CHAPTER THIRTY WYATT’S POV “WHAT’S THIS?” tanong ni Noah na nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa papeles na nakapatong sa table ko. “Bakit hindi mo tingnan?” Kinuha niya ang papeles. Binasa. Nakita ko kung paano siya tila natuka ng ahas. Umigting ang panga. Pagkaraa’y nagsimula na ang pamumuo ng pawis sa noo niya. This is precisely what I anticipated to see from his reaction. He should be scared. Kapag nagkataon mahigit sa trenta ang magsasampa ng kaso laban sa kanya. Idagdag pa ang mga lalantad na businessmen na naloko niya. Naglalaman ng edendisya tungkol sa katiwalaan sa kompanya ang hawak niyang papeles. Nag-imbestiga ako. Hindi ko inaasahan na malalaman ko kaagad. Walang thrill. Hindi ako nakikipaglaro sa pag-invest sa ND company. Yes, Amber was of the reasons. I wanted her