bc

When The Young Heart Fails

book_age18+
796
FOLLOW
9.7K
READ
badgirl
sporty
drama
tragedy
bxg
captain
campus
disappearance
poor to rich
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Yes, I grew up with a gold spoon in my mouth. I have everything that I need and want. A lot of friends, power, fame, and a lot of suitors. I was happy in my whole eighteen years of existence until my mother died due to my father's fault. He cheated on us and he married another woman. That day my life has been miserable that's why I disobey my father.

I loved the man that he hated..

chap-preview
Free preview
Prologue
Author's note: This story is not affiliated with other Universities and Airline Companies. All the incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. If you haven't read my first story UNTIL WE MEET AGAIN, please read it first before you read this story to avoid some confusion. Thank you! – "On behalf of our flight deck crew and the rest of the team. We thank you for choosing SkyAsia, your Airline of choice. Have a great day." Nakatayo ako sa gilid at nginingitian ang bawat pasaherong bumaba na ng eroplano. Paminsan-minsan ay tumutulong ako kapag may nakikitang nahihirapan sa buhat nilang bagahe. Nasa California kami ngayon at dalawang araw magi-stay rito. Kahit pagod ay susulitin ko ang dalawang araw na 'yon para lang mahanap ang Lawyer ni Daddy. Hindi ko alam kung paano ko siya hahanapin dito pero at least ay alam kong narito siya sa California. "Nag-aaya kumain si Rein, kain muna tayo?" tanong sa akin ni Claire, isa ring Flight Attendant na kagaya ko. Nakababa na lahat ng pasahero at kita ko na rin ang mga naglalabasang mga first officer at co-pilot doon. "Yeah, sure." sagot ko pagkatapos ngumiti ng malapad. Mahaba ang byahe namin papunta rito sa California, gusto ko sana matulog at magpahinga agad pero nakaramdam din ako ng gutom. "Let me help you love," narinig kong sabi ni Zayne at agad kinuha ang maletang hila-hila ko. Siya ang Piloto namin ngayon at isa rin siya sa mga nanligaw sa akin noon. Siya ang tumulong sa akin makapasok sa SkyAsia dahil partner ang Pamilya niya sa company na iyon. Natawa siya nang samaan ko siya ng tingin. Magkaibigan na kaming dalawa dahil hindi naman nag-work ang panliligaw niya sa akin ng ilang taon noong nasa college pa kami. Mas maganda na rin na magkaibigan na lang kami para maiwasan ang iwanan. "Do you want me to help you to find the Lawyer here?" seryoso na niyang sabi. Mabilis akong umiling. Ako na lang ang maghahanap, isa pa maaabala ko lang siya sa Family reunion nila rito. Isang linggo siya rito sa California kaya hindi siya ang magiging Piloto namin pag-uwi sa Pilipinas. "No. You should enjoy your one week vacation here. Ako na ang bahala," sagot ko sa kaniya. Hindi naman na siya kaagad nakasagot dahil pumasok na kami sa service na sasakyan papunta sa Hotel. May mga kasama kaming mga co-flight attendant at co-pilot doon, sila Rein at Claire naman ay busy na sa mga phone nila habang sine-set up. Nang makarating kami sa Hotel ay agad akong nagbihis. Mabuti na lang talaga ay may dinala akong pang-winter na outfit kaya iyon kaagad ang sinuot ko. "Cheska, hindi ba talaga kayo ni Captain Legazpi?" natatawang tanong ni Rein. Silang dalawa ni Claire ang room mate ko. Sa tagal ko na rin na nagtatrabaho kasama sila ay hindi pa rin sila naniniwala na wala kaming relasyon ni Zayne. "How many times do I have to tell you girls. Hindi nga kami," natatawang sabi ko sa kanila habang tinitignan ang sarili sa salamin. "But, niligawan ka niya hindi ba? Anong nangyari? Si Claire naman ngayon ang nagtanong. Tumango ako at napabuntong hininga habang hinihintay silang matapos sa pagbibihis. "Zayne is important to me. Mas gusto ko siyang i-keep bilang kaibigan," sagot ko at nagkibit ng balikat. Nang makita kong tapos na sila ay nauna na akong lumabas ng room. Nagulat pa ako nang makita kong naroon si Zayne na mukang naghihintay sa akin. Hindi ko alam kung saan kami kakain at sobrang lamig pa dahil winter dito ngayon. "Anong oras ka aalis?" tanong ko sa kaniya at sumunod sa paglalakad. Nasa likuran na rin namin sila Claire at Rein kasama ang iba pang crew. Sa harapan namin ay ang mga first Officers, sinundundan namin. "After we eat. Sasama lang ako to meet my replacement Pilot and other teams there," sagot niya. Napatango naman ako. Hindi pa siya nagpapalit ng damit niya at suot niya pa rin ang uniform niya. Pinatungan niya lang iyon ng long coat na bumagay naman sa kaniya. "How about you? Gusto mo ba sumama muna sa akin?" natatawang tanong niya. "No, Z. Alam mo namang kailangan kong mahanap ang Lawyer ni Daddy," sabi ko at bahagyang nalungkot. Hindi ako pwedeng malawan nang pag-asa dahil iyon lang ang tanging paraan para malaman ko kung wala ba talaga akong napala sa mga ari-arian ni Daddy. Hanggang ngayon lang din talaga ay hindi ako naniniwala na kahit ano ay walang iniwan para sa akin si Daddy bago siya mamatay. Masyado lang talagang sakim at ganid ang Veronica na ipinalit niya kay Mommy. Nang makarating kami sa restaurant ay tsaka ko pa lang inayos ang phone ko. Nasa mahaba at malaking table kami dahil sasama nga raw ang ibang team sa amin. May kaniya-kaniyang mundo ang mga kasama namin ni Zayne habang hinihintay ang team na papalit sa kaniya pauwi ng Pilipinas. "What if my replacement Pilot is your Ex-boyfriend?" bulong ni Zayne dahilan nang pagkalabog ng dibdib ko. Kasabay nang paghampas ko sa balikat niya ay ang pagdating ng Team na sinasabi nila. Para bang huminto ang paligid ko nang maagaw ng tingin ko ang lalaking naka-white turtle neck at winter coat. Kumalabog muli ang puso ko nang magtama ang mga tingin namin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. "It's just a what if. Bakit parang nagkatotoo?" muling bulong ni Zayne at narinig ko pa ang pang-asar niyang tawa. "Oh.my.gosh? Why is he so hot?" narinig kong bulong-bulungan ng mga babaeng kasama ko roon. Para bang gusto ko na lang maglaho sa kinauupan ko at nagsisimulang pagsisihan ang pagsama pa sa kanila ngayon. Sana pala ay nanatili na lang ako sa Hotel room! Hindi ko lang din matanggap na ngayon at sa ganitong set up pa kami muling magkikita! Tumikhim si Zayne at tumayo para salubungin ang mga 'yon. Yumuko na lang ako at nagkunwaring inaabala ang sarili sa phone kahit pansin ko ang panginginig ng kamay ko. "Good afternoon, Captain Ford. Nice seeing you again," narinig kong bati ni Zayne. Hindi ko alam kung mag-aangat ba ako ng tingin pero dahil tinapangan ko ang sarili ko ay pinilit kong magtaas ng tingin sa kanila. I also saw Francine, looking at me and when she realized that I was looking at her too, she gave me a smile. Hindi ko alam na sa iisang kompanya lang pala kami nagtatrabaho dahil madalas ang magkakaiba kami ng grupo. "Kilala ni Captain Legazpi? So, kilala mo rin?" tanong sa akin ni Rein na katabi ko. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil abot na ang tahip ng dibdib ko. "Nice seeing you two, Captain Legazpi and Ms. Montanez," mas kumalabog ang puso ko nang banggitin nito ang last name ko. "Oh my gosh! Magkakakilala kayo, Captain?" Si Claire na hindi na napigilan ang pagtatanong. Napabuntonghininga na lang ako at hindi na pinansin pa ang mga sinabi nila roon. Nagpakilala kami sa isa't-isa pagkatapos ay inabala ko na ang sarili sa menu. Pakiramdam ko tuloy ay nawala ang gutom na nararamdaman ko dahil sa tapat ni Rein umupo si Captain Ford. Hindi masyadong malapit iyon sa akin pero abot pa rin ang tahip ng puso ko. "Hi, Cheska!" masayang bati sa akin ni Francine na ngayon ko lang napansin na nakaupo pala sa harapan ko. Mas gumanda siya ngayon at mas maganda ang kulay morena niyang kutis. Naka-bun ang itim niyang buhok at kita ang saya sa bilog at maganda niyang mata. Nakasuot din siya ng pang-winter outfit kagaya ko. Tumikhim ako, "H-Hi," nauutal na bati ko. We're not friends back then, bukod sa hindi ko siya ka-vibes noon ay mas matanda siya sa akin. All i can remember is, I was rude to her years ago. Masyado kasi siyang mabait at para bang ang dali-dali lang sa kaniya ng buhay kahit ang totoo ay hindi naman. Iyon ang isa sa mga insecurities ko sa kaniya dahil hindi ko kayang kimkimin ang mga problema ko noon. Pero ngayon ay wala naman akong pakialam dahil marami nang nagbago sa akin. Inabala ko ang sarili ko sa phone ko para lang makaiwas sa hindi komporableng atmosphere rito. Nang maayos ko ang phone ay isa-isa akong nag-text sa dalawa kong kaibigan na hindi ko naman madalas gawin. Mabuti na lang din ay dumating ang pagkain at sa akin na muling nabaling ang atensyon ni Zayne. "Ayos ka lang?" tanong niya. "Mukha ba akong okay?" sarcastic kong tanong sa kaniya. Napangisi naman siya at bahagyang natawa. Inirapan ko lang naman siya at sa pagkain ko lang itinuon ang mga mata ko. "Ilang taon ka na nagtatrabaho, Capt?" Tanong