AMBER’S POV NATAWA nang makitang hirap na hirap si Wyatt habang tinatayo ang tent. Mag-iisang oras na niyang ginagawa ito. Nakaluto na ako’t lahat-lahat ay hindi pa rin siya tapos. Duda tuloy ako kung dumaan siya sa pagka-boys scout. Kung bakit kasi naisip ko ang kalokohang ito. Nasa likod lang kami ng bahay ko. May bakante pang espasyo kaya sa halip na mag-out of town ay dito na lang kami dumeretso. May kalumaan na ang tent. Ito ang ginagamit namin ni Kitty sa tuwing nag-e-stargazing kami. Hobby namin na pagmasdan ang buwan at mga bituin kahit pareho naman na walang interes sa astrology. Kinikilig ako na pinagbibigyan ni Wyatt ang lahat ng kapritso ko kahit pang out of this world na ang iniisip ko. Kung ibang lalaki lang siguro ay malang pinagalitan na ako sa pagkaisip bata ko. Gusto