Habang pinagmamasdan ni Karl ang kinikilalang ama ay nakaramdan siya ng panlulumo. Naiintindihan niya ang nangyayari at alam niyang hindi mabuti ang kalagayan nito. Nais pa niyang mabuhay ang ama upang makita nito ang pagtatapos niya sa pag aaral, na kung sakaling maging doktor na siya ay ikarangal siya nito. Hindi na niya iniisip ang nakaraan, lalo na nu'ng bata pa siya, na para siyang nanlilimos sa pagmamahal nito. Lagi na lang puro paliwanag ang Mommy niya kung bakit ganu'n ang trato sa kanya ng Daddy niya. Paminsan-minsan ay pinupunan ng kanyang Lolo ang mga pagkukulang ng kanyang Daddy sa kanya, gaya ng pagbili sa kanya nito ng mga laruan nu'ng bata siya. Sinasama siya ng Lolo at Lola niya kapag namamasyal ang mga ito at nakikita niyang natutuwa ang mga 'yun kapag binabalita n'ya ang