Chapter 4

2284 Words
MAYBELLE “Guys, si Clarence, an old friend” pakilala samin ni Jordan sa babaeng nakatingin pa rin sakin hanggang ngayon. Grabe lang, nakakailang yung tingin nya ha. Kung hindi lang talaga nakakahiya kay Jordan, kanina pa ko umalis dito. “Weh, old friend lang?” tukso ni JT. Ngumiti lang dito si Jordan. “Syempre kilala mo si JT, so pakilala na lang kita dito kay Klarisse, gf ni JT” ngumiti naman dito si Rence at nakipagbeso. Ay FC o! “And si Maybelle, pinsan ni Klarisse” pakilala naman ni Jordan sakin. Akala ko bebeso din sakin ni Rence kaya nagulat ako nang ngumiti lang sya sakin. “Nice to meet you girls” sabi pa nya. Tumango lang ako sa kanya. “Punta na tayo sa dining room guys, kain na tayo” yaya samin ni Jordan. Naunang naglakad yung magkapatid kasabay si Rence. Hindi na ko nagulat nang bumulong sakin si Klang. “Disappointed?” bulong nito. “Saan?” maang-maangan ko sa kanya. “Asus, kunwari ka pa dyan!” “Hindi kita maintindihan Klang” bulong ko ulit sa kanya. “Parrot wag mong itulad sayo, hindi ako slow. Ano yung titigan nyo kanina ni Clarence ha?” “Hindi ko sya tinitigan” “Di daw, kitang-kita ng dalawang mata ko no!” “Malamang dalawa yang mata mo, kung tatlo yan, eh di cyclops ka na!” inis na sabi ko sa kanya. Ang daming tanong. “Gaga, ang Cyclops, uri ng monster na iisa lang yung mata, hindi tatlo!” sabay batok nya sakin. Na naman, wala na bang bago? Ako kaya yung bida dito! Diba dapat ako yung nambabatok? “Eh, pareho na rin yun, monster pa rin!” “Wag mong baguhin yung topic” Natigil lang kami sap ag-uusap nang makitang nakatingin samin yung tatlo. “Baka gusto nyo kaming isali sa usapan nyo babe” nakangiting sabi samin ni JT. “Nah, saming dalawa na lang to, tungkol kasi sa lovelife ni parrot eh” Pinanlakihan ko naman ng mata si Klarisse. Pero ngumiti lang sya sakin na parang sinasabing ‘hindi ako natatakot sayo’. Oh eh di sya na yung hindi takot, tsk! “Wow, so may lovelife ka na?” masayang tanong ni JT. Tumingin muna ako sa kanila bago sumagot. Nakangiti lang din si Jordan tulad ni JT, ang magaling ko namang pinsan nakangiti ng nakakaloko habang sumusulyap-sulyap kay Clarence, at yung babaeng yun naman, seryosong nakatingin lang sakin na parang naghihintay ng sagot. “Wala no! Asa naman ako diba? Eh si Coco Martin nga yung gusto ko” nakangiting sagot ko kay JT. Hindi na ulit ako tumingin sa pwesto ni Clarence dahil ayokong magduda si Klarisse, baka kasi bigla nyang makwento kay JT, tapos masabi pa ni JT kay Jordan, eh di lagot na, paktay ako, ugh! “Good!” narinig kong sabi ni Rence. Sabay-sabay naman kaming napatingin sa kanya. “I mean, it’s a good thing that she was able to answer JT’s question. So can we start eating now” nakangiting sabi nya samin. Ah yun naman pala yung ibig nyang sabihin don, akala ko may iba pa syang ibig sabihin non eh. “Patay tayo dyan parrot, inglisera!” bulong ni Klarisse sakin. “So?” pamalditang tanong ko kahit alam kong hindi naman sya masisindak. “Di mo type?” “Klang naman, kay Jordan na yan, saka wiz ko betchikola si atengkor, otoko parin ang bet ko, si Coco.” “Sure ka? Para kasing iba yung tingin nya sayo eh. Parang magkakilala na nga kayo kung umasta sya eh” “Sus, kita mo naman kung paano tumingin kay Jordan diba? At kita mo naman ang sweetness nila habang lumalafang diba? And hello, malamang kilala nya ko kase sya yung naging critic ko sa audition ko kanina” bulong ko din sa kanya. Tumango-tango naman si Klarisse. “Oh kaya pala, kala ko naman bet nyo yung isa’t-isa” “Nope! Te naman, baka naman kung makakatuluyan ko yan eh maging close kami ni Rosa Rosal kase lagi akong nasa red cross para manghingi ng dugo.” Natatawang sabi ko sa kanya. O diba totoo naman? Mauubusan yata ako ng dugo pag araw-araw kaming mag-uusap eh. Eh eto na nga lang na nakikinig kami sa usapan nilang tatlo nila Jordan at JT eh halos magsipaan at magsikuhan na kami ni Klang dahil pareho kaming nanonosebleed sa kanila eh. “Parrot sabihin mo nga nasa Pilipinas tayo kaya dapat magtagalog sila!” bulong ulit sakin ni Klarisse. “Ayoko nga, ikaw na lang” “Isa” banta nya sakin. “Ayoko nga!” “Dalawa!” Napansin kong medyo humigpit yung hawak nya sa tinidor kaya natakot at agad na nagsalita. “Guys, ang sabi ni Lapu-lapu, ang hindi daw magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong sibuyas! Kaya kung pwede lang magtagalog kayo para makarelate kami ni Klarisse” dere-derechong sabi ko sa kanila. Bigla naman silang tumigil sa pag-uusap at sabay-sabay tumingin sakin. Hiyang-hiya naman ako kaya tumingin ako sa pinsan ko para humingi ng tulong. Pero ang bruhilda, biglang tumawa ng malakas kaya nagtawanan din yung tatlong kasama namin. Kung titingnan mo ko, mas mapula pa yata kamatis yung kulay ko ngayon. Agad kong sinamaan ng tingin si Klarisse dahil alam kong pinlano nya lahat to. Dahil kung hindi, malamang hindi sya tumatawa dito sa tabi ko na parang walang bukas. Talaga bang ganito na lang lagi yung kapalaran ko? Ang masaktan, ang ipahiya at ibully ng ibang tao? Nasaan ang hustisya? “Ang cute mo talaga Maybelle” bigla naman akong napatingin kay Clarence na nakangiti sakin. “At saka hindi si Lapu-lapu yung nagsabi non, si Dr. Jose Rizal.” Natatawa pang sabi ni Klarisse. “Wow naman, ang galing naman babe ko, parang sya, hindi sinabing si Andres Bonifacio yung nagsabi non” tukso naman dito ni Justine. Tatawa na sana ako pero sinamaan ako ng tingin ni Klarisse kaya itinikom ko na lang ulit yung bibig ko. Mas mabuti pang kabagan kesa makonyatan. Biglang nagring yung phone ko kaya natigil sila sa tawanan. At dahil hindi sa pagmamadali, bigla kong napindot yung ‘loud speaker button’. “Elow Meng, ang hame ni Tahing, mumunna ngame ha inyo ngayon ngase ngusso nila mag-ushaman hi Nen” narinig naming sabi ni Pining. “Pakitranslate parrot” narinig kong sabi ni Klarisse. Inirapan ko lang sya. “O sige sige, after nitong dinner kila JT uuwi na ko, kitakits na lang tayo don.” “Ngusso naw uminom ng alah ni Tahing” “O eh di bumili kayo. Tas dalhin nyo na lang sa bahay” “Maka naw ngusso mo ihama hi nglang.” “Nako, hindi sasama yon pero sige tatanungin ko sya. Sige na sige, mamaya na lang kay?” “Ongey, mamay!” “Byers” Nakatingin lang silang apat sakin nang matapos kaming mag-usap ni Pining. “Yes?” takang tanong ko sa kanila. “Pwede mo bang itranslate yung sinabi ng kaibigan mo kanina?” “At bakit naman?” “Wala lang, ang galing mo kasi eh” natatawang sabi nito. Naningkit naman yung mata ko sa kanya. “Pinagtatawanan mo ba yung kaibigan ko?” inis na tanong ko sa kanya. “Di ah!” “Dapat lang, dahil kahit ganun yun si Pining, mahal na mahal ko pa rin yon no!” sabay irap ko sa kanya. “Gusto lang naman naming malaman kung anong pinag-uusapan nyo kanina eh” “Ok fine, nagyayayang uminom si Tasing sa bahay at gustong pag-usapan si—“ napatingin ako kay Clarence at nakatingin din sya sakin na parang may idea na sya yung gustong pag-usapan ng mga kaibigan ko. “Nevermind. Pero tinatanong nila kung ok lang daw na imbitahin ka nila Klang” “Bakit daw?” “Aba ewan” “Hmm, di ako pwede eh, may pupuntahan kami ni Justine bukas ng umaga, eh alam mo naman pag nalalasing ako diba? Halos ilang araw akong nakahiga lang sa kama bago mawala yung sakit ng ulo” Tumango-tango lang ako. Yeah, ganun nga si Klarisse. Kaya nga pakonti-konti na lang yang uminom ngayon eh. “Ako sama ko dyan!” presinta ni JT. In 3-2-1. “Hindi pwede” sabi ko na eh. Kokontra at kokontra tong si Klang. Hindi yan magpapalamang. Kung hindi sya pwedeng uminom, dapat, di din iinom si JT. “P-pero—“ “Pag sinabing kong hindi pwede, hindi pwede” matigas na sabi ng tigre, este ni Klarisse pala. At parang maamong tupa namang tumigil sa pagsasalita si JT. Ayan kase, matagal ko na syang binalaan, hindi sya nakinig sakin, ayan tuloy, under sya ngayon, ha ha ha. “Ako pwede ba?” tanong ni Jordan. “Gustuhin ko man Fafa Jordan pero bawal ang guys ngayong gabi.” Nakangiting sabi ko sa kanya. “O sya, ako’y hahayo na at