bc

Clandestine (The Betrayal's Game)

book_age16+
1.3K
FOLLOW
22.5K
READ
billionaire
HE
gangster
drama
bxg
scary
harem
surrender
wild
like
intro-logo
Blurb

Magkahalong pagkabigla at tuwa ang naramdaman ng dalawampu’t anim na taong gulang na dalaga na si Rhian nang biglang umuwi ang nakakatanda niyang kapatid na si Via para kilalanin ang bilyunaryong lalaking pakakasalan niya. Simula kasi mamatay ang ama nila, limang taon na ang nakakalipas ay nilisan din ni Via ang kanilang tahanan upang magtrabaho sa ibang siyudad at ni minsan ay hindi ito nagpakita sa kanila; gayon pa man ay hindi naman naputol ang kanilang komunikasyon at ang suportang-pinansyal ni Via sa kaniya.

Labis siyang nagtaka at nabigla nang makita kung gaano kalaki ang pinagbago ng kaniyang ate. Ang noon ay maganda at mahinhing si Via ay animo’y mapanuksong pulang rosas na na napakakaakit-akit ngunit tila kung hahawakan ay maaari kang matinik. Napuno nang pagkabahala si Rhian sa pagkikita ng nobyo at ng kaniyang kapatid dahil nabanaag niya sa mga mata ng binata ang pagnanasa. Ayaw niya sanang mag-isip ng masama dahil may tiwala siya kay Via ngunit hindi pala iyon naging sapat upang mapanatag siya. Ang inakalang masayang araw ng pagbabalik ni Via sa buhay niya ay tila naging bangungot para kay Rhian; isa-isang nawala ang lahat sa kaniya dahil sa kagagawan ng taong pinakamalapit sa puso niya; iyon ay walang iba kung hindi ang kaniyang nag-iisang kapatid na si Via!

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Cheating
Ang lakas ng tib0k ng puso ko. Napakapit na ako sa aking dibdib dahil nararamdaman ko na ang paninikip nito. Paulit-ulit kong isinisiksik sa isip ko na baka… b-baka nagkakamali lang ako ng hinala!? B-Baka naman wala naman talaga silang ginagawang masama!? “Miss, hindi pa po ba kayo bababa?” tanong sa akin ng drayber ng taxi na sinasakyan ko. “Nandito na po tayo.” Alam ko. Alam ko na naririto na kami sa Royal East Mall kung saan ko sinabi sa drayber na ako’y bababa. Kakatapos lang ng duty ko sa ospital at sa halip na umuwi kaagad ay naisipan ko lang naman na bumili ng comfort food ko dito. Nainis kasi ako kay Steffi kanina at nagtalo kami bago ako umalis. Siya ay kapwa ko nars at siyang pinakamalapit kong kaibigan sa ospital pero kumulo talaga ang dugo ko sa kaniya dahil sa mga sinabi niya sa akin kanina. Hindi ko talaga matanggap ‘yon pero ngayon… ewan ko. Gulung-gulo ang isip ko. Hindi ko na tuloy magawa na kumibo sa aking kinauupuan habang nakatitig sa mga pamilyar na mukha na natatanaw ko mula sa di kalayuan. S-Steffi, ito ba? Ito ba ang sinasabi mo!? “S-Sandali lang po. M-Magdadagdag na lamang ako, kuya,” nauutal kong sabi at ni hindi ko man lamang siya nagawang lingunin. Ang mga mata ko ay tila nakapako lamang sa dalawang tao na nakatayo sa may entrance ng mall sa pangambang baka mawala sila sa paningin ko. Ang lalaki ay may kausap sa cellphone habang nakatitig ng may ngiti sa babaeng kasama niya. May hawak itong mga paper bags na tila ba pinamili nila. Ang babae naman ay panay ngiti din sa lalaking ‘yon! Naka-angkla pa ang kaniyang kamay sa braso nito at kung titignan ay para silang magkasintahan. Nanginginig ako. Ayaw kong mag-isip ng masama kaya lang kasi… sigurado ako! Sigurado akong ‘yon ay si Ate Via at… si Lester! A-Anong ginagawa nila dito!? “May iba pa po ba kayong pupuntahan, Miss?” tanong muli ng drayber. Hindi ako agad nakasagot dahil patuloy kong kinukumbinsi ang isip ko na nagkakamali ako ng iniisip. Na baka hindi lamang sadya ang kanilang pagkikita, ngunit bigla namang dumating ang kotse ni Lester na malamang na minamaneho ng kaniyang personal driver. Binuksan ni Lester ang pinto nito at agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita kong halikan pa sya sa pisngi ni Ate Via bago sumakay. Kitang-kita ko din na lumawak pa ng husto ang ngiti ni Lester habang pasakay din sa kaniyang sasakyan. “M-Mayroon po kuya,” tugon ko sa drayber. “N-Nakikita niyo po ba ang magarang sasakyan na ‘yon na kulay puti? P-Pwede niyo po bang sundan ang sasakyang ‘yon? Pero huwag po kayong papahalata kung pwede!?” Kumunot naman ang noo nito sa pag-aalangan nang sulyapan ako mula sa maliit na salamin na nasa harapan niya. “Susundan? Hindi po ba tayo mapapahamak d’yan? Mukhang ubod po ng yaman ang may-ari ng sasakyang ‘yan!?” “Kuya, basta sundan niyo na lang!” mariin kong sabi at napakuyom ako ng aking mga kamao na nasa aking kandungan. Namamasa ang mga mata kong nagpipigil ng pagluha gayon pa man ay buo ang loob kong malaman kung saan sila pupunta. “A-Ang nagmamay-ari ng sasakyang iyan ay walang iba kung hindi ang fiancé ko, a-at may ibang babae siyang kasama!” Tila naunawaan naman ni kuyang drayber ang sinasabi ko kaya naman muli na niyang pinaandar ang kaniyang taxi. Tulad ng sinabi ko ay sinundan niya nga ng lihim ang sasakyang iyon at sa tingin ko ay hindi naman nila kami napapansin. Tuloy-tuloy ang sasakyan nila sa pagtakbo hanggan sa huminto ito sa tapat ng isang hotel. “Miss, bumaba na sila at mukhang d’yan sila talaga sa hotel na ‘yan pupunta,” saad ni kuya drayber. Hanggang sa mga oras na ‘yon ay umaasa pa rin ako na tapat sa akin si Lester kaya naman kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko siya. Habang hinihintay na sagutin niya ang tawag ko, hindi naman sila nilulubayan ng tingin ng aking mga mata. Huminto sila sandali sa paglalakad nang malapit na sila sa entrance ng hotel. Dinukot ni Lester mula sa kaniyang bulsa ang kaniyang cellphone at tinignan ang screen nito. Nakaramdam naman ako ng panlulumo nang patayin niya ito saka pinagsanga-sanga ang mga daliri nila ng ate ko. Muli niyang itinago ang kaniyang cellphone at magkahawak ang kanilang mga kamay na pumasok sa hotel. “Miss?” ani ng drayber na tila naaawa na sa akin dahil tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. Mukhang… t-totoo ang sinasabi ni Steffi. May ibang babae nga si Lester at ang masaklap pa nito… a-ang babae niya ay walang iba kung hindi ang ate ko! Pinunasan ko ang aking mga mata at pinilit kong maging matapang. Kumuha ako ng pera sa aking wallet at iniabot ito sa butihing drayber. “Kuya, heto po ang bayad ko! Salamat ng marami sa paghatid!” “M-Miss! A-Ang laki naman po nito! Sandali! May sukli pa po kayo—” Hindi ko na siya pinakinggan pa dahil bumaba na ako ng taxi niya. Binilisan ko ang paglalakad papasok ng entrance ng hotel upang maabutan ko pa sila. “Good morning, ma’am,” bati sa akin ng magandang binibini na concierge ng hotel na ‘yon. “How may I help you?” “I just saw Mr. Lester Gocheco enter here a little while ago. I want to know which room he's in," direkta kong sabi sa kaniya. Unti-unti namang nangaunti ang kaniyang ngiti at nagkatinginan pa sila ng kaniyang mga kasamahan. “I'm sorry, ma'am, but we cannot provide any information about our clients." “P-Pero kasi kailangan ko siyang makausap ngayon din!” “Ma'am, I’m really sorry! We are just following our protocol,” agad niyang tugon sa akin. "Lester Gocheco is my fiancé! Our wedding will take place next Sunday, so please, tell me now his room number before my life goes to hell!" pakiusap ko pa sa kaniya habang nagpipigil ng aking emosyon. “I'm sorry, ma'am, but even if that's true, we still can't get involved. If you have any misunderstandings, it's better to talk to him alone,” suhestiyon ng babae at muling ngumiti sa akin na may pakikisimpatiya. Naiinis ako ngunit alam kong tulad ko ay isa lang din silang mga empleyado na sumusunod sa patakaran ng kanilang kumpaniya. Paano na ba ito? Hindi ko pwedeng palipasin ito dahil kung kukumprontahin ko sila sa ibang araw ay malamang na itanggi lamang nila ito sa akin! Hindi! Hindi ko ito pwedeng hayaan na lamang! Napabuntong-hininga ako upang pakalmahin ang aking sarili. Kailangan kong mag-isip. Ano bang gagawin ko!? “Excuse me,” ani ng boses ng isang lalaki na dumaan sa gilid ko at kinausap ang concierge. "I want to book a room. Do you have any units available? I prefer your most comfortable room. It's okay, no matter how much it costs, I'll pay it right away. I just need a place to stay for tonight." Napalingon ako sa lalaking nagsalita at ewan ko ba kung bakit pero biglang may kumirot sa dibdib ko. Sandali akong napatitig sa kaniya. Hindi ko maintindihan kaya binalewala ko na lamang. Sa tingin ko ay naaalala ko lang sa kaniya si Lester dahil mayaman siya. Ang lalaki ay isang gwapong binata; marahil nasa bente singko anyos ang edad. Kaswal lang siyang nakatingin sa babaeng kausap ko kanina. Kahit na nakasuot siya ng shades at kalahati lang ng kaniyang mukha ang nakikita ko, hindi ko maikakailang gwapo at mukhang mayaman talaga ang binatang ito. “Yes, sure, sir. We have Prestige and Executive Suites available. Both of those rooms are excellent, and we will ensure that you will have a wonderful experience during your stay here,” tugon ng babae. "On which floor are those? I'd prefer one with a nice view if possible." "They are both on the 20th floor and both have a beautiful view. But if I were to suggest, I think the manly and cozy interior of the Executive Suite suits you better," matamis na ngiti ng babae na para bang kinikilig-kilig pa. Nangunot ang noo ko at nakaramdam ng iritasyon. Masyado siyang halata na nagpapa-cute! Hmp! Sandali! Sa pagkakakilala ko kay Lester, malamang na mga ganoong uri ng silid ang kinuha niya para sa kanila ni Ate Via! Malamang na naroroon siya sa palapag na iyon! Isang kabaliwan ang bigla kong naisip. Kumapit ako sa braso ng binata na kinagulat niya. Napatingin siya sa akin at kahit na nakasuot siya ng shades ay kitang-kita ko ang pangungunot ng kaniyang noo. “Hey! Bakit ka pa magpapa-book? Di ba sabi ko hintayin mo na lang ako sa labas!?” sabi ko at pilit akong ngumiti sa kaniya habang nanlalaki ang aking mga mata. “H-Huh? Excuse me—” Natigilan siya sa pagsasalita nang pisilin ko ang braso niya. Nakatingin sa akin ang mga babae at nagtaka din sila kung ano ang nangyayari. Ngumiti ako sa kanila at sinubukan silang paniwalain, “I am with him! He is my brother.” “B-Brother— aw!” ngirit ng lalaki nang muli kong pisilin ang braso niya ng mas mahigpit pa. “S-Sir?” ani ng babae na para bang kinukumpirma nito sa kaniya ang sinasabi ko. Muli akong tinignan ng lalaki at pilit akong ngumiti sa kaniya na para bang napakainosente kong nilalang. Huminga siya ng malalim na animo’y natalo ko siya at saka muling nilingon ang mga concierge. “Whatever,” tugon niya saka binigay ang kaniyang ID at credit card. “I’ll take the Executive Suite.” Napangisi ako dahil hindi niya itinanggi. Mabuti naman! Saka ko na lamang iisipin kung paano ako magpapasalamat sa kaniya. “I-book niyo na siya! Ako naman ay aalis din maya-maya lang,” sabi ko sa kanila. “Magkukwentuhan muna kami!” Alam ko naman na hindi ako pinaniniwalaan ng mga babaeng ‘yon. Sandali nila akong sinulyapan at saka nila binalik ang tingin sa gwapong binata na nasa tabi ko. “Okay sir… Sir Ezekiel Valcarcel,” pagbabasa ng babae sa pangalan ng binata sa kaniyang ID. “You have already booked the Executive Suite. This is your keycard.” Ezekiel… Valcarcel? “Thank you.” “B-But before we assist you in going there, I just want to know— nilingon niya ako sandali at ngumiti ng peke sa lalaki— if she is really with you?" Medyo kinabahan naman ako dahil biglang tumalikod ang lalaki matapos niyang kunin ang ID at credit card niya kasama ang keycard na may nakasulat na room number at booklet ng hotel. Mariin kong naitikom ang nanginginig kong mga labi dahil sa kaba. Naramdaman ko pa na sinenyasan ng babae ang security guard, malamang para palabasin ako doon dahil nga halata namang nagsisinungaling ako ngunit, bago pa man nakalapit sa akin ang mga gwardiya, bigla namang nagsalita ulit ang lalaki. "Hindi niyo na kailangang ihatid ako sa silid na ‘yon. I can manage,” sabi ng lalaki at saka ako bahagyang sinulyapan na ikinasinghap ko. “And you, why are you still standing there? Let's go." Nang marinig ko ang sinabi niya ay magkahalong pagtataka at pagkagulat ang rumehistro sa reaksyon ko pero nang makita ko siyang muling maglakad palayo ay parang bigla akong natauhan. Hindi ko inaasahang sasakyan niya talaga ang kasinungalingan ko! Dali-dali akong tumakbo palapit sa kaniya at ang pagguhit ng ngiti sa aking mukha ay hindi ko na napigilan. Para akong nabuhayan bigla. “S-Sandali! Kuya!!!” tawag ko sa kaniya at nang mahabol ko siya ay sinilid niya ang mga kamay niya sa magkabila niyang mga bulsa kasabay ng muling pagbubuntong-hininga. “Kuya? Huh! Kuya mo mukha mo,” mahina at may inis niyang sabi. “Pasaway na babae.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SECRET AGENT; FREYAH KNOXVILLE | MR. BILLIONAIRE'S EX WIFE (TAGALOG)

read
13.7K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.5K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.3K
bc

Dangerous Spy

read
298.1K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.9K
bc

EASY MONEY

read
174.2K
bc

YOU'RE MINE

read
893.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook