AMBER'S POV "D*mn! Akala mo kung sino sila!" sigaw ni Noah. Naglabasan ang ugat sa leeg dahil sa pangangalaiti. Binasag pa ang isang paso. Lihim akong napailing. Tiwagan niya ako dahil kakain na raw kami. Pero nang papunta na ako sa restaurant ay bigla akong nakatanggap ng text message galing sa kanya. Dito ko na lang daw siya sa botanical garden pupuntahan. Nadatnan ko siyang umuusok sa galit. Lumapit raw siya sa mga kaibigan ni Wyatt ngunit hindi siya pinansin. Ginawa raw siyang tanga. Naiintindihan ko ang reaksyon niya. Masakit nga naman maapakan ang pride at mapahiya. Pero sana mapagtanto niya rin na hindi lahat ng businessman ay makukuha sa simpleng pakikipagkaibigan. May tamang lugar ang paglalatag ng proposal. "Akala mo kung sino sila! May araw din sila sa akin!" "Nandito si