Laurice POV “Sigurado ka bang okay ka lang dito?" My step-brother asked worriedly. Nandito kasi kami ngayon sa may bukana ng Limid’s base, dinalaw ako nitong kinalakihan kong kapatid na si Deine. Tinanguan ko ito, nag-aalala kasi ito sa paglipat ko rito sa may Limid’s base, gustong-gusto ko kasing magturo sa isang eskwelahan, ngunit hindi kami normal na tao, at ang pinakamagandang lugar para matupad ang pangarap ng isang kagaya ko ay ang magturo dito, sa lugar, sa eskwelahan kung saan naninirahan ang mga kagaya kong hindi ordinaryong tao. Napabuntong-hininga ito na para bang tinatanggap na wala na itong magagawa sa desisyong ginawa ko kaya’t nginitian ko nalang ito, “Sige na Deine, ayos lang talaga ako rito, “ paninigurado ko sakaniya. “Kapag may oras ka, tumawag ka o kaya ay dalawin

