Ang Tadhana ni Narding Season 2 Ai_Tenshi Inilubog ako nito at pinaikot ikot sa pinaka malalim na parte. Pilit kong ikinampay ang aking kamay ngunit walang kakayahan ang aking paa dahil pilay ito. Mabangis ang agos sa ilog, tila ba pati ito ay malaki rin ang galit sa akin kaya't wala itong ginawa kundi hitakin ako pababa sa kanyang pinaka kaibuturan. Halos maiyak na lamang ako sa matinding takot at pangamba kasabay nito ang pag kapatid ng aking hininga. Ang aking huling nakita ay inaanod pa palayo ang saklay.. Wala na akong naalala pa. Part 46: Ang Hukbo ni Serapin Noong iminulat ko ang aking mata ay natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa isang maluwang na silid. Ramdam na ramdam ko pa rin ang p*******t ng aking ulo at panlalambot ng aking kata