Pagkatapos ng tagpong iyon ay hindi naman nagtagal at dumating na ang mga gamit ko na ipinadala ni Lione, tagumpay akong nakapag-umpisa, at dahil nga galing ako sa pamumuhay bilang isang normal na tao ay hindi ako nahirapan sa pagtuturo. May subject kasi ang mga Akademnyang ito na pinag-aaralan ang pamumuhay ng mga ordinaryong tao. Tagumpay kong nairaos ang unang araw ko, naging mainit naman ang pagtanggap na ginawa saakin ng bawat klaseng pinapasukan ko, this is what I want, the warmth of the students, their smiles, the life in school, I feel so contented seeing their cooperations, the curious looks, their grateful faces whenever I teach them something. “Good day, class.” Paalam ko sa mga estudyante nng makita kong oras na ng uwian. Nagsipaalam na rin ang mga ito saakin, nakahinga ako

