Pagkatapos ilapag lahat ng waiter ang order nila ay hindi napigil ni Arnold na itanong muli ang hindi pa nasagot ni Karl na tanong niya. "Karl, ano na nga 'yung huli mong sinabi?" habang kumukuha ng kanin si Arnold. "Malabo kasi na hanggang ngayon eh dinadamdam pa ni Mommy ang pagkawala ni Daddy after lahat ng nalaman ko." sagot ni Karl na lalong nagbigay ng kuryosidad kay Arnold. Pero napansin niyang kumakain na si Karl kaya't hinayaan na muna niya itong kumain. "Sige kumain muna tayo mamaya na lang natin ituloy 'yung pag-uusap natin." sabi na lang ni Arnold na sinagot naman ng bahagyang pagtango ni Karl habang ngumunguya na ito sa unang subo nito ng pagkain. Binilisan ni Arnold ang pagkain niya sa kasabikan nitong malaman ang sasabihin pa sa kanya ni Karl. Subalit kahit tapos na siya