Sa bahay ng mga Valentin ibinurol ang labi ni Lukas imbes na sa sarili nitong bahay ayon na rin sa kagustuhan ng ama nito. Nakahilera ang mga bulaklak ng pakikiramay mula pagpasok ng gate hanggang balkonahe ng bahay ng mga Valentin. Walang araw at gabi na hindi puno ang bahay at bakuran sa dami ng nakikiramay, mga taga-suporta nila, mga kilalang tao sa bayan ng San Isidro, mga kapwa pulitiko, mga kaibigan at kamag-anak. Naglagay pa ng sisiw at kaunting butil ng bigas sa salamin ng puting kabaong nito, isang pamahiin sa mga namayapa ng wala pang nakakamit na hustisya. Halos gabi-gabi ay may nag-aalay ng misa at may gabi pa ng parangal sa ikalima at huling gabi ng lamay nito dahil sa may katungkulan ito sa kanilang bayan. Abala ang pamilya Valentin sa pag-istima sa mga nakikiramay, dahil di