CHAPTER 07: His Warm Arms

2453 Words
Lina MATAPOS niyang makapagbayad sa counter ay binitbit na niya ang isang malaking paper bag na naglalaman ng sampung piraso ng mga damit ko. "K-Kuya Darell, ako na ang magdadala niyan--" "Ako na. It's heavy." Kaagad niyang inilayo mula sa akin ang paper bag nang tinangka ko itong agawin mula sa kanya. "Magaan lang naman 'yan." Sinubukan ko ito muling agawin sa kanya. Ngunit muli lang din niya itong inilayo mula sa akin. "Ako na. Let's go. Mag-ikot-ikot pa tayo." Hinawakan niyang muli ang kamay ko at hinila na ako palabas ng clothes shop. "Saan naman tayo pupunta?" "Let's go around the entire mall." "Saan ba dito ang palengke? Meron ba no'n dito?" "Hindi ka pa ba nakakapasok sa supermarket?" "Hindi pa, eh." "Nasa dulo 'yon sa right side. Mamaya na lang tayo pupunta doon." "Baka matagalan tayo dito, Kuya Darell. Hahanapin ako ni Ninong. Hindi ako nagpaalam sa kanya." "Maaga pa naman. Two o'clock pa lang. Mamayang hapon pa uuwi si Tito." Hindi na ako sumagot pa sa sinabi niya. Nagpatuloy na lamang kaming dalawa sa paglalakad. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Mahigpit niya itong hawak. Nag-i-enjoy din ako sa mga nakikita ko sa buong paligid. Sumakay kami sa escalator at umakyat sa itaas. May mga nakasabayan kaming mga lalaki. Hinila naman ako ni Kuya Darell sa gilid niya at hinarangan sa mga ito. Halos nakayakap na siya sa akin dahil nasa baywang ko na ang isa niyang kamay. Napapatingin naman sa amin ang mga kababaihan. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang paglibot ng kanilang mga mata sa kabuuan ko, at napapalitan naman nang paghanga sa tuwing tumititig kay Kuya Darell. Pero wala akong pakialam. Hindi naman ako nagpapaapekto sa mga tulad nila. Mas maganda pa ako sa kanila. Paano pa kaya kung nag-ayos ako? Eh, 'di talbog na silang lahat. Nakarating kami ni Kuya Darell sa second floor. Marami nang mga restaurant dito at nakakalanghap na ako ng mabangong amoy ng pagkain. "Nagugutom ka na ba? Kumain muna tayo." "Busog pa ako, Kuya. Kumain ako kanina bago umalis ng bahay." "Okay. Maya-maya na lang." Nagpatuloy kami sa paglalakad. Hanggang sa makarating kami sa isang palaruan kung saan maraming iba't ibang klase ng machine sa loob. "Let's go inside." Hinila niya ako papasok sa loob. Marami pa ring tao at mga batang naglalaro dito. Nahagip ng paningin ko ang hilera ng mga basketball court sa kaliwang bahagi. "Kuya Darell, basketball tayo!" Doon ko siya mabilis na hinila. "Marunong ka ba?" "Oo naman! Baka matalo pa kita!" "Whoa. Let's see. Bumili muna tayo ng coins, sandali. Dyan ka lang." Sa wakas ay binitawan niya rin ang kamay ko at nagtungo siya sa counter kung saan may mga naka-unipormeng nagtatrabaho dito. Bumili siya doon ng card. Ako naman ay nae-excite nang magpa-shoot ng bola. Doon kasi sa labas ng bahay namin sa Quezon ay mayroong maliit na court na ginawa ni Papa noong bata pa ako. Madalas kaming mag-one on one noon. May sarili kaming bola na binili niya talaga, at dinala ko din 'yon noong kunin ako doon ni Ninong. Tinatago ko lang 'yon sa mga gamit ko sa silid ko. Noong una ay napakagaling talaga ni Papa at ako ang palaging talo. Siya ang nagturo sa akin kung paano maglaro nito. Katagalan ay natuto na talaga ako at nasasabayan ko na siya. Malalaking damit pa niya ang mga isinusuot ko noon sa paglalaro, kaya nga nasanay na ako sa ganitong damit. Madaling kumilos kapag ganito. Nakita kong pabalik na sa akin si Kuya Darell at bitbit ang isang card. "Here. Alright, let's see how good you are." Kaagad niyang ni-scan ang card sa isang maliit na machine sa baba. "Sige ba." Mas lalo pa akong na-excite sa mga sandaling ito. Biglang bumukas ang bakal at nangahulog na patungo sa akin ang maraming bola. Dinampot ko kaagad ang isa. "Go!" sigaw ni Kuya Darell bago ko sinimulan nang ihagis sa ring ang mga bola. Sunod-sunod naman akong naka-shoot. "Whoa! Awesome!" sigaw niya mula sa likod ko. Nagpatuloy naman ako sa pagpapa-shoot. Wala akong naging sablay. Lahat ay pumapasok. Na-miss kong bigla ang larong 'to! Hanggang sa maubos ang oras at natapos na ang game. Malakas na palakpak ang natanggap ko mula kay Kuya Darell at sa ilang mga lalaking nanood din pala sa akin. Mukhang kinunan din niya ako ng video dahil nakatutok sa akin ang phone niya! "How amazing! Good job!" Kinilig ako sa papuri niya. Sobrang saya ko. Pinagpawisan din kaagad ako kahit malamig naman dito sa loob. "Ikaw naman!" "Tingnan nga natin kung kaya kitang pantayan. Kala mo ikaw lang ang magaling." Natawa ako sa sinabi niya. "Akina muna 'yan." Inagaw ko mula sa kanya ang paper bag. "Sige, pakihawak muna." Binitawan din naman niya ito. Muli niyang ni-scan ang card sa maliit na machine. Hindi rin nagtagal ay muling bumukas ang bakal kung saan may mga net at gumulong patungo sa kanya ang mga bola. "Game!" ako naman ang sumigaw. Kaagad din niyang dinampot ang isang bola at sunod-sunod na niya ang mga itong inihagis sa ring. "Whoa!" napasigaw siya nang may sumablay na isa. "Madaya 'to, ah." Napahalakhak ako sa sinabi niya. Nagpatuloy pa rin siya, hanggang sa makasablay ulit siya ng dalawa pa. "Oh, s**t! Huwag ganun, men." Hindi ako matigil sa pagtawa. Muli siyang nakasablay ng ilan pa. Hanggang sa tuluyan na itong matapos at nakakuha lamang siya ng 13 points! "f**k! There's a trick in this court! I've been tricked!" Tinangka niyang sipain ang court. Hindi naman ako matigil sa pagtawa at sumasakit na rin ang tiyan ko sa mga sandaling ito. "Ayoko na. Halika na. Baka mawasak ko pa 'yan." Inagaw niyang muli sa akin ang paper bag at hinila na ako palayo sa basketball court. "Tuwang-tuwa ka naman. Nakatyamba ka lang. Medyo masakit kasi ang kamay ko ngayon, eh." Muli na naman akong natawa sa sinabi niya. Mga palusot niya. "Mamaril na lang tayo ng zombie. Magaling akong mamaril, akala mo ba." Hinila niya ako sa loob ng isang medyo may kadiliman na--ano bang tawag dito? Basta, may malaking screen siya sa loob at mayroong dalawang baril. May mga nagkakagulong zombie sa screen at nakakabingi ang lakas ng volume nito. Naupo kami ni Kuya Darell sa upuang naririto. Ibinaba na muna niya sa gilid ang paper bag namin. "Surely you can't do this." Hinawakan na niya ang baril at ni-scan na niya sa maliit na machine ang card. Natawa naman akong muli sa sinabi niya. Hinawakan ko na rin ang isa pang baril. Hindi naman ako takot sa mga zombie, no. Laking probinsya ako at doon ay maraming mga kaganapan na mahirap ipaliwanag. May mga aswang pa nga sa gabi at paniki sa bubungan. Kaya sanay na ako. Bumilang na ng sampu pababa ang numero sa screen. "Ready?" tanong sa akin ni Kuya Darell. "Ready!" nakangiti ko namang sagot sa kanya. "Yabang, ha." Napahalakhak ako sa sinabi niya. Bigla nang nag-go ang screen at doon na nga nagsimula ang game! Inumpisahan na naming barilin ang mga kalabang zombie. Hindi ko tinigilan ang isa hangga't hindi bumabagsak. Gumagalaw ang screen na tila pumapasok sa loob ng isang madilim na gusali. "Whoa!" sigaw ni Kuya Darell nang kamuntik na siyang masugod ng zombie pero kaagad ko naman itong pinagbabaril. Sobra akong nag-enjoy. Inubos ko ang lahat ng mga kalaban namin. "Galing, ah," ani Kuya Darell sa tabi ko. Hindi ko naman siya pinapansin. "Why are you so good?! Shooter ka ba sa past life mo?!" Napahalakhak akong bigla sa sinabi niya. Umikot pa ang camera patungo sa kanang bahagi at doon naman nagsilabasan ang marami pang zombie! "Damn! Ubos kayo sa akin!" sigaw ni Kuya Darell sa tabi ko habang pinauulanan sila ng bala. Bumilang na ang clock time sa gilid, hanggang sa mag-game over na ito. "Whoa! Good job! You're a good partner." Nag-high-five kaming dalawa. "Mas magaling ako," nakangisi kong sagot sa kanya. Parang napagod ako ng kaunti. "Anong magaling? Ako nga ang nakaubos sa kanila, eh." Muli akong humalakhak sa sinabi niya. Nag-round two pa kami pero siya pa rin itong napakaingay habang naglalaro. Sobra naman akong nag-enjoy sa buong oras na 'yon. "Car race naman tayo." Hinila naman niya ako patungo sa mga upuan kung saan sa harapan nito ay mayroong manibela at mga screen monitor. Gusto niya yatang laruin lahat ng machine dito! Doon naman kami umupo at naglaro. Pero natalo ako dahil hindi ako marunong mag-drive. "Sa wakas, natalo din kita." Natawa naman akong muli sa sinabi niya. Pagod na pagod kami bago kami lumabas ng Timezone, pero sulit ang buong oras na inilagi namin doon. Nag-enjoy talaga ako at sandaling nakalimot sa mga dinadalang bigat sa buhay. Para akong bumalik sandali sa pagkabata. "Nag-enjoy ka ba?" tanong ni Kuya Darell sa akin. Kasalukuyan na kami ngayong naglalakad dito sa malawak na hallway ng mall. "Opo, Kuya Darell! Ang galing. Nakapaglaro na rin ako sa ganyan noong bata pa lang ako. Kasama ko si Papa." "Kaya naman pala magaling ka na sa ganyan, eh." "Pero noong mag-high school ako ay bihira na lang. Tinutulungan ko kasi si Papa sa pagtitinda noon ng mga lechon manok sa bayan at doon ko rin naintindihan kung gaano kahirap ang kumita ng pera. Natuto akong magtipid at mag-ipon." "Napakabait mo naman palang anak. Siguradong swerte din ako kung magiging tayo na." Natawa naman ako sa sinabi niya. "See? I make you smile. You laugh the whole time you are with me. Ako talaga ang magpapakulay ng mundo mo." "Thank you, Kuya Darell. Nag-ejoy ako kahit sandali lang." "Huwag mo na kaya akong tawaging Kuya. Just Darell. Okay na 'yon sa akin. At huwag ka na ring mag-po. Two years lang naman ang agwat nating dalawa. You'll turn 19 next month at kaka-21 ko lang no'ng June 22. See?" "Matanda ka pa rin ng 2 years kaya Kuya pa rin kita." "Sige, tatawagin na lang din kitang ate. 'Yon na lang ang endearment nating dalawa simula ngayon." "Ha?" Napanganga naman ako sa sinabi niya. "Okay ba? Hi, ate," nakangisi niyang bati sa akin. Gusto kong mapa-face palm. Napakakulit niya pero nakakatuwa. Buong araw akong tumatawa nang dahil sa kanya. "Kumain na tayo. Nagugutom na ako." Humimas na siya sa tiyan niya. "Tapos mag-grocery na tayo, Kuya Darell. Para makauwi na tayo. Baka kasi maunahan ako ni Ninong sa bahay, eh." "Ako naman ang bahala sa iyo." Hindi na ako sumagot pa. Hinila niya ako papasok sa isang mamahaling restaurant. Inalalayan pa niya akong makaupo. May isang waiter ang nag-assist sa amin at nag-asikaso ng mga pagkain namin. Hanggang sa pagkain ay tumatawa pa rin ako dahil kay Kuya Darell. Napakakulit talaga niya. "Come on, just taste it. Masarap 'to." Ilang beses na niya akong sinusubuan. Inilalapit niya talaga ng husto sa bibig ko ang pagkain niyang nakatusok sa tinidor. Nahihiya naman ako sa mga taong tumitingin sa amin, kaya hindi ko na rin siya matanggihan. Baka sabihin pa nila sa akin ay ang arte-arte ko sa hitsura kong 'to. "B-Busog na ako, Kuya Darell. Uubusin ko na lang 'tong pagkain ko." "Masarap, 'di ba?" "Oo na." Ngumisi naman siya bago muling nagpatuloy sa pagkain. Napapailing na lamang ako. Ginagamit niya rin 'yong tinidor na ginagamit niya sa akin. Matapos namin sa restaurant ay dumiretso na nga kami sa supermarket at namili ng mga kailangan sa bahay. Tinulungan niya ako. Wala akong dalang listahan pero kabisado ko naman ang mga wala sa bahay. Totoong may bilihan din pala dito ng mga isda at karne! Ang galing naman. Malinis pa dito at aircon. Hindi naman kasi kami nakakapasok ni Papa sa mga ganito dahil sa palengke nga kami namamalengke. Nag-i-stock man kami ni Papa ng mga pagkain sa kusina namin, 'yon ay mga de lata lang katulad ng sardinas. Marami rin kaming stock ng noodles at pancit canton. At ang hindi mawawala ay kape at asukal. 'Yan kasi ang paborito ni Papa, lalo na kapag nalalasing siya ng lambanog. Iinom muna siya ng matapang na kape bago matulog. Kumuha na rin ako ng mga detergent, sabon at dishwashing. Naalala kong wala na rin nito sa bahay ni Ninong. Napuno ang shopping cart namin ni Kuya Darell. "Nakita mo na. Kung ikaw lang mag-isa ang nag-grocery, siguradong hindi mo madadala ang mga 'yan. Mas mabigat pa 'yan kaysa sa katawan mo," aniya sa akin. Kasalukuyan na kami ngayong nakapila dito sa counter. Hindi ko naman mapigilang matawa. "Sanay naman akong magbuhat ng mga mabibigat, Kuya." "Kaya naman pala ang payat mo. Ako, kaya mo rin bang buhatin?" "Hindi. Ang laki mo kaya. Ang tangkad mo pa." "Kakayanin mo rin ako. Marami namang paraan." "Ha?" Ngumisi naman siya habang nakatitig sa akin. "Puro ka na naman kalokohan, Kuya." "Ang cute mo talaga, Ate." Bigla naman niyang pinisil ang pisngi ko! Kaagad kong hinawakan ang pisngi ko at sinamaan siya ng tingin. Ngunit enjoy na enjoy siya habang nakatitig sa akin. 'Di siya matigil sa pagtawa niya. Matapos naming magbayad sa counter ay kaagad na rin kaming nagtungo sa basement kung saan naroroon ang kotse niya. Sakay ng shopping cart ang mga pinamili namin dahil marami nga at mabigat. Pwede din pala ilabas dito ang shopping cart. Inilagay namin ang lahat ng ito sa backseat ng sports car niya. Hindi na rin kami nagtagal pa dahil alas singko na ng hapon. Nag-aalala na ako dahil baka nasa bahay na si Ninong! Kaagad na rin kaming bumiyahe pauwi. Bago kami makarating sa bahay ay doon ko pa lang naisipang silipin ang phone ko. At ganun na lang ang pamimilog ng mga mata ko nang makita kong may sampung miscall na pala si Ninong! Tumambol na lamang bigla ng malakas ang dibdib ko. "Patay. Kuya Darell, tumatawag na si Ninong. Nasa bahay na siya." "We're here." Huminto naman kaagad ang kotse namin sa tapat ng gate ng bahay ni Ninong. Bigla ding bumukas ang gate at lumabas mula doon si Ninong na humahangos at namumula na. "Lagot na." Mabilis kong kinalas ang seatbelt ko at binuksan ang pinto sa tabi ko. Mabuti na lang at nalaman ko kaagad kung paano ito gawin. "Ninong!" "Lina!" Nagulat naman siya nang makita ako. "Where the hell have you been?!" Nakalabas na rin ng kotse si Kuya Darell. Kaagad kong sinalubong si Ninong at niyakap ng mahigpit. "Sorry po, Ninong. Hindi ako nakapagpaalam. Wala kasi akong load, eh. Namalengke lang po kami ni Kuya Darell, pero natagalan kami. Huwag kang magagalit sa akin. Sorry po." Labis-labis na pag-aalala at takot ang naramdaman ko, lalo na't nakita ko rin sa kanya ang labis na pag-aalala nang makita ako. Kumabog ng malakas ang puso ko. ...A t naginhawahan lang ako nang maramdaman ko rin ang pagbalot sa akin ng mainit niyang mga braso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD