CHAPTER TWENTY-NINE

2203 Words

AMBER’S POV ITO ang unang araw na pumasok ako sa kompanya buhat nang makabalik ako dito sa Maynila. Hindi pa nagsasanga ang landas namin ni Noah bagay na ipinagpapasalamat ko dahil hindi ko alam kung paano siya harapin. Sa totoo lang, hindi ko maiwasan na ma-guilty. Higit pa sa mga pasa ang sakit na idinulot ko kay Noah. Sa isang iglap lang ay para na ring tinalikuran ko ang lahat ng pinagsamahan namin. Heto ako ngayon, buo ang kaligayahan. Kontento. Wala nang mahihiling pa. Pero si Noah, ano kaya ang nararamdaman niya ngayon? Ni hindi ko man lang siya nagawang kumustahin. Nagpaiwan kami ni Wyatt sa hotel farm dahil gusto namin sulitin ang bawat oras na magkasama kami. Tiyak kasi na pareho kami na magiging busy kapag nakabalik ng Maynila. Sumama naman si Kitty sa mga Ventura sa pag-uwi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD