MAYBELLE
“At yun nga yung nangyari” kwento ko sa pagong. Charaught! Sa mga kaibigan kong excited na naghihintay sakin.
Bigla naman akong binatukan ni Tasing.
“Pinagsasasabi mo? Eh wala ka namang kinwento.” Nakasimangot na sabi nito.
“Eh kase ayoko ngang magkwento” inis na sabi ko. Pati ba naman tong mga kaibigan ko binabatukan ako? Sino pa? Sino pang gustong bumatok?
“Kwento na kase Meng”
Umiling ako. Dahil kahit ako, hindi ko alam kung ano yung nangyari sa loob. Andaming sinabi at pinagawa ni Clarence pero parang nakalimutan ko lahat paglabas ko ng audition room. Ang naalala ko lang na sinabi nya we’ll contact you as soon as possible. Na hindi ko naman sure kung ano talaga yung ibig sabihin.
“Milis na ngase” excited na sabi ni Pining.
“O sige magkkwento ko” nakangiting sabi ko sa kanila.
“Talaga?”
“Sa isang kondisyon”
“Kahit ano pa yan!” mayabang na sabi ni Juling.
“Sige, magkkwento lang ako, kung, masasabi ni Pining nang hindi nagmumukhang bastos to ‘pag tumayo ang testigo, kay susan tayo’ “ sabi ko sa kanila sabay kindat kay Pining.
“Ang nali naman nyan Meng.” At nagyabang na rin si Pining. “Nganito lang yan o, ngapag numayo ang ti---“ hindi na nito naituloy yung sasabihin dahil tinakpan na ni Tasing yung bibig nito.
“Wag na, baka maging rated-SPG pa to dahil sayo”
“Mero ngaya ngo naman eh” pangangatwiran pa nito.
“Tigilan mo yan Pining. Hayaan na lang muna natin kung ayaw magkwento ni Meng, pasasaan ba’t bibigay din yan” sabi naman ni Juling.
“Wala namang ma-ama non ah, hinni naman masnos ah” ayaw pa ring paawat ni Pining.
“Akala mo lang wala, pero meron meron meron!” sabi ni Tasing. At nagulat kaming dalawa nang bigla syang sinampal ni Pining.
“O ayan kase, kala mo hindi napanood ni Pining yung movie ha, nasampal ka tuloy” tatawa-tawang sabi ni Juling.
“Norry, angala ngo ngase umaarne nga eh” natatawang sabi din ni Pining.
“Ang lakas non Pining ha! Akala ko mabibingi ako, gantihan kaya----“
Takang tumingin ako sa kanila nang biglang tumigil si Tasing sa pagsasalita at nakangangang tumingon sa likod ko. At ganun din yung mga reaksyon nila Juling at Pining.
Oh no, don’t tell me nasa likod ko na naman SYA? Kaya naman pala biglang bumango, akala ko naman pawis ko lang yon.
Mas lalong napanganga yung tatlo nang yakapin ako ni Clarence sa likod. Hanak ng tinapa naman o, ang hilig nang manghalik, ang hilig pang magyapos? Ang touchy ni Ateng.
“Oy, bitaw! Nakakaloka ka, bigla ka na lang nangyayapos dyan!” sabay layo ko sa kanya.
“I just want to congratulate you” nakangiting sabi nya.
“Hoy pwede mo kong icongratulate nang hindi mo ko niyayakap no!” inis na sabi ko sa kanya.
“But I want to”
“Tse! O yun lang ba? Pwede na kaming umalis?” sabi ko pa sa kanya.
Nagulat ako nang biglang lumapit samin yung tatlo at nag-uunahang magpakilala kay Clarence.
“Nyosemin” Parang gusto kong batukan si Pining dahil muntik na kong mapatawa sa pagpapakilala nya. Buti na lang napigilan ko dahil nakatingin pa rin sakin si Clarence. Gusto kong isipin nyang seryoso kong tao.
“Sorry Miss ha, ang ibig nyang sabihin don, Josephine” narinig kong sabi ni Tasing. “Btw, my name’s Anastasia, you can call me Ana or Tasia, or if you like, you can call me Mine” napailing naman ako sinabi ni Tasing. Grabe, mga kaibigan ko ba talaga to?
“Ang corny mo Tasing” sabat naman ni Juling. “I’m yours” pakilala nito. Napakamot naman ako sa ulo dahil sa sinabi nito. Oh c’mon, parang kailangan ko nang pakinggan si Klang na lumayo-layo sa mga to at pare-parehong may mga sayad eh. “Kidding, my name’s Julia” pakilala pa nito.
Ngumiti lang sa kanila si Clarence at pagkatapos ay tumingin ulit sakin.
“O ngayong nakapagpakilala na kayong lahat kay Clarence, pwede bang umuwi na tayo?” sabat ko sa kanila.
“Eh, mamaya na!” sabi ni Juling.
“Oo nga naman, andito pa si Miss Beautiful eh”
At tulad kanina, pinigilan ko ulit magsalita si Pining. Kastress eh.
“Pwes, dyan na kayo, uuna na ko!”
Pero bago ko tuluyang lumabas ng gate ay humarap muna ako kay Clarence.
“Balik ko na lang tong damit mo pag nagkita tayo” sabi ko sa kanya.
Ngumiti naman sya sakin.
“Nah, sayo na yan” sabi pa nya.
Nanlaki naman yung mata ng tatlo sa narinig.
“M-marunong kang magtalog?” tanong ni Juling.
Tumango naman si Clarence.
“Gosh, inlove na talaga ko” sabi naman ni Tasing.
Naiiling na naglakad na ko palayo sa kanila. Napatigil lang ako nang may tumawag sakin. Oh well, sino pa ba? Eh di si Clarence.
“I’ll call you ok?” nakangiting sabi nya.
Inirapan ko lang sya. As if naman sasagutin ko. Hahayaan kong mapudpod yung daliri nya sa kakadial ng number ko, Tse!
Nakangiti naman akong sinalubong ni Mang Tunying.
“Wow, mas gumanda po kayo ngayon Miss Maybelle ah” sabi nito.
“Ikaw talaga Mang Tunying, ang hilig magsabi ng totoo.” Nakangiting sabi ko sa kanya.
“Kamusta naman po yung pag-aaudition nyo?”
“Ok naman po. Ayoko na pong pag-usapan yon. Lika na po, uwi na tayo” sabi ko pa dito.
“Papano po yung mga kaibigan nyo?”
“Busy pa sila kakalandi don eh, mauna na po tayo”
“O sige po.” Sabi nito sabay start ng trike.
Hindi pa kami nakakalayo nang tawagin kami ng tatlong unggoy.
Tumingin naman sakin si Mang Tunying.
“Balikan nyo po tapos sagasaan nyo” at ginawa nga ni Mang Tunying ang sinabi ko kaya isa-isa silang humandusay sa kalsada. Chos lang! Hindi naman ako si Klarisse eh.
Pero sana yun na nga lang yung nangyari dahil walang tigil sila sa pagbanggit ng pangalan ni Clarence habang binabaybay namin ang kahabaan daan patungong bahay. Ang sarap busalan ng kahit ano yung walang tigil na bibig ng tatlong to eh. At si Pining, makapagkwento bongga, akala mo naman maiintindihan ko lahat ng pinagsasasabi nya.
Ipinagdasal ko na lang na sana ay makarating na kami sa bahay para hindi ko na marinig ang mga walang kakwenta-kwentang kwento ng mga to tungkol sa babaeng inglesera.
At dininig naman ni Lord yung dasal ko. At dali-dali akong bumaba sa tricycle. Agad naman akong sinalubong ni Klarisse na kanina pa pala naghihintay sakin.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya.
At ang bruha, talagang hinarangan yung pinto namin.
“Sinusundo ka”
“Pagod ako”
“Sa pag-aaudition?” nakangiting sabi nya.
Takang tumingin ako sa kanya.
“Papano mo---“ napatigil ako sa pagsasalita nang makita kong kumakaway sakin sa may bintana si Kuya Ace. Bwiset! Sabing wag sasabihin kay Klarisse eh.
“Bat ayaw mong sabihin sakin?”
“Eh baka kase pagtawanan mo ko eh”
“Mukha ka namang presentable ngayon so hindi naman kita pagtatawanan, di tulad nung mga kaibigan mong naka-gown na mahiya mo mga sasaling reyna elena sa flores de mayo” natatawang sabi nito.
Tsk, kung alam lang siguro nya na ganun din yung suot ko kanina, baka kanina pa humagalpak sa kakatawa to.
“So kamusta yung audition?”
“Ok lang naman”
“Natanggap ka?”
“Ewan, pag ba sinabing congratulations tanggap na?”
Nakita kong biglang napapikit si Klarisse at huminga muna ng malalim bago sumagot.
“Pasalamat ka wala ako sa mood mambuntal ngayon ng slow ng na parrot.”
“Eh ano nga kase Klang”
“Maybelle halika na lang! Sumama ka na lang sakin habang kaya ko pang pigilin yung sarili ko” nanggigigil na sabi nya.
Tingnan mo to, magtatanong-tanong tapos magagalit.
“San ba tayo pupunta?”
“Kila Justine”
“Para saan? Para inggitin nyo na naman ako?”
“Gaga hindi yon. Nagluto kasi sila ni Jordan kase dadating daw yung childhood sweetheart ni Fafa Jordan natin.”
“Oh I see”
“Ang bagal mo kasi eh, ayan tuloy, maaagawan ka na naman”
“Tse! Ikaw lang naman yung nagpupumilit na jowain ko yang si Carlo at si Jordan no. Di ko naman sila bet pareho. Ang gusto ko nga, silang dalawa na lang yung magkatuluyan eh”
“Tse! Ginawa mo pang bading yung dalawa” tatawa-tawang sabi nya.
“Pwede bang magbihis muna ako?”
“Di na, yang damit na yan na yung pinakamaganda sa lahat ng isinuot mo eh, kaya wag na, para presentable ka naman.”
“Yabang mo naman!”
“O bakit, totoo naman ah!”
“Oo na, di mo na kailangang i-hard pa yung mga damit ko.”
“Pero seryoso parrot, gusto mo talagang maging artista?”
“Alam mo namang matagal ko nang pangarap yon diba?”
“Eh bat di ka na lang humingi ng tulong kay Justine?”
“Klang naman, kahit papano naman may pride din ako. Ang gusto ko, kung magiging artista ko, eh dahil pinaghirapan ko at hindi dahil tinulungan ako ng girlfriend mo” seryosong sabi ko sa kanya.
“Whoa! In fairness parrot, kahanga-hanga ang sagot mo. Ang bongga mo don!” natatawang sabi nito.
Tingnan mo tong babaeng to, ang seryo-seryoso ko tapos bigla akong pagtatawanan. Wala na talagang sineryoso tong pinsan kong to.
“Hey lovely ladies, nandyan na pala kayo sa labas, bat hindi pa kayo pumasok?” tanong samin ng papalapit na si JT.
Agad naman nitong niyakap at hinalikan sa lips si Klang, sa harap ko pa talaga ha!
“Miss you babe” narinig kong sabi nito sa pinsan ko.
“Ang OA Justine, wala pa tayong 30 minutes na magkahiwalay o. Sinundo ko lang naman si parrot, maka-miss ka naman parang ilang dekada tayong hindi nagkita!” natawa naman ako sa sagot ni Klarisse. Kahit kelan talaga, walang sweetness sa katawan to. Kawawang JT.
Agad akong umupo sa sofa pagpasok sa bahay nila dahil pagod na pagod na talaga ko. Etong dalawang to, di man lang ako pinagpahinga muna. Eh mamaya pa naman pala ng onte dadating yung bisita nila. At saka bakit ba kailangang makilala ko pa yon? Di naman ako interesado, pero masaya naman ako para kay Fafa Jordan, at least, happy na rin sya ngayon.
“Balita ko Maybelle nag-audition ka sa PBB, sample naman dyan!” narinig kong sabi ni JT.
“Pagod ako” walang ganang sabi ko.
“O eh bakit, ano bang ginawa mo don? Tumakbo? Nagjumping jacks?” tanong naman ni Klang.
“Tse. Malamang kumanta, sumayaw, nagdeclaim, umarte at sinagot lahat ng tanong nung ingliserang critic.” Sagot ko.
“Wow, nasagot mo lahat yung English na tanong?” manghang-manghang tanong ni Klarisse. Grabe naman, parang ayaw pang maniwala o.
“Oo naman, ako pa?!” pagyayabang ko sa kanila.
“Ano bang mga tanong?”
“What’s your full name, where do you live, How old are you, why’d you wanna be a star, and what can you do, can you act, dance, sing, etc etc.”
Tumango-tango naman yung dalawa.
“Sige nga, anong sagot mo dun sa tanong nyang ‘what can you do?’”
“Ang sabi ko sa kanya, in english to ha!” mayabang na sabi ko. “I can live, I can love, I can reach the heavens above, I can right what is wrong, I can sing just any song, I can dance, I can fly, and touch the rainbow in the sky. I can be your good friend, I can love you, until the end. O ang haba non no!”
Bigla ko namang naramdaman na may bumatok sakin. Sino pa nga ba?
“Shunga ka pala eh, kanta yun eh!” naiiling na sabi ni Klarisse.
“Eh tinanggap naman nung critic yung sagot ko, tumango-tango pa nga eh.”
“Eh di shunga din yon!”
Inirapan ko lang sya. Grabe talaga tong babaeng to, makapanakit, wagas! Hanggang dito ba naman sa story ko? Ako kaya yung bida dito!
Hayaan mo Maybelle, lagi namang ganito, sa una, aapihin talaga yung bida, pero sa dulo, babangon ako’t dudurugin ko sila.
“Huhulaan ko pa ba yung dineclaim at inacting mo?” natatawang tanong ni Klang.
“Tse! Hindi ko sasabihin”
“Talaga? Feeling ko lang naman, yung dineclaim mo eh yung walang kakupas-kupas na ‘vengeance is not ours, it’s God’s’ at syempre yung pansit yung acting piece mo. Tama ba ko?”
Tsk! Bakit ba alam na alam nitong si Klarisse yung lahat! Opo, tama po sya, yun nga yung dineclaim at inarte ko.
“Wow, sample nga dyan!” sabi ni JT.
“Ayoko!”
“Dali na kase, please Maybelle, please” at nagpuppy eyes pa ang bruha.
“Ayoko nga! Nasan ba si Jordan? Sya na lang yung kakausapin ko!” inis na sabi ko sa kanilang dalawa.
“Wala eh, sinundo si Rence, pero padating na rin yon”
Tumango-tango lang ako. Rence na naman? Bakit ba ang daming Rence sa mundo? Tsk!
“So habang hinihintay natin sila, ientertain mo muna kami parrot!”
“Ayoko nga!”
“Magdedeclaim ka o kokonyatan kita?”
“Eh hindi nga ako ready eh”
“Isa”
“Klang naman!”
“Dalawa”
Inis na sinuot ko yung dala kong t-shirt na gula-gulanit.
“Di daw ready” bulong pa nya kay JT. Tatawa-tawa naman yung isa.
“Pwede bang itapat nyo sakin yung spotlight?” tanong ko sa kanila.
“Dami mong gusto parrot.”
“O eh di wag na lang” sabi ko sabay upo.
“Eto na, eto na” sabi ni Justine sabay kuha ng spotlight at tinutok sakin. Pinapatay ko rin yung ilaw. O diba, ang bongga ko?!
At sinimulan ko na yung pagdedeclaim ko. At iniaarte ko talaga yan ha! Naging best in declamation nga ako nung 2nd year highschool kami eh. Ganun ako kagaling!
“Alms, alms, alms. Spare me a piece of bread. Spare me your mercy. I am a child so young, so thin, and so ragged.Why are you staring at me? With my eyes I cannot see but I know that you are all staring at me. Why are you whispering to one another? Why? Do you know my mother? Do you know my father? Did you know me five years ago?
Yes, five years of bitterness have passed. I can still remember the vast happiness mother and I shared with each other. We were very happy indeed.
Suddenly, five loud knocks were heard on the door and a deep silence ensued. Did the cruel Nippon’s discover our peaceful home? Mother ran to Father’s side pleading. “Please, Luis, hide in the cellar, there in the cellar where they cannot find you,” I pulled my father’s arm but he did not move. It seemed as though his feet were glued to the floor.
The door went “bang” and before us five ugly beasts came barging in. “Are you Captain Luis Santos?” roared the ugliest of them all. “Yes,” said my father. “You are under arrest,” said one of the beasts. They pulled father roughly away from us. Father was not given a chance to bid us goodbye.
We followed them mile after mile. We were hungry and thirsty. We saw group of Japanese eating. Oh, how our mouths watered seeing the delicious fruits they were eating,
Then suddenly, we heard a voice call, “Consuelo. . . . Oscar. . . . Consuelo. . . . Oscar. . . . Consuelo. . . . Oscar. . . .” we ran towards the direction of the voice, but it was too late. We saw father hanging on a tree. . . . dead. Oh, it was terrible. He had been badly beaten before he died. . . . and I cried vengeance, vengeance, vengeance! Everything went black.”
Magsasalita pa sana ako nang may marinig akong palakpak.
“Bravo bravo!”
Sabay-sabay kaming tatlong napalingon sa kung sino man yung gumambala sa feel na feel ko nang declamation. May mga luha na nga ako o! Panira naman o!
At ganun na lang yung panlalaki ng mata ko nang makilala yung babaeng nakatingin or should I say nakatitig lang sakin habang nakangiti.
Bakit ko ba hindi naisip na yung Rence ni Jordan at yung Rence na babaeng magnanakaw eh iisa? Oo magnanakaw sya, ng halik at yakap! Tsk!
“Kanina pa kayo dyan?” narinig kong tanong ni JT.
“Yep, bago pa lang magsimula si Maybelle. Lalapit na sana kami kaso pinigilan ako nitong si Rence. Panoorin daw muna namin” nakangiting sagot naman ni Jordan.
At si Clarence? Ayun, gusto pa yatang i-beat naming dalawa yung staring contest non nila Klarisse at JT.
Napansin ko naman na napangiti yung magaling kong pinsan habang nagpapalit-palit yung tingin nya saming dalawa ni Clarence.
Pwede kayang maghimatay-himatayan na lang ako para makatakas sa kahihiyan na to? Gayahin ko na lang kaya yung ginawa ni Klarisse nung unang beses nyang nakita si Jordan?