Ang Tadhana ni Narding Season 2 Ai_Tenshi Part 45: Ang Dalawang Taga Pagligtas Isang pang malakas na kulog at kidlat ay nag laho na sa aming paningin sina Bart at Serapin na parang isang bula. Kasabay nito ang pag dating ng mga pulis ngunit wala rin silang inabutan kaya't si father na lamang ang nag paliwanag sa kanila ng mga kaganapan. Samantalang kami naman ni Cookie ay tulala pa rin na nag tungo sa silid ni Bart upang kuhanin ang mga naiwang gamit ni Ka Andres at nag pasyang tahakin ang daan pauwi. Kinabukasan.. Naalimpungatan ako sa malakas na ingay ng mga tao sa labas. Kaya naman agad akong bumalikwas ng bangon upang tingnan kung ano ang kanilang pinag kakaguluhan. "Ano mayroon? Bakit nasa labas sila papa?" ang tanong ko noong mak