AMBER’S POV “ANO ba nakain ng boyfriend mo?” Hindi ako makasagot sa tanong na ito ni Kitty. Ipinagtataka ko rin kung bakit biglang nagdeklara ng bakasyon si Noah. At ang mas nakagugulat pa ay sinabi niya na pwede ko raw isama ang kaibigan ko para hindi ako mabagot bagay na pinagtaka ko. Paanong mababagot kung bakasyon ang pupuntahan namin? “Ewan ko rin. Opportunity na natin ito na makapag-unwind kaya hayaan na natin siya,” sagot ko na nakatingin kay Noah na mas nauna na sa amin. “Ang gentleman niya talaga ‘no?” sarkastikong gagad ni Kitty na kay Noah din nakatingin. Naiintindihan ko kung bakit kumukulo ang dugo niya kay Noah. Sa tuwing magkasama kasi kaming tatlo ay tinuturing siya na tila isang multo ni Noah na animo’y hindi nakikita. Hindi kinakausap o pinapansin. Parehong mabigat a