ng isang co-pilot namin doon. "Almost seven years," sagot ni Captain Ford. Gusto kong mapairap pero pinigilan ko ang sarili ko. It's been almost seven years after he left me without even saying goodbye at ngayon parang wala lang sa kaniya! "Ah, so may naging girlfriend ka naman bago ka umalis?" tumatawang tanong ni Rein. Nasamid ako kaya halos matigilan silang lahat pero nakabawi rin kaagad. Binigyan ako ng tubig ni Zayne at bahagyang hinagod ang likod ko. Minsan talaga 'tong si Rein may maitanong lang e! "I think nothing? And kung meron man, hindi ko 'yon sineryoso." sagot niya na halos ikakulo ng dugo ko. Humigpit ang hawak ko sa baso at mabilis na uminom ng tubig. Nararamdaman ko na rin ang pagbilis ng paghinga ko kaya agad akong tumayo. Napatingin naman sa akin si Zayne at kita ko ang pag-aalala sa muka niya kaya agad akong umiling. "Powder room lang," paalam ko at agad nang umalis doon. I lost my appetite and I don't wanna come back there. Ang kapal naman ng mukha niyang sabihin 'yon harap-harapan?! At proud pa talaga siyang hindi niya ako sineryoso huh? Pagkatapos lahat nang pagpapakatanga ko sa kaniya noon, sisiguraduhin kong hinding-hindi na ulit mangyayari 'yon! Paglabas ko ng powder room ay halos mapaatras ako nang makita ko siyang nakatayo at nakasandal sa gilid. Mabilis din akong nakabawi at taas noong naglakad palabas ng powder room. Wala akong pakielam kung ano man ang ginagawa niya rito. Hindi pa ako nakakalayo ay agad na akong nakaramdam ng kamay na humila sa akin. Nanlaki ang mga mata ko bago tuluyang sumubsob ang muka ko sa dibdib niya. Naramdaman ko naman ang kamay niyang lumapat sa bewang ko pero hindi ko hinayaang magtagal iyon at agad ko siyang tinulak palayo. "How are you?" kalmadong tanong niya at pilit akong hinawakan. Hinawa ko ang kamay niya, "f*ck you!" mariing sabi ko sa kaniya pagkatapos siyang iniwan doon. Pagkatapos niyang ipamukha sa akin na niloko niya lang ako, may lakas loob pa siyang itanong kung kumusta ba ako?! Bullsh*t! NANG matapos kaming kumain ay bumalik ako sa hotel, si Zayne naman ay hindi na ako kinulit pa dahil alam naman niya ang dahilan kung bakit ako busangot sa araw na 'yon. Sa dalawang araw na naroon ako ay inabala ko ang paghahanap kay Atty. Mendez, ang alam ko ay nasa hospital siya pero hindi ko siya nakita sa mga hospital doon kaya sobrang lungkot ko nang pauwi na kami. "Cheska, hinahanap ka ni Mr. Lee. May ibibigay na naman yata sa'yo," humagikhik ng tawa si Rein. "Sana all! Punong-puno na yata ng mga bag yung closet mo," natatawang sabi naman ni Claire. Natawa na lang din ako at napanguso. Si Mr. Lee ay madalas na pasahero namin at lagi niya akong binibigyan ng mga mamahaling gamit tulad ng mga bag. Businessman siya at kung kaedad niya si Daddy kung nabubuhay pa. "Pakasalan mo na kasi, Cheska!" muling humagalpak ng tawa si Rein kaya nag-dirty finger ako sa kaniya. Nasa secret stairway kami. Matutulog sana ako pero patuloy ang pag-uusap ng dalawa. Mamaya pa ang duty namin at hindi pa rin maalis sa isipan ko si Atty. Mendez, siya lang ang pag-asa ko ngayon dahil hinding-hindi ako matatahimik. That company is mine at hindi para 'yon kay Veronica! "Ms. Cheska, Captain Ford wants you to serve their foods," isang flight attendant ang pumasok doon. Aangal sana ako dahil hindi ko naman duty iyon pero hindi ko magawa dahil madalas ko namang ginagawa iyon kay Zayne. "Oh my gosh! Did he really requested that? Ang haba ng hair mo girl!" kinikilig na sabi ni Rein. Napairap ako at napabangon. Inayos ko ang nagusot kong damit at muli kong sinuot ang scarf ko bago lumabas doon. May nakahanda nang pagkain at iseserve na lang. Alam kong sinasadya niya ito pero wala lang talaga akong magawa! Kabado akong nagpunta sa cockpit, nasalubong ko pa si Francine na nakangiti kaya ngumiti rin ako dahil baka makita ng mga pasahero na busangot ako. Nang makarating ako sa cockpit ay ang first officer ang nagbukas sa akin kaya dahan-dahan akong pumasok doon. "Thanks Ms. Montanez. Did you eat your meal too?" mahinanong sabi ni Captain Ford habang ang mga mata ay nasa mga monitor doon. "Yes. Thank you," sagot ko at agad nag umalis doon. Napailing ako dahil nakaramdam ako ng kirot sa puso. Bakit pakiramdam ko ay hindi pa siya natitigil na paglaruan ako?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
93.5K
bc

His Obsession

read
73.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook