Laurice POV Nagpalipas lang kami ng oras ni Cedric Ryui, nanood lang kami ng mga entertainments habang hinihintay ang oras para sa Sky Lantern Festival, naglibot-libot pa rin kami saka panaka-nakang bumibili ng mga natitipuhang pagkain. This is hilarious, ang sabi ay ililibot lang ako nito sa East Wing, inilibot nga ako ay sakto naman na may event. Hindi nga boring pero... parang nagmukha talagang date, at kahit ganoon ay tinatatak ko pa ron sa isipan ko na walang ibig sabihin ang araw na ito. Masaya lang rin ako dahil mukhang nagkaroon na kami ng pagkakaintindihan nito, hindi nalang kami strangers, siguro masasabi kong friends na rin kami? A man and a woman can be friends, right? "Come to think of it..." Kapagkuwan ay sambit ko habang naglalakad kami nito, kaagad naman itong napat

