CHAPTER 6: In Love?

2070 Words
ISANG linggo ang nakalipas nang magkaroon ng new transferee sa section namin. Napapansin kong nakaka—adjust naman na si Phoenix sa section namin, hindi na lamang ang limang iyon ang kausap niya last week, dumadami na sila. “Pasulyap—sulyap, bakit hindi na lang kausapin at lapitan...” Tinignan ko sina Nikki and Cristy. “Hindi pa rin kayo tumitigil? Isang linggo na ang nakakalipas, ha?” sabi ko sa kanila at nilipat sa ibang page ang book na binabasa ko. “Paano naman kasi, Elle, halata ka! Lagi kang panay lingon sa pʼwesto nila Phoenix. Bakit hindi mo kasing sabihin na namimiss mong tayo pa lang ang kausap niya,” bulong ni Nikki sa akin. “Magbasa ka na lang ng story mo dʼyan para kiligin ka!” May binabasa siyang love story novel, hindi ko alam kung anong title. “Yes, binabasa ko na nga, nasa kalahati na ako kaya kinikilig ako. After kong basahin ito, ipapahiram ko sa iyo, baka kiligin ka rin, Elle.” Hindi talaga siya nauubusan ng banat sa akin. “No, thanks! Kay Cristy mo ipahiram. Hindi ko kailangan iyan.” “Tapos ko ng basahin niyan, Elle! Maganda ang story, ang plotwist and may seggs din!” Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. “Oh, virgin pa pala itong best friends natin!” “Virgin? Bakit kayo hindi na ba virgin? Wala rin naman kayong boyfriend, ha?” Nakita ko ang mukha nilang disheartening. “Wala nga! At least, marami kaming boyfriend sa binabasa at pinapanood namin. Hindi na kami virgin sa aming isipan! At, ang meaning ng seggs ay s*x. Physical contact ng dalawang opposite gender,” bulong ni Cristy sa akin. Napatulala ako sa kanyang sinabi. “What the he—” Hindi ko na tinuloy ang aking sasabihin. “Anong pinag—uusapan niyo, Jobelle?” Agad akong napalingon nang marinig ang boses ni Phoenix. “Ay, automatic na lumilingon kapag naririnig ang boses ni Phoenix.” Sinenyasan ko si Nikki na manahimik. “Um, anong mayroʼn, guys? Sali niyo naman ako sa usapan niyo! Barkada niyo na rin naman ako, ʼdi ba?” Sumilip pa siya sa akin at maging sa dalawa. “Gusto mo talagang sumali, Phoenix?” Tumango siya sa sinabi ni Nikki. “Ang pinag—uusapan namin ay tungkol sa i—” “Umalis ka nga rito. Nag—aaral ako, hindi mo ba nakikita, Phoenix?” Pinutol ko ang sasabihin ni Nikki. Sinilip niya ang English book na binabasa ko. “Oh, sorry, Jobelle, kung naistorbo ko ang pag—aaral mo, but gusto kitang kausapin. One week na ako bilang classmates niyo, pero bilang pa rin sa mga kamay ko kapag kinakausap mo ko!” Napa—indian seat siya at ang kanyang baba ay nakatungkod sa desk ko. “Galit ka ba sa akin? Huwag ka na magalit,” saad pa niya, ganoʼn pa rin ang kanyang pʼwesto. I frowned at what he said and even my eyebrows met. “Huh? What are you saying, Phoenix? I hate you? Nope. What is the reason for me to be angry with you?” I asked him. “Iʼm not even talking to you because we donʼt have anything to talk about. Have you lost your marbles, huh?” Tinignan ko siya, hindi ba siya nangangawit. Kanina pa siya ganoʼn ang pʼwesto. Bahala siya mapulikat. “Hmm... Tama ka nga naman, Jobelle. Ano naman ang pag—uusapan nating dalawa?” Tumango ako sa kanyang sinabi. “Ah!” Nagulat ako nang malakas siyang sumigaw at may kasama pang gesture ng kanyang kamay. “What about... Magtanong tayo sa buhay—buhay natin? Pʼwede iyon, ʼdi ba, Jobelle?” tanong niya sa akin at tinignan sina Nikki and Cristy. “Tama iyon, Phoenix! You should know each other!” “I like your plan, Phoenix! Para naman hindi puro aral itong kaibigan namin!” Nakita ko ang malaking ngiti nina Cristy and Nikki, habang kanilang tingin ay nasa akin. Gusto talaga nilang iniinis ako, ano? “Ang galing mo talaga, Cristy! Hindi ko pa nga gaanong kilala si Jobelle, pʼwera sa pangalan niya! Ano, Jobelle? Can I get to know you completely? Katulad ng birthday, parents, may kapatid ka ba? Anong paborito at kahit ano pa—” “Teka para saan ang mga iyan, ha?” Huminga akong malalim at sinara ang book na binabasa ko. “Phoenix, huwag mo kong guluhin, okay? Kung wala kang magawa, pwes, ʼwag ako ang istorbohin mo, ha? Nananahimik ako rito kaya umalis ka sa harap ko. Hindi ko rin sasagutin ang tanong mo,” seryoso kong sabi sa kanya at tumayo ako, na siyang pagtayo niya. Tumahimik ang classroom namin, hindi ko sila pinansin at diretsong lumabas. “Lagi na lang KJ si Elle. Paano kasi pinaglihi sa sama ng loob.” Bago ako makalayo ay narinig ko pa ang sinabi ni Barbie. Sama ng loob? Baka siya ang masamain sa akin ngayon. Pumasok ako sa restroom at tinignan ang sarili sa salamin. Umiinit ang ulo ko ngayon, ganito siguro kapag may red flag, isama mo pang masakit ang aking puson. Lumakad ako sa cubicle at sinarado iyon, umihi ako habang iniisip ang nangyari kanina. Bigla akong pumutok. Bakit kasi napaka—epal ni Phoenix? Hindi porket sumasama siya sa amin ay kailangan niyang malaman ang lahat tungkol sa akin? No way! Lumabas na ako sa cubicle nang makita kaunti pa lamang ang dugo sa napkin ko, mamaya ako magpapalit before lunch. Naghugas ako ng kama at lumabas na rin. Bumalik ako sa classroom na maingay muli, naupo muli ako sa silya ko at muling nag—aral. “Why are you always study ba, Elle? Mabubusog ka ba sa pag—aaral mo? Dadami ba ang friends mo kapag nagbabasa ka? Wala naman nakiki—compete sa iyo as top one sa section natin, even sa buong third year students... Alam na nga naming lahat na ikaw ang magiging Valedictorian sa batch natin, because your mom is Valedictorian and your dad is Salutatorian in their batch, right? Kaya ka ba nag—aaral nang mabuti dahil pressure ka dahil may parents kang katulad nila?” Kababalik ko lamang ay pumuputak na naman siya. Pinagbigyan ko na nga siya kanina, pero hindi pa rin siya tumigil? “Hoy, Barbie, huwag mong sabihin niyan!” Napuno na ang salop ko. Malakas na sinarado ko ang aking book at tinignan si Barbie na nasa kabilang side ng row kung nasaan ako. “Why am I always studying, Barbie? For myself. Will my friends increase when I read or study? I don't know, but Iʼm sure of one thing, Iʼm not plastic and I donʼt use a friend to climb the ledge. You already know what I mean. Competing? I don't compete with other students, because this is me, since I was born in this earth. And lastly, am I under pressure because of my parents? Nope, why would I? My parents did not pressure us to study. We are the only ones who voluntarily study to give back to them the sacrifice they make for us. I wasnʼt born with a silver or golden spoon, Barbie, we live in the middle. So, if you donʼt have anything nice to say, you better shut up and keep your mouth close. You can study hard, para hindi ka na mangopya kay Maria. Nakakahiya naman kung ganda lang ang puhunan mo,” mahabang sabi ko sa kanya. “Oh, tagalog na iyong huling part na sinabi ko sa iyo, para maintindihan mo at hindi ka magtanong kay Maria, Barbie. Top 10, ha? Iyong top 10 mong iyon last year pa, right, noong second year tayo. Tignan natin this year kung aabot ka sa top 10!” Binigyan ko siya nang malaking ngiti. Nakita ko ang mukha niyang gulat na gulat. Namumula ang buong mukha niya at ang kanyang kabilang kamao ay nakakuyom na. “If you can't argue with me, shut up. Because someone has a berseck button too, okay? Oh, maybe you don't know the meaning of berseck, huh? Shall I tell you more? And, as for you, Maria, you can't be her puppy forever, because Barbie will depend on you for the rest of her life. Maybe when we go to college, she will also take the course you are taking, Maria. I heard that you will take Political Science, right? Kakayanin mo kaya, Barbie? I heard more on self experience and self explanation doon.” Lalo siyang nagngitngit sa galit dahil sa sinabi ko. “Elle, tigil na.” Tinignan ko si Nikki. “Why would I? Sino ba ang nag—umpisa? Ako ba? Nananahimik ako ritong nagbabasa, then, what? Sasabihin niya sa akin na bakit ako nag—aaral? Iʼm your classmate, but youʼre not my parent to care about me. Because, first of all, I don't care what you do with yourself. Are you killing yourself because of the chemicals in the makeup you put on your face? Did I cut you off, so you wouldnʼt use your makeup, no, didnʼt I? So, donʼt bother me either. Mind your own business, Barbie. Iʼm not always in a good mood. I wonʼt always be quiet and I wonʼt always ignore what you say. Again, ang isang tao ay napipikon din, okay? And, lastly, yes, pinaglihi siguro ako sa sama ng loob. Are you happy now?” Nakataas na ang kanang kilay kong tanong sa kanya. “O—okay! Thatʼs our first bell!” malakas na sabi ni Zon at pumalakpak pa siya. “Ang init sa classroom natin, kailangan nating magpalamig lahat!” Tinapik niya ako sa aking magkabilang balikat. “Chill lang, Elle. Magkakaroon ka agad ng wrinkles niy—sorry! Hindi ako kalaban. Alam mo namang duwag ako pagdating sa iyo! Weʼre friends! Magbarkada ang father natin, Elle!” Nakataas ang kanyang magkabilang kamay nang sabihin niya iyon. “Kaya manahimik ka. Ganoʼng naiinis ako dahil sa buwanang dalaw na ʼto!” “Ay, kaya pala masungit dahil may—mauupo na ako. Ayan na si Sir Gabriel, oh! Kailangan ko na agad makinig sa Math lalo naʼt hindi kami close,” mabilis niyang sabi at naupo sa likod ko. Takot naman pala siya. “Elle, medyo off niyong sinabi mo kanina kay Barbie.” Lumabas na ako sa cubicle, lunch break na namin at nagpalit ako ng napkin bago kumain. “I know but she deserves it. Totoo naman ang sinabi ko tungkol sa kanya. Minalas lang siya dahil napindot ni Anger ang berseck button ko, isama mo pang may buwanang dalaw ako ngayon, first day ko pa man din. At least, magtatanda na siyang huwag akong painitin ang ulo!” sabi ko, naghuhugas ako ng aking kamay. “Tama ang sinabi ni Elle, Cristy. Deserve niya iyon. Mukhang hindi rin naman niya naintindihan niyong sinabi ni Elle, pure English, eh!” natatawang sabi ni Nikki. “Oo nga! Bongga ka roon, Elle! Englishera ka na, ha!” Natawa ako sa sinabi nilang dalawa. “Nagulat nga rin ako na nakapagsabi ako nang mahabang English ko, mukhang naubusan na ako ng English grammar na baon ko. Mag—iipon muli ako,” natatawang sabi ko sa kanila. “Gaga ka, besh! May nalalaman ka pang berseck! Hindi ko nga rin alam iyon. Pero, at least, hindi na magsasalita ng against sa iyo ang Barbie na iyon. Sana nga hindi siya mapasama sa rank 10 ngayong third year tayo. Bakit kasi simula first year kaklase natin ang Barbie na iyon, nakaka-sira ng braincells! But, keber ko sa kanya. Huwag na natin pag—usapan ang Barbie the Plastic, nagugutom na ako! Kumain na tayo at baka hinihintay na tayo ng apat na kolokoy na iyon!” Hinila na kami ni Nikki palabas ng restroom at lumakad papunta sa garden kung nasaʼn sila. Nakahinga ako nang maluwag nang makapagsalita ako ng ganoʼng klaseng tono. Minsan pala ay need mong magalit para lumuwag ang dibdib mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD