Chapter Thirty

1081 Words

MAGKAHAWAK-KAMAY kaming pumasok sa loob ng bahay nina Ace. Pagkapasok namin ay nanduon na ang lahat, pati sina Nanay, Tatay at Boyet. Mukhang nagkakasiyahan silang lahat. Lumapit naman kami kay Lola Lira at inabot sa kanya ang regalo namin. “Happy Birthday po, Lola.” Nakangiting saad ko, ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. “Happy Birthday, La.” Si Ace ang nagsalita. Humalik din si Lola sa pisngi ni Ace. “Salamat sa inyo, sige na’t kumain na kayo at kanina pa nila kayo hinihintay.” Tumango kami ni Ace at pumunta sa kusina kung saan sama-samang kumakain ang mga magulang namin. “Akala ko ba uuwi ang mga magulang mo, Dos?” Si Tito Oscar ang nagsalita. “Nagkaproblema raw po, baka sa makalawa na raw po sila makauwi.” Sagot naman ni Dos. “Mga anak, kumain na kayo rito.” Si Tita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD