KINABUKASAN ay maaga akong nagising at ipinaghanda pa rin ng almusal si Ace kahit na hindi ako sigurado kung kakainin ba niya. Maaga akong tumayo mula sa pagkakahiga kahit na mabigat ang pakiramdam ko at parang magkakasakit ako. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa nangyari kagabi o kung ano. Habang nagluluto ay walang ibang laman ang isip ko kung hindi ang mga sinabi ko kay Ace. I’m pretty sure that Amaya told him about it. Kaming dalawa lang ni Amaya ang dapat na may alam kasi kami lang ang nag-usap tungkol doon kaya sigurado ako na siya ang nagsabi. Hindi ako galit sa kanya o sa kung kanino pa. Galit ako sa sarili ko kasi hindi ko napanindigan ang pangako ko kay Ace noong ikasal kami. Galit ako sa sarili ko kasi naisipan kong sukuan siya at iparaya sa iba kahit na alam kong pareho kami