mamaya lang ng onte eh nasa bahay na yung tatlong yon. Baka magkakatok at magwala pa yung mga yon pag nalamang wala pa ko don. J and J, maraming salamat sa dinner. And Nice meeting you pala Clarence” nakangiting sabi ko sa kanila. “Klang, maiwan na kita dyan at alam kong maglalabing-labing pa kayo ni JT” yun lang at nagpaalam na ko sa kanila. Hay, nakahinga din ng maluwag. Wala na rin sa paningin ko yung babaeng inglisera. “Sana lang talaga hindi na ulit kita makita!” bulong ko habang mag-isang naglalakad. “Sino?” narinig kong may nagtanong. “Si Clarence” sagot ko naman. “Oh, and why is that?” bigla namang nanlaki yung mata ko nang makilala yung boses. Dahan-dahan akong lumingon sa tabi ko. At ayun nga, nakangiting mukha ng Dyosa yung nakita ko. Ngumiti lang ako sa kanya. Yung may halong nerbyos. Yung parang ngiting aso lang. Basta, alam nyo na yon. At kahit malamig ay pinagpapawisan pa rin ako. “Maybelle?” tanong pa nito. “F-florence, oo tama Florence, hindi Clarence.” Palusot ko. At sino naman si Florence? Kung meron po dyan na ganun yung pangalan, pasensya na po, kailangan ko lang pong lumusot. “Talaga? Bat parang iba yata yung rinig ko kanina” “Y-yun talaga promise” “Oh ok.” Sabi nito sabay kibit ng balikat. Phew! Muntik na ko don ah. Eh teka, bakit ba kasi nandito tong babaeng to? “Bat ka nga pala nandito?” “I’m joining you” nakangiting sabi nya. “Joining what? Wala namang laro diba? San ka jojoin?" Etong babaeng to, magaling lang umingles pero shushunga-shunga, jojoin daw o, ano to, laro? Tsk! “Diba you’ll be drinking alcohol with your friends?” tanong pa nito. Alcohol daw o, ano pala nya samin maglalason? Nakakaloka tong babaeng to. “No, we will drinks beers not alcohol. We we we don’t want to died” “Huh?” “O kitamo di mo pa ko naintindihan. Shunga lang te?” “What’s shunga?” “Nevermind. Pero shupi ka na at mamaya lang nandito na yung mga kaibigan ko.” Sabi ko sa kanya sabay upo sa may tambayan namin na bahay-kubo. “But I wanna join your drinking session” “Join ka ng join eh, hindi naman to lotto!” “Fine! Gusto ko ring uminom” “Pwede naman kasing tagalog. Gusto mo pa yung hindi tayo nagkakaintindihan eh” naiiling na sabi ko. “So, can I, can I?” “Hindi pa rin. Lakad na, bumalik ka na don kay Jordan.” “NO!” “Ang tigas lang ng ulo?” “But I wanna be with you” Be with you be with you. Ewan ko sa kanya. Inirapan ko lang sya. “Pleaseeeeeeeeeeeee” pagmamakaawa pa nya. “Fine! Pero ngayon lang ha, at wag kang maglalasing ng bongga dahil ayokong mag-alaga ng lasing!” “Yes Ma’am” sabi nya sabay yakap sakin. Agad ko namang tinanggal yung kamay nya. “Ayan ka na naman sa mga payakap-yakap mo eh. Kanina naman nung pinakilala ka ni Jordan samin , si Klang bineso-beso mo tapos ako nagsmile ka lang!” inis na sabi ko sa kanya. Sukat don ay ngumiti sya ng pagkalapad-lapad. “Jealous?” “Kapal mo, hindi no! At hinding-hindi ka naman papatulan ni Klarisse dahil inlove na inlove yun kay JT!” “Actually, this is what I wanted to do sana kanina pero I don’t think na gugustuhin mong makita nila to” sabi pa nya sabay pilyang ngumiti. “Ang alin?” “This” At nanlaki yung mata ko dahil naramdaman ko na lang na hinahalikan nya ko, at hindi sa cheeks ha, sa lips mismo, oh my gosh oh my gosh oh my gosh! “So naintindihan mo na kung bakit nagsmile lang ako sayo kanina?” tanong nya sakin, matapos ang pangrerape nya sa lips ko. Wala sa loob na tumango lang ako sa kanya. Ngumiti naman sya sakin at hinalikan ulit ako sa pangalawang pagkakataon. Humiwalay lang sya nang narinig naming tinatawag ni Tasing yung pangalan ko. At parang walang nangyaring ngumiti lang sya sa mga kaibigan kong napanganga ng makita sya. Habang ako, wala pa rin sa sarili hanggang ngayon. Una, kiss sa cheeks tapos hug at ngayon kiss sa lips. Parang natatakot akong isipin kung anong susunod nyang gagawin. Sana hanggang dito na lang, sana hindi ko na ulit sya makasama o kahit makita man lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD