CHAPTER 8.2: Fever!!

1863 Words
DUMATING ako sa bahay na parang lalantang gulay ako. Pumasok ako sa loob ng bahay at agad akong napaupo sa sofa namin. “Ate Elle! Welcome home po— a—ano pong nangyari sa iyo, ate?” Lumapit sa akin si Karleen na may pag—aalala sa kanyang mukha. “Ayos ka lang po ba?” tanong niya habang tinitigan ako. “K—Karleen, pakuha ng thermometer sa medical kit natin... Si Jeremiah naman ay pakisabi ay kuhanan ako ng tubig at gamot para sa lagnat,” utos ko sa kanya at naubos na nga ako. “S—s—sandali lang, ate Elle!” Tinapat niya sa akin ang kanang kamay niya. “Jeremiah, pengeng tubig si ate Elle, maging iyong gamot for sick!” malakas niyang sabi at sumakit ang aking ulo dahil doon. “K—Karleen, h—huwag kang sumigaw... Masakit sa tenga,” nauutal na sabi ko sa kanya. Tinanggal ko ang aking back shoes, maging ang medyas ko. “Sorry, ate. Aakyat na po ako,” mahinang sabi niya at umakyat din nang tahimik sa taas namin. Nasa kʼwarto nila mama ang medical kit. Ang gamot naman ay nasa kusina. “Ate, tubig po at iyong gamot. Heto po iyon, ʼdi ba?” Pinakita ni Jeremiah ang gamot sa akin, ang tubig naman ay nilapag niya sa coffee table. Tumango ako nang mabasa ko iyon. “Thanks, Jeremiah... Pakipatay ang electric fan, nilalamig ako.” Binuksan ko na ang gamot at ininom iyon. “Ate, heto na ang thermometer!” Binigay na ni Karleen iyon sa akin, nilagyan ko ng battery at tinutok sa aking noo ang bagay na iyon. “Nag—red, ate.” sabay nilang sabi at tinuro ang thermometer. Hala, may sakit ako! Tinignan ko ang thermometer na red nga ang ilaw. Muli kong tinapat sa noo ko at ganoʼn pa rin ang nakikita naming tatlo. “May sakit ka, ate Elle. Tawagan ko ba si Mama?” Nag—aalalang tanong ni Karleen sa akin. Umiling ako sa kanya. “H—huwag na... Kakainin na lamang ako at saka magpapahinga. Nagtitinda pa sila roon sa shop natin, at nakainom na rin ako ng gamot ko,” sabi ko sa kanya at pinilit kong tumayo sa sofa namin. Inalalayan ako ni Jeremiah nang muntik na akong mabuwag. “Ayos ka lang ba talaga, ate?” Hindi pa rin niya binibitawan ang aking kanang braso. Nahihilo talaga ako. Tinignan ko si Jeremiah. “Yes. Aakyat na lang muna ako at magpapalit ng damit para makakain at makapagpahinga ako. Pahinga lamang ang kailangan nitong katawan ko,” sabi ko sa kanila. “Ate Elle, magluluto na ako ng noodles for you!” Tinignan ko si Karleen. “Kaya ko po! Tinuturuan na kami nina Mama at Papa, kaya ko na pong magluto ng noodles.” Nakita ko sa mga mata niya pursigido siyang lutuin iyon. Ngumiting tumango ako. “Basta mag—i ingat ka, ha? Lagyan mo ng tatlong itlog ang noodles, tig-iisa na tayo,” sabi ko at umakyat na papunta sa kʼwarto. Nakapasok na ako sa loob kʼwarto ko at tinanggal ang suot kong uniform. Kinuha ko ang mahabang pajama ko, iyon ang sinuot ko. Nag—uumpisa na rin akong lamigin, dahil ba ito sa hindi ko pagkakatulog nang maayos? Bumaba na rin ako at naamoy ko na agad ang beef noodles na niluto ni Karleen. “Ate, nakahanda na po. Tatawagin ka na po dapat ni Jeremiah. Heto po iyong sa iyo. Anong oras ka po uminom ng gamot, ate? Para masabi ko po kay Mama mamaya kung makakatulog ka man po pagkatapos mong kumain,” madaldal na tanong ni Karleen sa akin. “Ganoon na po ang may sakit? Kapag pagkatapos kumain ay nakatutulog?” Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi ni Karleen. “Kani—kanila lamang, mga 5:30PM. Bale, 9:30PM ako iinom.” Humigop na ako ng sabaw na siyang pagkaginhawa ng aking pakiramdam. “Hindi po ba maalat, ate? Sinunod ko iyong instructions sa likod po niyan!” sabi niya sa akin, nakatingin siya ngayon. Umiling ako sa kanya. “Hindi naman. Kumain na rin kayo, meryenda niyo.” Tumango sila sa akin at pareho na kaming kumain na tatlo. Naubos ko rin agad ang noodles ko at ako na ang naghugas, pinipigalan nga ako ni Jeremiah, pero inilingan ko siya. “Ate, ako na po dʼyan. Magpahinga ka na lamang po,” ungot niya habang nasa gilid ko. “Hindi, ako na. Kaya ko na ʼto. Lalo akong manghihina kapag ʼdi ako gumalaw. Matutulog na rin ako pagkatapos nito,” sabi ko sa kanya. Napapakamot na lamang siya sa kanyang buhok ngayon. Hindi rin naman nagtagal ay natapos na akong maghugas. “Karleen, Jeremiah, mauna na akong umakyat sa inyo, ha? Magpapahinga na muna ako.” Humakbang na ako sa unang baitang ng hagdanan namin. “Okay po, ate. Pahinga ka po!” sabay nilang sabi at umakgat na ako nang tuluyan. Hindi na ako nagbukas ng electric fan, humiga na lamang ako sa kama ko at nagkumot buong katawan ko. Nilalamig talaga ako ngayon, isama mo pa na sumasakit ang aking ulo. “Argh, bakit ngayon pa ako nilagnat?” kausap ko sa aking sarili. Hindi ako basta—basta dinadapuan ng sakit, ngayon lang. Siguro nga dahil sa puyat at iniisip ko ang nangyari kahapon. Naghalo—halo na. Kailangan kong magpahinga at huwag muna isipin ang mga bagay na iyon, kailangan kong matulog na muna. Napapapikit ako at palingon—lingon ako sa magkabilang gilid ko nang may marinig akong boses at hindi lamang iyon, may tumatapik sa aking braso. “Anak? Gising ka na, kailangan mo ng uminom ng gamot.” “Hmm...” Patuloy pa rin ang pagkalabit sa akin, hanggang maalimpungatan na ako. Binuksan ko ang aking mga mata at nakita ko si Mama na nag—aalala sa akin ngayon. “M—Mama...” mahinang tawag ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko. “Mainit ka pa rin, anak. Bakit hindi ka nagsabing nilalagnat ka pala? Dapat umuwi ako, or sinara namin nang maaga ang shop. Sabi nina Karleen at Jeremiah, pinigilan mo raw silang tumawag. Ate Jobelle naman, wala kaming pake ng Papa mo sa pera na iyan, ha? Mas importante sa amin ang kalusugan niyong magkakapatid. Sa susunod magsabi ka agad sa amin,” sabi ni Mama at tumango ako sa kanya. Nanunuyot ang aking lalamunan ngayon. “I—check ko muna ang temperature mo. Uminom ka raw ng gamot ng 5:30 sabi ni Karleen. Then, kumain kayo ng noodles at nakatulog ka na raw. Pasadong 9PM na, kailangan mo na muling kumain at uminom ng gamot.” Tumunog ang thermometer nakita kong mapula pa rin iyon. “38.8 ang temperature mo. Ilan ang temperature mo kanina?” tanong ni Mama sa akin at nilagay sa gilid ang thermometer. “T—thirty eight point nine po... Bumaba ng isa,” sagot ko sa kanya, bababa na sana ako sa kama nang mawalan muli ako ng balance, kaya napaupo muli ako. “Hindi mo kayang tumayo. Dumito ka na lamang. Kukunin ko ang pagkain at gamot mo.” “M—Mama, k—kaya ko po... Nawalan lang ako ng balanse ko,” mahinang sabi ko sa kanya. “Hindi na. Dito ka na kakain. Hintayin mo ko, kukunin ko lang ang pagkain mo. Hindi ka rin muna papasok sa school bukas, ha? Pupuntahan namin si Miss Pitogon para sabihing may sakit ka.” Tinignan niya ako. “Mag—stay ka rito,” bilin pa niya muli sa akin. “Naiihi po ako, Mama.” Nasa baba ang banyo namin. “Itataas ko rin ang portable toilet ko, sa iyo na muna. Basta huwag kang lalabas dito!” Wala na akong nagawa kung ʼdi sumunod sa kanya. Portable toilet, iyon ʼyong parang arinola, pero modern style dahil mukha siyang toilet bowl pa talaga, hindi ka mahihirapan umupo nang maayos. Naghintay na lamang ako rito habang naiihi na talaga ako. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na rin si Mama, kasama si Papa na bitbit ang portable toilet ko. “Sinasabi ko na nga bang lalagnatin ka dahil sa kulang ang tulog mo.” Naiiling na sabi niya at hinawakan ang noo ko. “Ang init mo, anak! Heto na ang portable toilet ng Mama mo. Sa iyo na muna... Naiihi ka na raw?” Tumango ako sa sinabi ni Papa. “Lalabas na muna ako, mahal. Iihi si ate Jobelle.” Nang makalabas si Papa ay umupo na ako roon at umihi. “Ubusin mo itong lugaw na niluto ko, anak. May itlog din ito at nandito na rin ang gamot mo, inakyat ko na rin ang tumbler mo para hindi manuyo ang lalamunan mo.” Nakita ko ang tumbler na sinasabi niya, nakalagay na sa side table ko. Natapos na rin akong umihi at sumampa na muli sa kama. “Salamat po, Mama.” Hinawakan ko ang kutsara. “Wala iyo, Jobelle. Huwag ka ring mag—alala na baka pumanghe rito sa kʼwarto mo, may nilagay akong sabon doon” Tukoy niya portable toilet ko. Tumawa na lamang ako sa sinabi ni Mama. Inubos ko na rin agad itong lugaw dahil nagugutom ako. Ang isa lang sa maganda kapag may sakit ako malakas akong kumain, at hindi ko sinusuka iyon. “Thank you po, Mama!” sabi ko sa kanya nang mainom ko na rin ang gamot ko. “Wala iyon, anak. Pahinga ka na. Babalik ako rito mamayang...” Nagbilang muna si Mama. “Mga 1:30AM para tignan muli ang temperature mo, kapag ʼdi pa bumaba dahil kita sa clinic doon sa may palengke,” saad niya kaya tumango ako. “Oh, siya, matulog ka na. Mawawala rin niyang lagnat mo, ate Jobelle.” Tinapik ni Mama ang aking braso. “Good night, ate Jobelle.” I feel secure and love dahil sa ginagawang pag—care nila Mama sa akin. “G—good night din po, Mama.” Ngumiti ako sa kanya at binuksan na niya ang pinto. Nakita kong sumilip si Papa. “Good night, anak! Dadalhin kita ng paborito mong chicken bukas!” “Papa, hindi na ako bata! Pero, aasahan ko po iyon, ha! Good night po!” Dumilim ang buong kapaligiran kaya ako ay natulog na lamang muli. Bandang 1:30 ng madaling araw ay ginising ako ni Mama, chineck ang aking temperature, mabuti na lamang ay bumaba na ako, 38.3 na lamang ang lagnat ko. “Thanks, God! Bumaba na rin ang lagnat mo. Matulog ka na muli, ate Jobelle. Huwag kang maagang magigising mamaya, hindi ka papasok,” babalang sabi ni Mama sa akin. “Alam ko po iyon, Ma.” Nagkumot na lamang muli ako at saka natulog. Alam ko namang hindi ako pʼwedeng pumasok bukas, baka makahawa rin ako sa school. Mas okay ng magpahinga at least gagaan ang isipan ko dahil wala akong kolokoy na makikita, lalo na ang Phoenix na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD