Kabanata 10

2711 Words
I WAS silenced for a moment. Isang bagay ang yumanig sa isip ko dahil sa tanong niya. May gusto ako kay Xavi? Kay Xavi Buencamino? I mentally shake my head. No! It’s not that. Kamukha lang siya ni Alistaire kaya ganito ang epekto niya sa akin, pero wala akong gusto sa kaniya. “Why, Solde?” tunog dismayado ang tono ni Sir Xavi. He is shaking his head while looking at me like I am a big dirt. “Why are you keeping a picture of mine? Bakit ako? Alam mong ikakasal na ako, hindi ba?” “W-wala!” sambit ko nang sa wakas ay makabawi. Parang nilulublob ako sa kahihiyan ng klase ng tingin sa akin ni Sir Xavi. “Wala akong gusto sa’yo at hindi ikaw ang nasa picture! It’s Al-is-tai…” my voice just trailed off. Mararahas ang kabog ng puso ko habang pinapanood ang paglipad sa harapan ko ng mga piraso ng pinunit na litrato ni Alistaire. My jaws fell. Tumingin ako kay Sir Xavi na matiim ang pagkakatitig sa akin habang pumipintig ang mga panga. Nagpanting ang mga tainga ko dahil sa ginawa niya. Nalimutan ko kung sino ang aking kaharap. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at walang pag-aalinlangan kong pinalipad ang aking palad sa kaniyang mukha. The skin of my palm burns right after hitting him. Bigay-todo ang sampal ko pero, bahagya nang tumabingi ang kaniyang mukha. Nawala sa ayos ang salamin niya na pagkatapos niyang hubarin ay balik na ulit siya sa pagtitig sa akin na para ba akong madungis na kuting na nakikiagaw ng pagkain sa iba. I swallowed. Mabilis kong dinampot isa-isa ang mga piraso ng pinilas na larawan ni Alistaire at saka nagmamadaling umalis. Pinigilan kong maiyak kahit tila nilalamukos ang puso ko. Isiniksik ko sa aking wallet ang napunit na larawan. This is one of the memories of my husband. Gusto kong murahin si Sir Xavi at sisihin ang sarili ko na hindi man lang naingatan ang picture ni Ali. “Anong-” sambit ko nang bumalandra sa pinto si Sir Xavi bago ko pa man iyon mabuksan. Namilog ang mga mata ko at agad naibabawan ng galit. “G-get out of my way!” Hindi siya natinag. Nagsukatan muna kami ng tingin bago ako kumilos. I give all my energy para mapaalis siya sa pagkakasandal sa pinto kaya hindi ko napaghandaan ang sunod na ginawa niya. He grabbed me on my shoulders, at sa isang mabilisang galaw ay nagpalitan kami ng pwesto. Ibinalandra niya ako sa pinto. Nabalot ang pang-amoy ko ng bango ni Sir Xavi. Nabitiwan ko ang aking wallet nang pigilan niya ang mga kamay ko. I stunned. Namimilog ang mga matang tumingin ako kay Sir Xavi. “I know what you’re up to, Solde!” hinihingal na sambit niya. “Aminin mo man o hindi, alam ko kung anong gusto mo! Front mo lang ang pagtanggi sa regalo ko para sa anak mo, pero ang totoo, gusto mong kunin ang loob ko! Iyon ba? Fine! Ibibigay ko kung anong gusto mo. Ibibigay ko sa’yo ang nasa loob ko!” He forced my hand on top of his crotch. Nanlaki lalo ang mga mata ko nang maramdaman ang matigas niyang pagkalalake. I felt so violated. Nababuyan ako sa ginawa niya kaya gigil na nagpumiglas ako at pilit na kumawala. Subalit kulang ang lakas ko para sa kaniya. “B-bitiwan mo’ko! Bastos! Walang modo!” sunod-sunod na mura ko na hindi niya pinansin. “Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa isang asal-hayop na kagaya mo!” asik ko pa habang patuloy sa pagwawala dahil pinipigilan niya ang mga kamay ko. He smirked. He freed my hands and cupped my nape. Ang isa naman niyang braso ay mabilis na pumulupot sa aking baywang. Itinulak ko siya sa balikat, pero walang saysay ang ginawa ko. He angled his head and the next thing I knew, angkin na ni Sir Xavi ang bibig ko. He crushed my lips with his. Halos madurog ang mga labi ko sa paraan ng paghalik ni Sir Xavi. Itinulak niya ang balakang sa akin at desperadong nagtaas-baba. Ramdam ko ang pagkislot ng mahaba at matigas na ari niya mula sa loob ng kaniyang pantalon. Gamit ang isa niyang tuhod ay pinaglayo ni Sir Xavi ang aking mga hita upang mabigyan lalo ng daan ang pagkiskis ng harapan niya sa akin. He is dry-humping me, pero hindi ko maisatinig ang pagtutol dahil ayaw niyang tantanan ang mga labi ko. Nagkaroon pa siya ng tsansang ipasok ang dila sa aking bibig nang pilitin kong makasinghap ng hangin. He groaned. Mas humigpit ang braso niya sa baywang ko at mas naging madiin ang pagtaas-baba ng kaniyang balakang sa akin. His tongue started to invade my mouth. Isinusuntok ko pa ang aking mga kamao sa mga balikat niya nang sa isang iglap ay naalala ko si Alistaire. I suddenly remember how Alistaire kissed and touched me. I suddenly miss the way he did wonders on my body. Kay Alistaire ko lang ipinagkaloob ang sarili ko. Sa kaniya lang ang katawan ko pero, sa kung anong dahilan ay hindi ko na matutulan ang nagaganap. Dumalang ang mga pagpiglas at isang ungol ang tumakas sa akin nang banayad na sipsipin ni Sir Xavi ang aking dila. Pinilit ko pang paganahin ang isip ko, subalit sa huli ay natangay ako sa ginagawa niya. Napatugon ako sa halik niya habang ang mga kamay kong sumasalag kanina ay kusang pumulupot sa kaniyang mga balikat. Gumapang ang halik ni Sir Xavi sa aking panga. Sinuyod ng mainit na dila niya ang aking tainga pababa ng leeg. Dumaloy ang kuryente sa gulugod ko dahilan para mapapikit ako kasabay ng pagkagat sa aking ibabang labi. Idiniin pa niya nang husto ang sarili sa katawan ko. Napipi ang dibdib ko sa tila bakal na katawan ni Sir Xavi. His hands began to explore my body while he continuously grind his pelvis against mine. Hindi ko napigilan ang mga daing. Alipin na ako ng matinding pagnanasa nang walang ano-ano ay huminto si Sir Xavi sa paghalik sa akin. “Sh*t!” he cursed. Mula sa pagkadarang ay napamulagat ako. Parang napapasong binitiwan ni Sir Xavi ang aking katawan at tahasang lumayo sa akin. Naiwan akong binabalot ng pinagsama-samang pagtataka, disappointment at hiya. Tiningnan ako ni Sir Xavi. Hindi ko mabasa ang iniisip niya, pero kung anoman iyon, siguradong hindi pabor sa nararamdaman ko. Gusto ko na lang maglaho nang parang bula sa harapan niya dahil sa tindi ng hiya na ipinadama niya sa akin. He groaned. Isa pa ulit mura ang sinambit niya bago tila sising-sisi na inihilamos ang mga palad sa mukha. Alam kong mukha na akong tanga na nakatayo at nanonood kay Sir Xavi. Nangininig man ay pinilit kong kumilos upang pulutin ang wallet ko at saka dali-daling binuksan ang pinto. Nagkagulatan pa kami ni James nang pagbukas ko ay naroon siya sa labas. “Ma’am Solde, nandito ka pa pala?!” takang-tanong nito. Dala nito ang mga gamit sa paglilinis kaya malamang na tapos na sa trabaho sa itaas. Napalunok ako. Muntik na pala kami nitong mahuli kung nagkataon. “P-pa.. pauwi na ako…” Niluwangan ko ang bukas ng pinto para makalabas na, subalit natigilan pa ako nang makita ang reaksiyon ni James. “Okay ka lang, Ma’am? Bakit parang namumutla ka?” Para akong napako sa aking kinatatayuan. Hindi ko malaman kung anong isasagot. “James, maglilinis ka na ba?” tanong ni Sir Xavi na ikinagulat ng janitor. Nakatayo siya sa gilid ko, pero hindi ko magawang mag-angat ng mukha para tingnan siya. “Nandiyan ka rin pala, boss? Anong nangyari kay Ma’am Solde? May problema ba?” sabay tingin ulit sa akin James. “May nakitang ipis si Miss Aguilar kanina. Hanapin mo at patayin bago ka umuwi.” Ilang segundo akong natigilan sa sagot ni Sir Xavi. Napilitan akong lingunin siya. Sinalubong niya ang mga mata ko. “Okay ka na ba?” tanong pa niya na parang walang nangyari. Isang nang-uuyam na tingin ang itinugon ko sa kaniya. Tahimik akong lumabas ng opisina bago nagmamadaling bumaba ng hagdan at dere-derechong naglakad pabalik sa aking sasakyan. ----------------------------------------------------------------------------------------------------- HATINGGABI. Nasa office pa rin ako at wala pang balak na umuwi ng bahay. Pabalik-balik sa isip ko ang nangyari. Hindi ako matahimik dahil sa ginawa ko kay Solde. Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko nang mahawakan at maamoy ko na siya. Pakiramdam ko ay natural na reaksiyon ng katawan ko ang nangyari sa amin kanina. Humugot ako ng hangin. I didn’t know what happened to me. I just lost my control. Naghalo ang kaba at galit sa akin. May tanong na naiwan sa isip ko na hindi ko alam kung gugustuhin kong malaman ang sagot. Bakit may picture ko sa wallet niya? I am sure it’s me because I also have that picture and I was wearing the same shirt. Ang kaibahan lang ay mag-isa ako sa picture na na kay Solde habang sa picture na nasa akin ay katabi ko ang sinasabi ni Noelle na college friend ko. Sinabi rin ni Noelle na nagpakamatay ang kaibigan kong iyon dahil sa matinding depression. I didn’t know. Wala akong maalala kaya hindi ko rin matandaan kung sino ang tinutukoy niya. Noelle just told me that it was my friend back in college pero, hindi niya masabi ang pangalan. Nalimutan na raw niya dahil ako lang din ang nagkwento sa kaniya noon. That's why I don’t believe in Solde. Alam kong ako ang nasa litrato na nakita ko sa wallet niya at hindi ibang tao. Nagtataka ako kung paano siya nagkaroon ng picture ko, but more than my own questions, nangingibabaw sa akin ang rason ni Solde. I want to know why because it just made things more complicated. May gusto ba siya sa akin? Nahihirapan na nga akong alisin siya sa isip ko ay ganito pa ang nangyari. Nagagalit din ako sa sarili ko dahil maling maglaan pa ako ng ganitong atensiyon at damdamin sa ibang babae. This is not proper because there's already someone in my life. Si Noelle ang dahilan kaya sinisikap kong umiwas kay Solde nitong mga nakaraang araw. Desidido akong pakasalan siya dahil siya ang gusto kong makasama habang buhay. Si Noelle lang dahil siya lang ang nakakakilala sa akin. Siya ang ilaw ko pabalik sa malabo kong nakaraan. At kahit hindi ko na maalala ang lahat, alam kong hindi niya ako iiwan. She will stick by my side the way she did after I woke up from coma. Nawala lang ang memorya ko, pero hindi ako bulag sa nakita kong hirap at sakripisyo ni Noelle. Kaya nasaan ang konsensiya ko kung ganito ang igaganti ko sa kaniya? I groaned in frustration. Napapikit ako, pero isang mukha ang malinaw kong nakita na walang iba kundi kay Solde. Mabilis din akong nagmulat pagkatapos. Pumintig bigla ang ulo ko nang alalahanin ang hitsura ni Solde sa aking isip. Yes, it’s her! Mukha iyon ni Solde na ayaw akong patahimikin mula pa nang una ko siyang makita. Hindi ko alam kung imahinasyon lang ba pero, doon ay wala siyang kahit anong suot. Nanuyo ang lalamunan ko. Have I become pervert because of this woman? Ganito ba katindi ang epekto sa akin ni Solde? Aminado akong muntikan na akong matangay kanina, pero ganito na ba kalala ang pagnanasa ko na maging sa imahinasyon ay makita ko si Solde na nakahubo’t hubad? Sumikip muli ang pantalon ko nang maalala ang tagpo namin kanina. Hindi ko napigilang balikan sa isip ko kung gaano kalambot ang katawan niya. Inaasahan ko na ang tawag ni Noelle, pero napaigtad pa rin ako sa tunog ng cellphone ko. Nang damputin ko iyon ay nag-alangan pa akong tanggapin ang tawag. I inhaled deeply. Itinaboy ko sa isip ang pangalan at ang imahe ng ibang babae at sinagot ang tawag ni Noelle. “Hi, baby!” Nakangiti agad siya nang bumungad sa screen ang kaniyang mukha. Ngumiti rin ako. “Hi. How’s your day?” “Okay naman. Of course, excited ako sa bawat araw ba dumadaan. Ilang araw na lang at makakasama na kita.” I nodded. Tumayo ako at nagsimulang magpalakad-lakad nang mabagal sa aking opisina. I bit my lip. Naalala ko bigla kung gaano katamis ang mga labi ni Solde. Muntikan na akong mapamura. Nasisiraan na yata ako ng ulo! O baka nami-miss ko lang si Noelle kaya ako nagkakaganito? Nangako kasi ako sa sarili ko na hindi ko gagalawin si Noelle hangga't hindi ako gumagaling. Siguro ay kailangan ko nang kalimutan ang pangakong iyon. Mahal naman ako ni Noelle at sa tagal ng aming relasyon, alam kong maiintindihan niya ang pangangailangan ko. “What’s happening to you, baby? Hindi ka ba excited na makita ako?” tanong ni Noelle na umuntag sa pag-iisip ko. Huminto ako at napatingin ako nang direcho sa screen. “Of course, I am!” sagot ko at banayad na ngumiti kay Noelle. “I miss you. G-gusto ko nang hilahin ang araw para makauwi ka na.” Nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko. Sinundot naman ako ng aking konsensiya. “Me, too. But it will be Friday soon kaya mabilis na talaga. And of course, excited din ako dahil makakasama ako sa launching ng company mo. Oh, baby, you just don’t know how proud I am to you! I love you so much!” Lumunok muna ako bago sumagot. “Thank you, baby. I-I love you, too.” ----------------------------------------------------------------------------------------------------------- ISANG mataginting na halakhak ang narinig ko pagkatapos naming mag-usap ni Xavi. Nilingon ko ang pinagmumulan ng tawa. Nakaupo ng de-kwatro si Chelsey habang sumisimsim ng alak at pinanonood ako. “It seems like you’re enjoying our show. Magaling ka lang ba talagang artista, Noelle, o baka naman tinototoo mo na ang pagpapanggap?” nakangisi, subalit nagbabanta ang mga tingin niya. Nagusot ang noo ko. “Ito ang gusto mong gawin ko, hindi ba? Lagi mo pang ibinibilin na galingan ko sa pagpapanggap dahil hindi pwedeng makahalata si Xavi.” She laughed. Ganito siya sa tuwing nag-uusap kami. I cannot trust someone like her. Mula nang gabing dinala niya ako Xavi na noon ay walang malay, itinanim ko na agad sa isip ko na hindi siya ang uri ng taong dapat pagkatiwalaan. Malabo ang kwento niya kung saan niya nakita si Xavi. She told me that he was her ex-lover, pero takot na takot siyang makita siya nito. At higit sa lahat, pinagpanggap niya akong fiancee ni Xavi. Siya pa mismo ang gumawa ng iba’t ibang kwento para palabasin na totoo ang aming relasyon. There’s something wrong about this woman. Sa tingin ko ay siya ang may kasalanan sa pagkakaroon ng amnesia ni Xavi kaya pilit niya itong itinatago. Iyon din marahil ang dahilan kaya takot siyang magkita sila. Ang paliwanag kasi ng doktor ay walang katiyakan ang pagbabalik ng memorya sa mga kaso na gaya ng kay Xavi. Posible raw na hindi na makaalala ulit ang lalake, pero maaari rin daw na bigla na lang bumalik ang lahat ng memorya nito. Depende iyon sa sitwasyon at trauma na dinanas ng pasyente. At isa sa mga posibleng dahilan ay kapag na-trigger ang emosyon nito na kadalasan ay sanhi ng matinding takot o kaya ay galit. Isa roon marahil ang pwedeng maka-trigger sa alaala ni Xavi kapag nakita nito si Chelsey. Kaya naman kahit panay ang pagdududa niya sa akin ay pilit pa rin niya akong pinagpapanggap para mabantayan si Xavi. “Mabuti naman at hindi mo kinakalimutan ang mga sinabi ko. Siguraduhin mong umaarte ka lang talaga dahil malapit ka nang umuwi.” “Sino ba talaga si Xavi? Bakit hindi mo pa sabihin sa akin?” Tiningnan niya ako. “Hindi mo na kailangang malaman, Noelle. Ang intindihin mo ay kung ano lang ang ipinagagawa ko sa’yo.” Hindi ako nakasagot. Tumayo si Chelsey at naglakad palapit sa kama kung saan nakaratay ang aking tatlong taong gulang na anak. Tumigil siya sa paanan ng hospital bed bago muling tumingin sa akin. “Just make sure na hindi ka sosobra sa binigay kong limitasyon. Alalahanin mong may mga mata ako sa Maynila. Oras na malaman kong inaakit mo si Xavi, alam mo na kung anong mangyayari.” Pinagkrus niya ang mga braso at nakangising tumunghay sa walang malay kong anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD