ONCE UPON A TIME… I don’t know if that’s the right way on how to start the story of how we first met. Basta ang alam ko lang ay unang kita ko pa lang sa kanya noong mga bata pa kami ay nakuha na niya ang atensiyon ko. Nasa harapan siya noon ng bahay nila at kumakain ng bayabas na sinasawsaw niya sa patis. I found it awful but at the same time, I found her cute. Lumipas ang mga araw ay nakilala ko siya. Heart. We became friends. “Bakit mo ‘ko hinalikan?” naalala ko nang halikan ko siya noong mga bata pa kami at naglalaro ng tagu-taguan. Nakita ko ang galit sa mga mata niya pero natuwa ako nang suntukin niya si Nico dahil ito ang pinagbibintangan niya. Naiinis ako kay Nico kasi halatang may gusto siya sa kanya. I’m selfish and want her mine alone. Pero bigla akong namutla nang makita siya