Chapter 2

2068 Words
"Psh, ang hirap naman nito, bakit ba kasi kailangan pang aralin ang algebra? Plus, minus, times, divide lang naman ang ginagamit sa totoong buhay," Zice said in frustration. I smiled. "You can use algebra to know so many things. Do you want me to tell you some examples?" Bumuntong hininga ito pagkatapos ay bumaling sa akin. "Listen, Ms. Aldana, I don't have to learn this. We have our own budget manager, accountant and whatsoever. If I wanna know something about numbers, they are ready to give me an answer." "Alright, but you still need to pass this subject, right?" He groaned. "Arghh! Can't you just tell my algebra professor to pass me? Mag-history na lang tayo, kung paano pinatay ni Jose Rizal si Magellan kaysa dito sa mga number na 'to. I hate it. I hate numbers." Napatawa ako nang mahina rito. "Jose Rizal did not kill Magellan, Zice. Exam mo na next week, you have to learn. Chapter 1 pa rin pa tayo after 2 weeks of tutoring you. This is basic." "Fine, give me a break." Tumayo ito at nagsimulang humakbang. Narinig ko pa itong bumulong habang palabas ng study room. "Sino ba kasi nag-imbento ng algebra na 'yan? Pahirap sa buhay ko." I chuckled. Inayos ko ang mga libro at papel sa ibabaw ng mesa. Maluwag at mataas ang study room nila. Maraming nagtataasang shelves sa pangalawang palapag puno ng iba't ibang klase ng libro. I guess kumpleto ang mga iyon, karamihan galing pa sa iba't ibang bansa. Mahaba rin ang mesa. Kasya yata ang 50 katao roon. Tahimik rin ang buong silid, hindi gaanong maliwanag ang ilaw sa loob but it was fine. I could still read books. Lumipas na ang dalawampung minuto pero hindi pa rin ito bumabalik. Mayroong pumasok na mga kasambahay sa silid na may dalang merienda. Nilapag nila ang mga tray sa mesa. "Uhm, excuse me... nakita niyo ho ba si Zice?" "Ay, hindi po, Ma'am." I smiled. "Salamat." Hindi pa rin ito bumabalik kaya naman hinanap ko na ito sa labas. Wala akong nakaka-salubong na mga kasambahay kaya naman wala akong mapagtanungan kung nakita ba nila ito. Tila mall sa laki ang bahay ng mga ito kaya naman hindi ko maiwasang maligaw. Hindi ko na alam kung paano babalik sa study room. Nagpatuloy ako sa paghakbang. Sa laki ng bahay nila, marami silang kasambahay pero hindi ko alam kung bakit unusal na wala akong makitang kahit isa sa mga ito. Napatingin ako sa magandang batang nakaupo sa couch. May hawak itong libro habang tahimik iyong binabasa. Kung hindi ako nagkakamali, Klaire ang pangalan nito. Nakikita ko na rin ito sa campus kapag binibisita ang Ate niya. Dalaga na rin ito. I think she was 15 or 16. "Excuse me..." Mula sa binabasa ay nag-angat ito ng tingin sa akin na walang kahit anong ekspresyon sa mukha. "Have you seen your brother, Zice?" Binaling rin nito ang tingin sa binabasa. "No." She sounded cold but I thought I should get used to them dahil halos lahat sila ay ganoon ang tono. Nagpasalamat pa rin ako rito. May iilang katulong ang nakasalubong ko ngunit hindi rin daw alam ng mga ito kung nasaan si Zice. Naka-salubong ko pa ang isa pang magandang bata. Agad itong ngumiti sa akin. She was really very welcoming with her angelic face. Napaka-ganda like K. "Nice to see you again here, Ms. Aldana." "Hi Kalsey... I just wanna ask kung nakita mo ang Kuya mong si Zice?" "I'm sorry, no. I think he's in his room or pinagtaguan ka lang po talaga ni Kuya, Ms. Aldana. He really hates studying." Sa kanilang lahat ay ito yata ang pinaka-malambing at pinaka-palangiti. I had never seen K smiled like that kahit ilang taon ko na itong kaibigan. Nagpaalam din ito agad sa akin dahil hinahanap niya raw ang alaga niyang aso. Bumuntong hininga ako. There was still an hour. Ayokong sayangin iyon dahil alam ko kung gaano rin ka-strict si K pagdating sa oras. Siya ang nag-hire sa akin as his brother's tutor that's why I didn't want to disappoint her. Nakiusap na ako sa katulong na puntahan ito sa silid pero wala raw ito roon. Pakiramdam ko tuloy ay sinadya talaga nitong pagtaguan ako because he knew so well na hindi ko siya mahahanap sa buong bahay. Nakalabas na ako ng bahay nila sa paghahanap sa kanya. I really didn't know where to find him. Kahit ang labas ng bahay ay sobra sa lawak. Ang alam ko ay may tinatawag pa silang east, north, south, west yard or garden. Naka-pupunta na rin ako sa bahay nila noon because of K. Lalo na kapag may kailangan kaming tapusin na project. Hindi ko pa nalilibot ang bahay ng mga ito, but I heard kompleto iyon. May sariling night club, may sariling gymnasium, theatre, and more. Halos hindi na nila kailangang lumabas ng bakuran nila to have fun. Ang alam ko rin ay kailangan pa ng shuttle o ng sasakyan bago maikot ang buong paligid ng bakuran nila. Tumayo ako sa magandang damuhan na napapaligiran ng iba't ibang magagandang halaman at bulaklak. Inikot ko ang tingin sa paligid para hanapin ito pero nanigas ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang tubig na bumasa sa buong katawan ko. It was the lawn sprinkler. Agad rin akong umalis sa lawn pero huli na ang lahat dahil basang basa na ako. Humugot ako nang malalim na hininga at pinunasan ang damit ko gamit ang kamay ko kahit alam kong hindi iyon matutuyo. I felt like Zice was just around laughing at me. Kahit kalian ay pasaway talaga ito. I still looked around. Napatingin ako sa pangalawang palapag hindi kalayuan mula sa direksyon ko. Sa balcony, nakatayo roon ang isang matangkad na lalaki habang naka-pasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa. As usual, simula bata ito, wala akong nakitang kahit anong emosyon sa mga mata nito. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kaagad nagawang tanggalin ang tingin rito. He looked exactly like Mr. Sandoval, his father. Maraming nagsasabi na sa kanilang magkakapatid ito ang pinaka-kamukha ng ama. I would agree with that. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng panunuyot ng lalamunan ko habang diretso pa rin itong nakatingin sa mga mata ko. Ilang sandali pa iyon before he took his eyes off me. Nagsimula siyang humakbang paalis. Wala sa loob na sinundan ko siya ng tingin. Kahit may kalayuan ay nakikita ko pa rin ang tangos ng ilong nito. Humugot ako ng malalim na hininga nang mawala ito sa paningin ko. Ubos na rin ang oras kaya naman naisip kong umuwi na lang. Siguro'y babawiin ko na lang ang nawalang oras sa susunod na pagtu-tutor ko rito. Sinubukan kong maghanap ng kasambahay dahil hindi ko alam kung saan ako dadaan papunta sa harap ng bahay nila kung saan ko iniwan ang sasakyan ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway na hindi ko alam kung saan patungo nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. Huminto ako at nilingon ito. Nasalubong ko ang kulay tsokolateng mga mata nito. Tila walang laman ang mga iyon at masyadong itong seryoso. Hindi ko alam kung bakit nanunuyot na naman ang lalamunan ko habang nakatingin rito. I suddenly felt... uncomfortable. Noon ko lang naramdaman na hindi ako sanay na tingnan ang mga mata nito nang malapitan. Umangat ang kamay nito na may dalang tuwalya. "Next time stop finding someone who doesn't want to be found." Halos manlamig ako sa tinig nito. Inabot ko naman iyon mula sa kanya. "T-Thank you..." Muli nitong dinala ang mga palad sa loob bulsa at humakbang palayo. Nanatili naman akong nakatingin sa malapad nitong likod. Sa ilang beses kong pagpunta noon sa bahay nila, iilang beses ko pa lang itong narinig magsalita. He was my student in my biology class. Hindi ito active in terms of orally answering questions I would ask pero madalas ay perfect nito ang written exams. Pagdating naman sa recitation, he could answer without buffering. Mukhang alam nito lagi ang isasagot. Almost all students in my class had crush on him because he was... handsome and smart. Sinamahan na ako ng isang kasambahay para i-lead ako sa main door. Papunta pa lang kami roon nang makasalubong namin si K. Agad yumuko rito ang kasambahay. "Magandang araw po, ma'am." K didn't bother to look at her. Instead, she looked at me from head to toe. "You took a bath here?" tanong nito. "Uh... napunta kasi ako sa garden. Natiyempuhan ko lang ang... dilig ng mga halaman." "What are you doing in the garden?" "I was... looking for Zice." Hindi ito sumagot at tumingin sa paligid. It was really hard to know kung anong iniisip nito dahil halos sa lahay ng bagay ay wala itong reaksyon o emosyon. I guess it was really normal to them. "Kurseiv" tawag nito na may katamtaman lang ang lakas ng boses. Napansin ko kaagad ang bilis ng kilos ng mga kasambahay. Kahit ang mga staffs sa campus ay naaaligaga kapag may pinag-uutos siya dahil kung may gusto ka mang makitang magalit, it was not her. Never her. Hindi nagtagal, narinig ko rin agad ang mabilis na yabag na papalapit sa amin. Sa sobrang bilis at pagmamadali ay halos hindi ito maka-preno sa harap namin. "Ate?" maamong bigkas nito. Gusto ko agad itong tawanan. Pagdating talaga kay K ay nagiging mabait ito at nagmumukhang maamong baby. "Where were you?" "A-Ano... n-nasa C.R masakit kasi 'yung... tiyan ko," anito at hinimas ang tiyan. Nanatiling nakatingin rito si K. Kabisado niya na ang mga kapatid niya. Alam na alam niya kapag hindi ito nagsasabi ng totoo. "Pero okay na yata ako, Ate. Magaling na agad tiyan ko, parang magic. Nakita lang kita gumaling na ako. Hehe." "Follow me, I will give you meds." Namilog ang mga mata nito. "H-Huh?" K remained looking at him. "H-Hindi... hindi na masakit tiyan ko, Ate. Okay na okay ako oh." anito at tinapik-tapik pa ang tiyan. "I told you to follow, right?" Nakita kong ang paglunok ni Zice. Kung ganoon rin ang lamig ng tinig nito while talking to me ay baka mapalunok rin ako. "You can leave now," ani K bago ako lampasan at magsimulang humakbang palayo. "Argh! Shit!" nakangiwing bigkas ni Zice. "Shit..." ulit nito habang mabigat ang hakbang na sumunod sa ate niya. Kusang nabuo ang ngiti sa mga labi ko rito kahit pa isang oras niya akong pinaghanap sa kanya. There was no exception to K's rules kahit pa ang mga kapatid niya. She was really intimidating kaya naman sa kanya lang natatakot ang pasaway na si Zice. You would be punished if you deserved to be punished. Ever since na nag-aaral pa kami sa medical school which is Sanville hanggang sa maging doctor kami, hanggang sa maging president siya ng Sanville at professor naman ako roon ay ganoon na talaga ito. Nothing changed in her kaya naman nasanay na rin ako sa kanya. Palabas na ako ng pinto when I realized na nasa balikat ko pa rin ang tuwalya na binigay sa akin ni King. Napansin kong naka-burda ang pangalan niya sa isang gilid kaya naman naisip kong personal na gamit niya iyon. Sandali lang akong napatitig doon. "Okay lang po kayo, ma'am?" Napatingin rin ako sa kasambahay. Bahagya akong ngumiti rito at inabot ang tuwalya. "I think this is King's towel. Paki-sabi naman ho salamat." "Kay sir King ho?" Hindi mapaniwalang tanong nito. Sinilip niya rin ang nakaburda sa tuwalya. "Ay, kay sir nga. Buti ho pinahiram niya Ho kayo ng tuwalya? Hindi niya po kasi gustong nagpapahiram ng gamit at hindi niya gustong hinahawakan ang kahit ano sa personal na gamit niya." I... didn't know what to say. Maybe I should really be thankful na pinahiram niya sa akin ang personal na gamit niya. "R-Really?" "Opo, ma'am, sige ho, sasabihin ko po sa kanya. Sa susunod po, iwasan niyo pong tumayo sa garden ng saktong alas-cinco. Dilig po kasi ng damo at halaman iyon." I nodded. Pumasok na ako sa loob ng sasakyan ko at nagmaneho palabas ng gate nila. Even their gates have numbers in different areas. Marami kasi iyon. Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ko habang nagmamaneho. I just hoped na hindi tuluyang pasakitin ni K ang tiyan ni Zice. I smiled a little also nang... maala ko si King. I was just glad that... he became nice to me. ________________________________________________________ A/N: This story is for the month of July.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD