LUMAKAD na ako papasok sa loob ng school, chineck ang loob ng aking bag at mabilis na lumakad, may thirty minutes pa before the bell.
“Jobelle!” Naramdaman ko ang pagsabay ni Phoenix sa akin. “Sino iyon?” dagdag niyang tanong sa akin.
Napatingin ako sa kanya, na waring nagtatanong. “Sino ang alin?” Kunot noong tanong ko sa kanya.
Lumingon siya sa likod namin. “Iyong driver ng traysikel kanina? Tito ba ni Zon iyon?” usisang tanong niya sa akin.
Umiling ako sa kanya. “Tito? Hindi, ha! Papa niya iyon, ninong ko rin. Magkaibigan ang mga Papa namin.”
Napatigil siya sa paglalakad, pero agad ding humabol. “Hindi niya kamukha, kaya akala ko ay tito niya.” Iyon lang pala ang sasabihin niya.
“Mas kamukha niya kasi si ninang Zandra. Kapag nakita mo siya, sasabihin mong para silang magkapatid lamang na dalawa... Narinig mo naman kanina ang sinabi ni ninong Allan, kaltukan ko si Zon kapag naging makulit.” Nagmamadali na ako sa paglalakad, kailangan ko pang mag—aral.
“Mukhang totoohanin mo, ha?”
“Of course! Iyon ang bilin sa akin! Tumutupad lamang ako,” sagot ko sa kanya. Nagulat ako nang nasa harapan ko na siya. “Anong kailangan mo? Malapit na ang building natin, bakit nakaharang ka sa dadaanan ko?” Tinaasan ko siya ng aking kilay, kahit hindi ko alam kung nakataas ba talaga.
“Ganoʼn ka pala magalit... Nakaka—nosebleed.”
I flinched my forehead sa narinig ko sa kanya. Naalala ko ang nangyari kahapon. “Yes! Kaya umalis ka dʼyan baka magalit din ako sa iyo!” Pananakot ko sa kanya, pero tinawanan lamang niya ako. Napatingin sa amin ang ibang estudyante kaya tinadyakan ko siya. “H—Hoy, tumigil ka nga! Ano ba talaga kailangan mo, ha? May thirty minutes pa before mag—ten, kailangan kong mag—aral sa natitirang oras... Hindi ako nakatulog masyado, ha?” sabi ko sa kanya.
Nawala ang pagtawa niya. “Hindi ka masyadong nakatulog? Iniisip mo ba ang nangyari kahapon?”
Napaiwas ako ng tingin sa kanya. “Bakit ko naman iisipin iyon? Nag—aral ako!” pasigaw na sabi ko sa kanya.
Halata ba sa mukha kong napuyat ako dahil doon?
“Saka, bakit ko naman iisipin iyon? Hindi naman ako nauna kahapon... Totoo rin naman sinabi ko kay Barbie. Hindi niya kasi alam kung kailan may bad day ang isang tao. Malas siya, kahapon ako may bad day!” dagdag na sabi ko at dadaanan na sana sa gilid niya, pero hinarangan niya ako. “Ano ba ang problema mo, Phoenix? Gusto mo bang ma—badtrip din ako sa iyo, ha?” Napamewang na ako sa kanya.
Inilingan niya ako at hinawakan ang aking kamay. “Letʼs go!” aniya at nagulat ako nang lumakad kami, pero hindi papunta sa building namin.
“Hey! Saan mo ba ako dadalhin? Sisigaw ako!” malakas na sabi ko sa kanya. Pero, ang kumag ay walang takot sa akin, ganito ba kapag nahahawaan nila Zon? “Hey! Hindi ka ba nakikinig sa akin, ha? Wala ka ng takot sa akin?” tanong ko pa sa kanya.
Tinignan lamang niya ako, ngumiti sa akin at muling bumalik ang tingin sa nilalakaran niya.
Aba, dineadma niya ako!
“Phoenix Mendoza! Ano ba itong ginagawa mo? Bitawan mo nga ang kamay ko! Maraming nakatingin sa atin, oh! Baka akalain nila ay mag...” Hindi ko gusto ipagpatuloy ang sasabihin ko.
“Mag—ano tayo, Jobelle? Bakit hindi mo sabihin?” nakangising tanong niya sa akin.
Inaasar pa niya ako!
“B—bitawan mo ang kamay ko! Tatadyakan kita sa gitna mo! Hindi ako nagbibiro! Natadyakan ko na si Zon dati dʼyan... Noong bata kami,” pananakot ko sa kanya, pero imbis na makinig sa akin at bitawan ang kamay ko ay magkahilera na kaming dalawa at pinagsiklop ang aming kamay sa isaʼt isa.
“Maliit pala ang kamay mo, Jobelle. Sakop na sakop ko ang kamay mo ngayon. Ang lambot,” nakangiting sabi niya habang naglalakad pa rin kami.
Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya, sa aming mga kamay. I snapped my mind at hinila ang aking kamay sa kanya. “Ano ba ang ginagawa mo? Hindi mo ba alam ang boundaries, ha?” usal ko sa kanya. “Manyak!” sigaw ko. Nagulat ako sa aking nasabi kaya napatingin ako sa kanya. Nakita kong namimilog ang kanyang mga matang napatingin sa akin.
“I—Iʼm sorry.” nauutal niyang sabi sa akin.
“Alam mo, Phoenix! Hindi katulad ni Barbie or iyong ibang babae dʼyan na may crush sa iyo! Wala aking pake sa love life na iyan! Wala akong crush sa iyo, naiintindihan mo ba iyon! Kung naghahanap ka ng lalandiin mo! Huwag ako!” malakas na sabi ko sa kanya at tumakbo nang mabilis, nakikita ko ang ibang estudyanteng nakatingin sa pʼwesto namin.
Lakad—takbo lamang ako hanggang makarating ako sa building kung saan ang classroom namin. “Bwisit ka! Bwisit kang Phoenix!” Bumubulong—bulong ko sa aking isipan. Kaya imbis na dumiretso sa classroom ay nag—detour ako, pumunta muna ako sa restroom para mahimasmasan muna at paniguradong sinundan agad ako ng Phoenix na iyon.
Pumasok ako sa isang cubicle at nagkulong doon. “Naiinis ako ngayon. Ayoko siyang makita! Ayoko talaga!” kausap ko sa aking sarili habang nakatayo sa loob ng cubicle.
Napabuga ako at pilit na pinapakalma ang aking sarili. “Second day ko ngayon, kaya kailangan kong maging relax. I need to be relax!” Humihinga akong malalim, mabuti na lamang ay hindi mapanghe ngayon dito. Kung ʼdi, kawawa ako. Masisira ang pang—amoy at baga ko.
Nag—stay na muna ako rito habang ilang beses na akong nakakarinig ng bukas—sara ng pinto, may ilan na ring kumakatok sa cubicle kung nasaan ako, pero hindi ako sumasagot hanggang umaalis na lamang sila. Chineck ko ang aking wristwatch at nakita kong five minutes na lamang before our first bell, 10AM. Lumabas na ako at nag—spray na muna ako ng pabango para hindi ako amoy banyo ngayon.
Tinignan ko ang aking sarili at ngumiti nang malaki, pero hindi ko kinaya. “Huwag natin siyang pansinin, Elle. Huwag!” kausap ko sa aking sarili at lumabas na rin.
“Elle, bakit ngayon ka lang? Nag—library ka muli?” tanong ni Nikki nang makapasok ako sa classroom.
Nakita ko ang pagtahimik ng mga kaklase ko, hindi ko sila pinansin, lalo na si Phoenix na nakikipag—kʼwentuhan sa mga lalaki.
“Um, yes, galing ako roon. Nag—aral ako,” sagot ko sa kanya at naupo rito sa pʼwesto ko.
“Elle, sabi ni Papa sa akin sabay kayong dumating ni Phoenix!”
Napatigil ako nang marinig ang pangalan na iyon. Napalunok ako at siyang pagtingin ni Edward sa akin. “What?” asik ko sa kanya, umiling siya sa akin. Lumingon ako kay Zon. “Yes, sabay kami... Pero, gumawi ako sa library... Hindi ko alam kung saan siya pumunta. By the way, Zon, sinabihan ako ni ninong Allan na kaltukan ka raw kapag pasaway ka today! Pinapaalala ko lang sa iyo, naka—mata ako ngayon para sa iyo!” Binigyan ko siya nang malaking ngiti.
“Tsk! Si Papa talaga sobrang tiwala sa iyo, Elle!” Umalon ang kanyang lalamunan.
“Ako ang favorite na inaanak ni ninong Allan, kaya wala kang magagawa! Sumunod ka na lamang kung ayaw mong kaltukan kita, okay?” bilin kong sabi sa kanya.
Humarap na lamang ako sa pisara at kinuha ang notebook for Math subject. Pero, nararamdaman kong nakatingin sa akin si Edward ngayon. “Bakit mo ko tinitignan?” takang tanong ko sa kanya. “May dumi ba ako sa mukha ko?” Hinawakan ko ang aking kamay, pero inilingan niya ako.
“Ayos ka lang ba, Elle?” May himig na pag—aalala sa kanyang boses nang magtanong siya.
Pangalawa na siyang nagtanong kung okay ako. Mukha ba akong may sakit?
Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niyang iyon. “Oo, maayos lang ako. Bakit naitanong mo?” Humarap na ako sa pisara nang dumating si Mr. Gabriel.
“Iyong mukha mo... Parang maputla,” mahinang sabi niya sa akin.
“Maputla? Ah, kulang ako sa tulog... Uunahan na kita, hindi dahil sa nangyari kanina... Nag—aral ako kagabi, hindi ako makatulog... Ang daming tumatakbo sa isipan ko kaya nag—aral ako nang kaunti. Then, panay ang gising ko kanina, kaya siguro mukha akong maputla,” sagot ko sa kanya habang ang aking tingin ay nasa harap pa rin.
“Ganoʼn ba? Pumunta ka kay sa clinic mamaya—”
“Okay lang talaga ako, Edward. Hindi run ako basta—basta dinadapuan ng sakit. Huwag kang mag—alala sa akin, okay? But, thanks dahil sa concern ka.” Ngumiti ako sa kanya at nagsimula na akong makinig sa first subject namin.
This is our third subject. Nangungunoot na ako nang makitang nagdadalawa ang aking tingin, pero hindi ko na lamang pinansin. Pinipikit ko lamang ang mga mata ko at saka ito dinidilat, nawawala ang dalawang tingin ko.
Mukhang napagod ang aking mga mata.
Kaya hinayaan ko muna ang pandinig kong makinig at ang mata ko naman ay nakapikit habang nakatingin sa notebook ko, ganoʼn ang ginawa ko hanggang matapos ang aming lesson ngayon araw, hindi ko rin pinapansin si Phoenix.
“Elle!” Binangga ako ni Nikki na muntik ko nang pagkawala ng balanse, mabuti na lamang ay nahawakan ako ni Cristy.
“Nikki, napalakas yata ang bangga mo kay Elle.” Tinignan niya ako. “Ayos ka lang? Muntik ka ng masubsob kung hindi kita nahawakan,” sabi niya sa akin.
Tinanguan ko siya kahit dama kong nanlalamig na ako. “Ayos lang ako... Gusto ko lang umuwi agad, inaantok ako,” sagot ko sa kanya.
“Kulang na naman ang tulog mo, Elle? Anemic ka na niyan sa ginagawa mong pag—aaral. Huy, kapag nasa bahay ka naman, pahinga—pahinga rin, ha? Huwag abusuhin ang katawan!”
“Thanks! Iyon nga ang gagawin ko mamaya... Anong kailangan mo pala, Nikki?” tanong ko sa kanya.
Naglalakad na kami palabas. “Napapansin naming iniiwasan mo si Phoenix, Elle. Ni—hindi ka nga nakikinig or sumasama sa conversation kapag nagsasalita si Phoenix at hindi lang iyon, kina—cut mo pa. So, anong mayroʼn sa inyong dalawa? Lalo naʼt sinabi ni Zon kanina na sabay kayong dumating sa school... Sabi ng Papa niya,” usisang tanong niya sa akin.
“Wala... Hindi ko napansing nagsasalita siya kanina... At, wala naman akong isasagot sa sinasabi niya. Ano bang malay ko sa kinu—kʼwento niya? Wala!”
Huminga akong malalim, nanlalamig ang buong katawan ko ngayon, sumasakit na rin ang ulo ko at lalong napapagod na ako.
Bakit ang layo ng paradahan ng traysikel?
“Elle? Are you okay? Gumegewang ka?”
“Ha?” takang tanong ko sa kanila.
“Hindi mo ba naririnig mga sinasabi namin sa iyo?”
Tinignan ko si Cristy. “Ano ba iyong sinasabi niyo? Hindi ko narinig.” Napailing ako nang makitang nandito na rin kami sa paradahan ng traysikel.
“Sabi namin, tinitignan ka ni Phoenix kanina, simula roon sa recess natin hanggang matapos ang araw. Mukhang may gusto siyang sabihin sa iyo, pero nagdadalawang isip siya.”
“Ah, iyon lang ba? Hayaan niyo siya! Oh, siya, dito na tayo sumakay, sa loob na ako Cristy,” sabi ko at pinauna si Nikki sa loob ng traysikel.
“Ang weird mo today, Elle.” Iyon lamang ang narinig ko mula sa kanya. Hindi na ako nag—aksaya na bumuka ang bibig ko, nanghihina na talaga ako.
Shet, mukhang tinamaan ako ng lagnat!