AMBER’S POV “ANO na naman bang kalokohan ang naisip mo?” kunot-noong tanong ko kay Kitty nang pinigilan niya ako sa pagpasok sa restaurant ng hotel at hinila sa tabi. “Gusto ko magkaroon ng grand entrance para pak na pak dito sa porma ko.” “What?” “Ganito.” Hiniwakan niya ako sa magkabilangbalikat na animo’y isang bata na papangaralan. “Hindi pwede na sabay tayong papasok dahil siyempre lugi ako sa beauty mo. Sa iyo titingin ang lahat. So, pauunahin kita. Maghihintay muna ako ng five minutes for my grand entrance.” “Ano ba ang iyang pumapasok sa utak mo? Tayo na lang ang hinihintay.” Sumilip ako sa glass wall ng restaurant. Kompleto na ang lahat. May isang babae silang kasama. Sa palagay ko ito na ang asawa ni Colt. “Sige na, sundin mo na ako!” Tinulak na ako ni Kitty. “Bahala ka sa