CHAPTER 22: I Miss You So Much!

2225 Words

Lina Nakabibinging katahimikan ang namayani sa aming tatlo habang sabay-sabay kaming kumakain dito sa mesa. Nag-focus lang din ako sa plato ko at sa pansit na kinakain ko, habang nakikita ko naman mula sa gilid ng aking mga mata ang panaka-nakang pagtitig sa akin ni Ninong. Hindi ko na rin siya tiningnan pa kahit ano pa ang mangyari. Hanggang sa natapos na lamang kaming kumain. Si Kuya Miko pa rin ang nagpumilit na maghugas ng mga plato, kaya wala na rin akong nagawa kundi ang hayaan siya. Nilinis ko na lamang ang mesa at nagwalis na rin sa buong ground floor. Si Ninong naman ay umakyat nang muli sa second floor. Inabala ko na lamang muli ang sarili ko sa paglilinis ng buong bahay. Hindi ko na sinubukan pang pumasok sa loob ng silid ni Ninong. Hindi naman madumi doon at kaya naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD