CHAPTER TWENTY-FOUR

2078 Words

AMBER'S POV "WYATT, hinihintay ako ni Kitty sa labas," kulang sa diin na saad ko. Bagaman nagpoprotesta ay hindi ko naman siya magawang itulak. "Hayaan mo siyang maghintay." "Pero baka hanapin ako ni No—" Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko sapagkat tumigil si Wyatt sa pagbibigay ng magagaan na halik sa leeg ko at bumuntong-hininga. Minsan na kasi siyang nakiusap sa akin na huwag banggitin ang pangalan ni Noah sa tuwing magkasama kami. Normal na tono ang ginamit niya nang sabihin ito. Hindi nag-uutos pero may kung anong awtoridad na dala ang tono niya na mapapasunod ka. Unlike Noah, lahat ng lumalabas sa bibig niya ay parang utos. Iyong tipong hindi ka bibigyan ng options. Gusto niya na basta ka na lang susunod. Sa huli ay natatagpuan ko ang sarili na lumalabag sa mga gusto niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD