabay lunok. Ano ba'ng ginagawa niya dito? Ang dami-dami namang bar dito sa isla, dito pa talaga sila nagpunta. Mas lalong hindi ako makapag-enjoy dahil kung ano-ano na ang mga pumapasok sa aking isipan. Sinilip ko ang phone ko. May text si Lola. Dumedede na daw si Precia at matutulog na. Tiningnan ko ang lalake sa may unahan. Kamukha talaga siya ni Precia. Tipid akong ngumiti. Kahit paano may nadulot ding maganda ang kagagahan ko ng gabing iyon. And that is my beautiful angel, Precia. Sumimsim ako sa aking alak. Dahil kanina pa umiinom ang mga kasama ko, lasing na talaga sila. Medyo wild na at nag-aaya na sa dancefloor. Wala namang pakialam ang mga boss namin sa kanila. "Beryl, tara na!" aya nila sa akin. "Sige, susunod ako. Mag-restroom lang ako," sagot ko para makaiwas. Wala sa bokabularyo ko ang mag-party, maglasing, magsayaw at makipag-flirt. At hayun nga sila, nilapitan na ng ibang mga turista. Napangiwi na lang ako. Pumasok ako ng restroom. Naupo ako sa trono ng ilang minuto. Gusto ko ng matulog. Sana naman maya-maya puwede ng bumalik sa hotel para makapagpahinga. Nakakapagod din kaya ang maghapon namin. Signs of aging na ba 'to? Pero nasa twenty's pa lang ako, hindi pa ganoon katanda. Hindi naman kasi ako mahilig sa ganito. Hindi ko din pinangarap ang mag-party noon. Unang beses kong mag-party ay noong nahuli ko sina Roger at Therese. Lumabas ako ng cubicle. Naghugas ako ng kamay bago lumabas. Wala ako sa sarili ko kaya hindi ko napansin ang lalakeng nakasandal sa may dingding. Kaya nang marinig ko itong tumikhim ay gulat akong napatingin sa kaniya. He raised his brows. Oh, damn! What is he doing here? What does he want? Hindi ko siya pinansin. Dumiretso na ako ng lakad pero bigla niyang hinarang ang mahaba niyang braso. Tiningnan ko siya habang kunot ang noo. I didn't know how to respond. Dapat hindi ako obvious. Kunwari hindi ko siya kilala. "How are you?" Oh, nakikipagkumustahan. Normal naman iyon sa first meeting, di ba? "Ah, fine? Got to go, bye!" Kumaway pa ako sa kaniya. "Don't tell me you don't remember me." "Huh?" Maang-maangan kong tanong. Pinagsalubong ko pa ang aking kilay, para mapaniwala ko siya na hindi ko siya kilala. "Not a single woman I f****d ever forget about me..." What a fvcking jerk! "Did we f-fvcked?" Tumawa siya. "You're not good at lying. You're face tells me so. You're blushing." "Mister, you have a very filthy mouth. I'm not used to words like that," sagot ko naman, masungit na ang tono. "Oh, yeah?" Mapaglaro siyang ngumiti. My golly! Ang guwapo niya. Lumuwag ata ang garter ng panty kong Soen! "Yeah. And bye!" "I took your virginity so it's really impossible that you forgot about me." Pinilig ko ang aking ulo. Tumaas naman ang sulok ng kaniyang labi. "Wala akong maalala," sabi ko bago tuluyang umalis. Nagpaalam ako sa boss ko na babalik na ako ng hotel dahil masakit ang tiyan ko. Sana lang bukas hindi na kami magkita ng lalakeng iyon. Matutulog na ako, dahil na-stress ako sa kaniya. Inumaga na ng balik sa hotel ang mga kasama ko. Lasing na lasing na sila. Tulog na tulog na sila, samantalang ako ay hindi na nakabalik sa pagtulog. Maaga pa din kaming gumising kinaumagahan. Nag-breakfast buffet kami. Susulitin na namin 'to. Kalimutan na muna ang diet, lalo at masasarap ang mga pagkain na nakahanda. Kumuha ako ng dessert para magkaroon ako ng energy ngayong araw lalo at may activity kami. Ginandahan ko ang pag-ayos ng mga sweets sa aking plato, kaya hindi ko na napansin ang paglapit ng lalake sa akin. "s**t!" napamura na lang ako. "You're so jumpy. Avoiding me?" Hindi ako umimik. Nagpatuloy ako sa aking ginagawa. "If you think I'll leave you alone while you're here, you're wrong. You left that morning and left me with only five thousand pesos." Nakanganga akong tumingin sa kaniya. Only? Ano'ng ibig niyang sabihin sa only? "You've insulted me. Woman, I'm not worth five thousand only." Inikot ko ang aking mga mata. Suko na ako sa pagpapanggap kahit hindi siya naniniwala na hindi ko siya maalala. Nakakainis siya, e. "Kulang iyon." "Pang-five thousand ka lang. Huwag ka ngang choosy. Pasalamat ka nga iniwanan pa kita ng pera." He laughed. Tuwang-tuwa ang itsura niya. And then he stopped laughing. Hinimas niya ang kaniyang baba, baba na as in chin hindi iyong malaking nakabukol sa gitna ng kaniyang mga hita. He smirked. "Kulang pa din iyon." Para tantanan niya ako, tinanong ko kung magkano. "Magkano ba ang kailangan mo?" Ang kapal ng mukha, siya nga itong may utang sa akin. But anyway hindi naman niya kasalanan na may nabuo. That's my fault because I didn't take any contraceptives. But that's okay. Hindi ko naman pinagsisihan ang gabing iyon, pati na din ang pagdating ng anghel na dahilan kung bakit ako ngayon masaya na nagpapatuloy sa buhay. "Name it." Siguro naman sapat na ang ten thousand. Kapag ayaw pa din niya bahala na talaga siya. Titiisin ko na lang siya ng ilang araw. Dalawang araw pa aalis na din na kami dito. He smirked. I rolled my eyes. "Ano?" naiinip na tanong ko, but then napatingin ako sa likuran namin. May pila na pala. Nauna na ding tumalikod ang lalake. Naiwan naman akong inis na inis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD