Lina Bigla na lamang may kumatok sa pinto na siyang laking ipinagpapasalamat ko. "Boss?" Kaagad akong kumalas kay Ninong nang marinig namin ang tinig ni Kuya Miko sa labas. Segundo lang ay bumukas din kaagad ang pinto at bumungad doon si Kuya Miko. "Why?" Nilapitan din naman siya ni Ninong. "May itatanong daw po." Kaagad na rin silang lumabas at muling isinara ni Ninong ang pinto. Humugot ako ng isang malalim na paghinga. Para bang punong-puno ang dibdib ko sa mga sandaling ito. Napakagat-labi na lamang ako. Parang nangangapal na naman ito ngayon at nararamdaman ko pa ang mga labi ni Ninong dito. Dalawang araw ko ring hindi natikman ang mga labi niya. Na-miss ko din naman siya pero ewan ko ba. Hindi pa rin ako ganun kasaya. Ipinagpatuloy ko na lamang muli ang paglilinis dito sa