Chapter 1

2648 Words
"What!?" Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Kadence. "You had sex with him? Are you stupid, Halene?" dagdag nito. I pouted. "You know how much I like your cousin..." "King Kalzifer will just hurt you. He's not a boyfriend material. Stop being delusional." "Nabigay ko na..." She groaned and rolled her eyes. "Next time make sure to have a tight grip of your undies, Halene." Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nakaraang gabing mayroong nangyari sa amin ni King. Alam kong wala itong nararamdaman para sa akin, but I still... gave everything. "Have to go, I'll be late for my next class," anito habang inaayos ang notes niya. Pinandilatan niya rin ako ng mga mata bago siya tuluyang tumayo. "We're not done yet, we will talk about that later, okay?" Inayos ko na rin ang mga gamit ko dahil kahit medyo maaga pa para sa susunod na klase gusto kong sumabay na rito dahil ayokong maiwang mag-isa sa library exclusive for them... Sandovals. Masyado iyong malaki, kahit modern ang design medyo creepy pa rin dahil parang bampira ang may-ari dahil sa ambience. Pakiramdam ko bigla na lang may kakagat sa leeg ko. Halos mapatalon kami ni Kade nang pagbukas ng pinto ay nakita agad namin si Raix. She looked exquisite as always kaya lang ay napa-sobra yata sa itim ang outfit nito from head to toe. Even her lipstick was black. "My god, Raix," ani Kade. "Oh, it's okay, I know my beauty is really surprising," nakataas ang isang kilay na anito. "What's up bitches?" "You know what your friend did? She had sex with King!" Tumaas lang ang kilay nito seemed not even surprised sa sinabi ni Kade. "Well, I'm not surprised. You know how stupid that woman is." Kade was already blunt pero mas blunt pa ito sa pinsan niya. Parehas silang walang preno ang mga bibig. "My god, I can't believe your reaction. I'm heading to my class. Don't tell me kararating mo lang?" tanong ni Kade. "For Pete's sake, Raix, halos patapos na ang mga klase mo." Kadence was just 5 months younger than us. Hindi rin mapagkakaila ang dugo ng Sandoval rito. She was stunning like Tita Kianna. Ganoong ganoon rin si Raix. Kuhang kuha nito ang charm ni Tita Russ. "Failed grades won't change my life. I'm still rich." Humakbang ito papasok sa loob ng library. Napangiti ako. Ibang klase talaga itong matulog. Kagabi pa ang night out naming tatlo pero alas-cuatro na ito ng hapon naka-pasok. Mabuti na lang parehas pa naming naubutan ang alas-dies na klase namin ni Kade kanina. Nakipag-kuwentuhan muna ako sa classroom habang dumiretso naman si Kade sa klase niya. "Syjuco, Jannel Halene, Herrmann" Agad akong napatigil sa pakikipag-chikahan at automatic na umikot ang eyeballs ko. Pamilyar na pamilyar ang boses ipis na iyon. Bumaling ako rito na may sarkastikong ngiti at tinaas ang kamay ko. "Present!" Napatawa ang ilan sa mga classmates ko. Kahit kailan ay ganoon talaga ako nito tawagin sa tuwing dadaan sa classroom ko. Para itong professor na nagro-roll call for attendance. Inangat nito ang kamay gesturing me to walk toward him. Usap-usapan na naman ito ng mga babae sa loob ng classroom dahil sadyang sinwerte ito sa lahi. Honestly, wala talagang tapon sa kanilang magkakapatid, lahat sila ay guwapo at magaganda. "Oh," inabot nito sa akin ang lunchbox. Agad naman nawala ang pagkaaburido ko rito. "Nagustuhan niya ba?" excited na tanong ko. "Busog daw siya." Agad akong napabusangot at kinuha rito ang lunchbox. Agad rin akong napatingin rito. "Bakit wala na 'tong laman? Akala ko ba busog siya?" "P'wes ako hindi." Napaawang na lang ang mga labi ko rito. Bago ko pa ito mabatukan ay nakalayo na ito habang prenteng naka-pamulsa. "Bwisit ka talaga, Zice Kurseiv!" Nagngingitngit na bulong ko rito. Siya lang yata ang anak ng bilyonaryo na walang pambili ng pagkain for lunch. Si King pa rin ang tumatakbo sa isip ko habang nasa klase. