Present Time PAGKATAPOS kong makipagusap kay Mr Santos ng A.S Publishing Corps ay agad akong nagpasyang umuwi na lang dahil na rin sa nakaramdam ako ng hilo. Hindi ko alam kung dahil ba sa naging biyahe ko o kung dahil sa nitong mga nakaraang araw ay halos hindi na ako makakain at makatulog ng maayos ng dahil sa nangyari. Sumakay ako ng tricycle at itinuro ang direksiyon sa driver para agad na rin akong makarating sa bahay. Nang malapit na kami sa ay nadaanan namin ang dating bahay nina Ace na ngayon ay wala nang nakatira. Maayos pa rin ang bahay. Kung sino man ang may ari nito ngayon halatang inaalagaan niya ito kahit na hindi sila rito nakatira. Huminga ako ng malalim at ipinahinto ang tricycle sa harap ng bahay namin. Kumunot ang noo ko nang makita ang sasakyan ni Yumi na nakaparada