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang nararamdmaan ko rito. Hinintay kong matapos ang klase ni King. Kanina pa nabuburyo si Raix sa tabi ko. Hindi ko alam kung may klase pa siyang pinasukan o natulog lang talaga siya sa library. Nang makita ko si King ay agad ko rin siyang sinundan. "King," I called his name. Nagpatuloy ito sa paghakbang habang naka-pamulsa. "King Kalzifer." Binilisan ko ang hakbang ko at humarang sa daan nito. "King..." He looked so irritated. Bahagyang nagkasalubong ang makakapal nitong mga kilay. "Are you gonna do something—" "Get out of my way," malamig na sabi nito. "Sabay na tayong—" "Didn't you hear me?" Humugot ako ng malalim na hininga. "Bakit ba ang sungit mo?" "Why do you keep on following me?" Hindi ako nakasagot. Kahit kailan ay hindi pa ako nagkakaroon ng lakas ng loob na aminin rito ang nararamdaman ko. "We just had sex for the sake of pleasure, I don't like you." Tila pinukpok ang dibdib ko sa sinabi nito. Hindi ko alam kung bakit nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ko habang nanatiling walang emosyon ang mga mata nito. "Forget that night. I didn't even enjoy it." Nilagpasan ako nito. "Virgins are always giving me a hard time." Narinig ko pang bulong nito. Tuluyan nang nalaglag ang luha sa mga mata ko. Unti-unting nabuo sa kamao ang mga kamay ko. How could he be so heartless? Kusang bumaling ang katawan ko sa direksyon nito. Patuloy pa rin siya sa paghakbang palayo. "I hate you, King Lucifer!" I shouted. Hindi ito nag-abalang lumingon o huminto man lang. He really doesn't care about anyone's feelings pero hindi ko alam kung bakit... bakit siya pa rin ang gusto ko. "Akala mo ba nag-enjoy ako? Yuck! It was a big mistake! Starting this day I will forget you and that night!" Hindi ko alam kung paano ko nagawang isigaw iyon. Nagpatuloy ito sa paghakbang na tila hindi man lang iyon narinig. "Tamaan ka sana ng kidlat!" Sigaw ko pa hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin ko. Hinayaan kong umagos ang luha ko. I was so emotional hindi ko namalayang nasa tabi lang si Raix. "Hmm, anong iniiyak-iyak mo d'yan ngayon?" Nakahalukipkip na anito. "I already warned you, but you never listen, loser." Sabay kaming napatingin sa kalangitan nang biglang kumulog at kumidlat. Namilog ang mga mata ko. "Oh my gosh!" I suddenly panicked. "I will follow him." Umangat ang kamay ni Raix sa ere in disbelief. "Tinutupad na ng kalangitan ang hiling mo. Akala ko ba kakalimutan mo na?" Maayos kong sinukbit ang bag ko sa balikat ko. "God, Raix. You know I'm just kidding." She immediately rolled her eyes. "Hali ka na. Baka may mangyaring masama sa lalaking 'yon, takot pa naman 'yon sa kulog at kidlat." Nagsimula akong humakbang pero hindi ito sumunod sa akin. "Ewan ko sa'yo, tanga!" anito. "Ugh!" I just groaned at nagpatuloy sa paghakbang. Mabuti na lang at nasa-corridor na ako nang bumuhos ang malakas na ulan. Sinubukan kong hanapin si King sa mga lugar na madalas nitong puntahan. Isa na lang ang hindi ko pa napupuntahan, ang music room exclusive for them. My security sa building na iyon kaya naman hindi basta-basta pwedeng pumasok ang kung sino-sino. Ganoon pa man, kilala na ako ng guards and our friends dahil madalas kong samahan si Kade at si Raix doon. Binuksan ko lang nang kaunti ang pinto. Nakita ko roon si King. Nakaupo siya sa harap ng piano habang tumutugtog. Nakaramdam na naman ako ng kung anong kislot sa dibdib ko. Kusang nabuo ang ngiti sa mga labi ko because he never failed to amaze me with his talent. Hindi niya pinapakita iyon kung kanino. He would only play piano kapag mag-isa siya sa music room. Malakas pa rin ang ulan, kidlat at kulog kaya naman sigurado akong mamaya pa siya lalabas doon. Naging iyon na ang tambayan niya sa tuwing uulan dahil sound proof ang silid. Naisipan kong umuwi na rin dahil gusto ko lang naman talagang siguraduhing okay siya. Napatigil din ako sa paghakbang sa corridor nang makita ko si Ate. Hindi ko maiwasang kabahan. Parati kasi itong seryoso at intimidating ito kahit na madalas ay wala naman akong nakikitang emosyon sa mga mata niya. "What are you doing here?" malamig na tanong nito. Nasanay na rin ako sa ganoong tono nila. King was also like that and Klaire. Mukhang nasa dugo nila ang pagiging malamig. "Ah... h-hinanap ko lang po si King Ate— este Madame President." Yeah, she was the school president. We were not allowed to call her ate kahit pa ang mga kapatid niya inside the campus. We should always call her Madame President. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba because everyone knew kung gaano siya ka-strict. Kahit ang pinaka-makulit na si Zice Kurseiv ay takot at tiklop sa kanya. "P-Pauwi na rin po ako. I just made sure na... okay lang po si King kasi po... kumukulog at kumikidlat po." "He's old enough, he can handle himself." Napalunok ako. Wala sa loob na tumango ako. "U-Uuwi na po ako..." Yumuko and excuse myself nang dumaan ako sa kanya. Agad akong bumuga ng hangin sa ere nang tuluyan akong makalayo. Sa sobrang laki ng campus, madalang ko siyang makasalubong at makita unless may activity sa school. Kahit si Zice ay nagtatago kapag alam niyang makakasalubong niya ang ate niya. I drove home. Hindi ko pa rin maiwasang malungkot habang naalala ang mga sinabi ng lalaking 'yon kanina. Nakakainis talaga siya. "Hmm, let me guess it. Hindi na naman niya tinanggap ang niluto mo." Napatigil ako sa pag-akyat ng hagdan nang marinig ko ang tinig ni mom. Lalo akong napabusangot at bagsak ang mga balikat na tumabi sa kanya sa couch. I hugged her. "Ilang taon mo na bang sinusuyo 'yang si King? You're so beautiful anak, marami namang iba d'yan. Kung gusto mo talaga ng Sandoval bakit hindi na lang si Zice?" Agad akong humiwalay sa kanya. "Eeeew, mom! He's my bff, and he's not my type! He's so childish. I don't like him like gosh, you shouldn't even said that. Pakiramdam ko tuloy masusuka ako at babangungutin ako tonight." She laughed. "G'wapo rin naman si Zice, anak. O sige, kung ayaw mo kay Zice, si Kiandre na lang." "Mommy, he's weird for Pete's sake! Kung hindi niya lang tinawag na 'mom' si tita Zen baka hanggang ngayon iniisip ko pa rin na he's mute." "Ano ka ba, he's smart." "And he's too young for me, mom. Besides, I don't like to talk about the Milky Way, moons, stars and such every day of my life." Muli itong tumawa. "Then go for someone else. Obviously King doesn't like you, anak." Napanguso ako. She didn't have to be too blunt na hindi ako gusto nito. Enough na ang narinig ko kay King kanina. "Mom, I don't like anyone else. Sa kanya lang tumitibok ang puso ko at ang... you know, lahat ng pwedeng tumibok." She chuckled. "Fine... fine." Naalala ko na naman ang naging reakyson niya na malaman ang nangyari sa amin ni King noong isang araw. "What?" Napalunok ako sa reaksyon ni mom. Matagal nakabuka ang bibig nito bago ito muling makapagsalita. "Are you stupid, Janelle Halene?" I bit my lower lip. "M-Mom..." Bumuntong hininga ito. "Are you even protected?" I slowly nodded. "Gosh," Hindi pa rin makapaniwalang bigkas nito. "Do you really love King Kalzifer?" "Mom... alam mo naman since day 1, right? Simula nang makita ko siya tumibok na lahat ng pwedeng tumibok." She rolled her eyes. "Don't tell this to your dad, baka magwala 'yon. Alam mo naman kung gaano ka iniingatan ng daddy mo." I frowned. "Are you mad at me?" Muli itong bumuntong hininga at hinaplos ang buhok ko. "Hindi ba ang sabi ko sa'yo, ibigay mo lang ang sarili mo sa taong alam mong sigurado kana na mahahalin mo habang buhay para wala kang pagsisihan? Alam mo naman kung anong nangyari kay Mommy before, right?" I nodded. "I'm just lucky na dumating ang daddy mo sa buhay ko. He accepted my past, he accepted me for who I am, but babe, not all men are like your daddy kaya i-value mo pa rin ang sarili mo. Yeah, sex is fun, but don't make it a game like what mommy did, okay?" I smiled a little at her. "I promise, mom." "Alright, can you still walk properly? Do you want me to send you to school so you can take your exams?" I chuckled. "Can't hardly walk, mom, but maybe I can handle it." "Sure you are safe?" "I'm sure, mom." "Don't get pregnant. Sasabunutan kita." I smiled at her. "Mommy, thank you for always being there for me." "Hmm..." She smiled. "Sabihin mo na lang kung anong kailagan mo." Lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ko. "Kasi..." "Hmm, sabi ko na nga eh." "We'll go to club tonight, mom." "Um-attend ka ng party noong isang araw, before that nasa club ka na, and yesterday nagpunta ka ulit ng club. You know you daddy's rule, right? If you go to club today, you will not go anywhere tomorrow except school." I frowned. "Kasama ko naman si Kade at si Raix, mom. Sige na please... you told me din naman you, tita Chan and tita Zen madalas din kayo sa clubs noon almost every night." She rolled her eyes. "C'mon, you don't have to say that." "Please, mom... I promise I will be a good girl." Humugot ito ng malalim na hininga. "Fine, but go home before 12, okay? Make sure hindi ka mahahagip ng CCTV kung hindi parehas tayong lagot sa daddy mo." Agad akong napangiti nang malapad at yumakap sa kanya. "Thank you, mommy! I love you!" She even helped me choose my outfit. I was really thankful that she was my mom. She was so cool, and so loving. Para lang kaming magkaibigan. Pinahinto ko na lang si Kade malapit sa bahay so dad won't notice her car. "Where is Mercedes #1?" tanong ko kay Kade nang makaupo ako sa passenger seat ng Range Rover niya. "Nasa casa." Nagsimula na rin itong magmaneho. Nakabisado ko na ang mga sasakyan nilang dalawa ni Raix, minsan nagugulat na lang ako na iba na naman ang sakay nilang dalawa. I smirked nang makita ko ang sasakyan ni Raix sa harap ng club. Tha woman was really unbelievable. Parating late sa mga klase niya pero kahit kailan ay hindi na-late sa pagpunta sa club. Sinakop agad ng malakas na music sa loob ng club ang pandinig ko nang makapasok kami ni Kade. Parehas naming hinanap si Raix na noon ay nakaupo sa counter stool habang may lalaking mukhang mapapa-trouble sa kanya ngayong gabi. "I will throw you this drink if you don't stop talking." Narinig kong anito habang papalapit kami sa kanya. Mukhang kinabahan naman ang lalaki at humakbang agad palayo sa kanya. He must be thankful that Raix warned him. Madalas ay bigla na lang lumilipad ang mga bagay na hawak nito. Inabot ko ang cocktail na binigay sa akin ng bartender. Pare-parehas kaming tumingin sa paligid. We were looking for someone... someone... hot. Someone who can make me... drool. Nakakarami na ako ng naiinomn na whisky at tequila pero wala pa rin akong nakikitang kasing-gwapo at kasing-hot ni King. "C'mon, I saw someone." Muli akong uminom ng alak bago ko hayaang hilahin ako ni Raix. I don't have any idea kung saan niya ako dadalhin until she pushed me into... someone. Halos sumubsob ako rito. Mabuti na lang at nahawakan ko agad ang dibdib nito. I would apologize sana kaya lang natigilan ako nang makita ko ang mukha nito. In fairness, gwapo. Ngumisi ito sa akin. "Hi beautiful." Kusa namang gumapang ang kamay ko mul sa malapad nitong dibdib pababa sa tiyan niya. "Oooh..." I whispered and bit my lower lip. "hard." *** A/N: This story is for the month of July.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD