Chapter 1

2130 Words
Francheska I covered the menu on my face when I saw the woman who's with my father. Nag-init kaagad ang dugo ko, gusto kong sugurin ang babaeng 'yon at sumbatan. Because of her, my Mother died. Dinibdib niya ang sakit kaya maaga akong nawalan ng Ina. I lost my Mother because of her! Ang tanging nag-iisang kakampi ko sa buhay! Nawala 'yon nang dahil sa kaniya! "Hey are you sure about this?" nag-aalalang tanong ni Riva sa akin. Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko. I should be strong now because my Mother didn't want me to see crying. "Gusto ko rin 'yang gagawin mo.. but, I'm still worried, Cheska,” Millan said and then shrugged after he sipped on his frappe. Sa babae ni Daddy ang restaurant na ito, wala pang masyadong tao at pinili ko talagang gawin 'to nang hindi maraming tao. Ayaw ni Mommy na gumawa ako ng kahit na ano about sa babae ni Daddy. Iyon ang kabilin-bilinan niya bago siya mawala. Pero hindi ko kaya, dahil kung hindi nakapagsalita noon si Mommy, ako ang magsasalita ngayon. I want to fight for my Mother! Alam kong marami siyang gustong sabihin pero hindi niya nabigyan ng pagkakataon ang sarili para sabihin ang mga hinanakit niya. "Cheska, your Daddy's left na," Riva whispered. Dahan-dahan kong binaba ang menu, may order na akong frappe pero hindi ko ininom 'yon. Huminga ako ng malalim at mas nilakasan ang loob "Let's go," sabi ko at tumawa habang mahigpit na kinuha ang frappe na nasa table. Mabilis namang sumunod ang dalawa sa akin pero agad akong pinigilan ni Riva kaya inis akong napabaling sa kanilang dalawa. "Oh my gosh, Cheska! Wag na lang kaya?" kabadong sabi ni Riva habang hawak ang siko ko. "Shut up, nandito na tayo tapos aatras pa?" iritado na sabi ko at inirapan ang kaibigan dahil wala ng makakapigil sa gagawin ko ngayon. Sana ay hindi kaagad dumating si Daddy para naman matuloy ang plano ko sa babae niyang mukhang pera. Kumukulo talaga ang dugo ko kapag nakikita ko siya kaya alam ko sa sarili ko na hinding-hindi ako makakapigil ngayong araw. Sabihin na nilang hindi tama ang gagawin ko pero wala na akong pakialam, tutal ay hindi rin naman nila naisip na hindi tama ang panloloko nila sa Mommy ko. "Hi!" bati ko at pilit na itinago ang galit na nararamdaman. I sarcastically smiled at the old woman. Mukhang nagulat siya pero sa huli ay ngumiti sa akin na para bang maamong tupa at hindi gagawa ng hindi maganda. I bet she didn't know me and I kinda like that! Nang makita ko ang pagbuka ng bibig niya ay agad ko na siyang inunahan sa pagsasalita. "I heard you're the owner of this restaurant? I want the food but the ambiance here isn't good. Nakakawala ng gana," sabi ko bago ngumiwi at tumingin sa frappe na hawak ko. Kita ko ang panginginig ng kamay ko hindi dahil sa kaba, kundi ay ang pagkagigil sa kaniya. Ramdam ko ang mga kalabit sa akin ng dalawang kaibigan pero hindi ko iyon pinansin. "Cheska let's go," bulong ni Riva sa likod ko. Natawa si Veronica at mukhang nagulat sa sinabi ko. "Oh? Okay! Thank you for your feedback, I'll make sure we will improve the ambiance-" I cut her off. "No, you don't have to. Hindi naman na kami babalik dito and isa pa, this restaurant is cheap.. like you.." diretso kong sabi at tuluyan na ngang hindi napigilan ang sarili sa pagiging pranka. Kita ko ang pag-awang ng labi niya. Hindi ko alam kay Daddy kung ano bang nagustuhan niya sa babaeng ito eh hindi naman kagandahan at kitang-kita ko na marami siyang wala na meron kay Mommy. Napaayos siya ng upo at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko, napangiti ako ng tipid sa kaniya at nagkibit ng balikat bago pinasadahan ang hindi kagandahang Restaurant niya. I'm sure, pera ni Daddy ang ginamit niya para magkaroon siya ng ganito. "Okay? Who are you?" tanong niya at nagtaas ng kilay sa akin. "Omg! You didn't know me?" tanong ko at kunwaring nagulat pagkatapos ay itinakip ko pa ang dalawang palad sa bibig ko. Nilapit ko ang muka ko sa kaniya at tinuro ang sarili, talagang hindi nga niya ako kilala. Sabagay kahit kilala naman niya ako sigurado akong papatulan niya pa rin si Daddy! "Magtatanong ba ako kung kilala kita?" she sarcastically asked. Napangisi ako, 'yan! Ganyan ang gusto kong makita! Ang tunay na ugali niya. "Alam mo Miss, I didn't know you at binabastos mo na ako. I can throw you out of here," sabi niya at kita ko kaagad ang pagdaan ng iritasyon sa mukha niya pagkatapos itinuro ang pintuan. Siya naman ngayon ang tinaasan ko ng kilay. Napatingin ako sa dalawang kaibigan na bubulong-bulong sa likuran ko na huwag ko nang ituloy ito. Narito na ako, nasa harap na ako ng babaeng ipinalit sa amin ni Mommy, aatras pa ba ko? "Hindi mo ako kilala? Pwes, magpapakilala ako sayo," pagtataray na sabi ko sa kaniya pagkatapos ay umayos ng tayo. Gulat na gulat siya sa inasta ko, nakataas na ngayon ang kilay niya at mukhang malapit nang sumabog sa galit. "I'm Cheska Louise Montanez, the daughter of the man that you stole from my Mother!" halos taasan ko ang boses ko roon para sadyain na marinig ng lahat ang sinasabi ko. Laglag ang panga niya at muli siyang napaayos ng upo habang tumitingin sa mga taong naroon. Hinalo ko ang frappe na hawak ko gamit ang straw, hindi pa ako tapos. "Sayang naman 'tong Frappe na binili ko, pero mas sayang ang pera na binibigay sayo ng Daddy ko," bastos na sabi ko sa kaniya at kasabay nito ang pagbuhos ko sa ulo niya ng frappe. Natawa ako nang kumalat iyon sa ulo niya pababa sa muka niya. "Cheska!" gulat na sabi ni Milan at hinila ako palayo roon pero mabilis akong pumiglas. Gulat na gulat pa rin si Veronica hanggang ngayon at hindi siya kaagad nakagalaw. Ang mga staffs niya ay napalapit sa kaniya at agad siyang binigyan ng tissue ng mga ito. May mga customer din na napatingin na rin sa amin at nang-uusisa. "Miss! Bawal yan!" sabi ng isang guard at mas lalo akong nilayo roon kasama sila Milan at Riva. "Miss tara na sa labas," mahinahong sabi ng isa pang guard doon. Nagulat ako nang may humawak sa siko ko at pilit na nilalayo ako roon. Nakita kong isa rin iyon na guard sa restaurant. Napangisi naman ako habang tinatanaw si Veronica dahil sa itsura niya ngayon, nakakahiya hindi ba? Well, she really deserves to be shamed! "Cheska?!" narinig kong tawag ni Daddy at bakas sa boses niya ang pagkagulat. Bigla siyang dumalo sa babae niya na mangiyak-ngiyak at mukang nagpapaawa habang nagpupunas doon. Best actress! "Get the hell of your hand out of me!" sigaw ko habang pumipiglas sa dalawang guard na mahigpit ang hawak sa akin. Hindi ko na rin talaga napigilan ang sarili na gumawa ng iskandalo roon. Nakita kong may dumaang galit sa mata ni Daddy pero nawala rin 'yon nang sinalubong ko ang galit niya. Wala na akong pakialam kung ikahihiya o itatakwil niya ba ako dahil lang sa ginawa ko sa babae niya. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay at least nagawa ko ang isang bagay na matagal ko nang gustong-gustong gawin. "She's my daughter. Let her go," utos ni Daddy kaya mabilis na tinanggal ng guard ang kamay sa akin. Sinamaan ko ng tingin ang dalawang guard na 'yon dahil nasaktan ako sa mahigpit nilang pagkakahawak sa akin. Nanahimik naman ang dalawang kaibigan ko sa gilid at kita ko sa mga mata nila ang pag-aalala. "Cheska, we need to talk," seryoso at mahinahong sabi ni Daddy habang nakatingin sa akin. Umamba siyang lumapit sa akin pero agad akong umiling at mabilis na tumalikod para makaalis doon, nagtatakbo ako para hindi na niya ako maabutan. Hinding-hindi ako makikinig sa kaniya at ayaw ko siyang makausap! "Cheska!" tawag ng mga kaibigan at agad akong napayakap sa kanilang dalawa. Kahit ilang beses kong sabihin na hindi na ako iiyak, hindi ko nagagawa dahil sa huli umiiyak pa rin ako. I remembered my Mother when she's still alive, lagi ko siyang nakikitang umiiyak mag-isa sa kwarto nila ni Daddy at kapag tinatanong ko kung anong problema ay sinasabi niyang wala. Lagi siyang nakangiti kapag kasama niya ako, kahit nararamdaman kong may problema siya at malungkot siya. Sinasabi niyang okay lang siya kahit hindi naman talaga. She choose to hide her pain instead of telling me and I hated that. Isang araw napadaan ako sa kwarto nila ni Daddy. She's crying while smelling of my Father's clothes. Masakit para sa akin na makita siyang umiiyak, sino nga ba namang anak ang hindi masasaktan kapag nakikita mong umiiyak ang magulang mo. I know what's happening with my Family. My father have a mistress and I saw it with my two eyes. My Mother didn't tell me anything, she thought I had no idea what's happening but the truth is, I know everything. Tingin ko ay kaya lang itinatago ni Mommy ang totoo para hindi ako masaktan at para solohin niya ang sakit na ginawa sa amin ni Daddy. It's really hurts, pinagpalit kami ng sarili kong Ama sa iba. Niyakap ko siya dahil gusto kong pagaanin ang nararamdaman niya. "Cheska, promise me that you will pursue your dream. Sayo ang kumpanya natin at huwag mong hahayaang mapunta sa iba," she said while wiping my tears. "Mommy stop saying like that!" inis na sabi ko sa kaniya. "You should be a strong sweetie for me okay?" She smiled but I could see the pain and sadness in her eyes. I don't wanna hear those words from her, para ba siyang naghahabilin sa akin at ayaw ko 'yon! "No, Mommy. You should be strong for me," mas lalo akong napahagulhol ng iyak. "Cheska, I'm weak now. I'm tired of everything and I wanna rest-" sabi nito at agad na napailing ako dahil masyadong masakit iyon para sa akin. My Mother is tired of everything, mahal na mahal ko siya at ayokong nakikita siyang nagkakaganito. "Mommy am I not enough for being your strength? Why don't we be strong for each other?" malungkot na tanong ko habang pinipigilan ang mga luha sa mata. "You are enough for me baby, you're always my strength. Don't forget that," sabi niya at hinaplos ang pisngi ko kaya hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha. "Sweetie I have a cancer, stage four," walang prenong pagtatapat niya sa akin pagkatapos hawakan ang kamay ko. Laglag ang panga ko sa narinig mula sa kaniya. Umiling ako, bakit hindi niya agad sinabi?! Nagsimula akong mataranta dahil alam kong hindi basta-basta ang cancer at alam kong hindi ko kayang mawala si Mommy, siya na lang ang natitira sa akin. I know my Father is there but I don't wanna be with him. "W-we can call a doctor! Gagaling ka Mommy. I'm gonna say this to Dad-" "No sweetie, don't please. I can't fight this anymore," nanghihinang niyang sabi. Pansin ko rin na pumapayat si Mommy at lagi siyang maputla pero iniisip kong dahil 'yon kay Daddy, na malungkot siya at hindi makakain. Lagi ko siyang pinipilit kumain pero minsan ay hindi tinatanggap ng sikmura niya 'yon. "Mom, please fight for me!" humahagulgol na iyak ko. Napangiti siya at muling pinunasan ang mga luha ko. "I wish I could baby, but I can't take all this pain anymore,” nanghihina niyang sabi pagkatapos ay ibinaba ang kamay niya. Kahit masakit tinanggap ko, alam kong dinidibdib niya ang panloloko sa kaniya ni Daddy kaya mas lalo rin siyang nanghihina. Sinamantala ko ang mga araw para makasama siya, gusto ko lagi akong nasa tabi niya. I didn't even tell to my Father of my Mother's condition because that's her wants and I wanna respect that. Isa pa, mas lalo lang masasaktan si Mommy kapag nakita pa niya si Daddy. "Cheska, please wag kang gagawa ng bagay na hindi maganda kapag nawala na ako," biglaang bilin niya habang nag-aayos ako sa kwarto niya. Napatingin ako sa kaniya, hindi na siya umiiyak ngayon pero bakas pa rin ang lungkot sa mga mata niya. Hindi ko maipapangako iyon sa kaniya dahil sisiguraduhin kong paghihirapin ko ang babae ni Daddy balang araw. "Mom please don't say that. Hindi ka pa mawawala okay?" sabi ko at sa kaniya. Gabi-gabi kong pinag-darasal na sana humaba pa ang buhay ni Mommy para makasama ko pa siya at sa bawat umaga na naimumulat ko ang mga mata ko at nakikita siyang gumigising ay nagkakaroon ako ng pag-asa. Pinagpapasalamat ko 'yon sa Diyos dahil ibinibigay niya ang mga dasal ko na sana makasama ko pa nang matagal si Mommy. Pero isang araw nagulat na lang ako na wala na siya. "Mommy!!" I screamed because of the sadness and the pain that I felt. I can't.. Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang mag-isa. Iniwan na ako ni Mommy, wala na siya. At kahit kailan hindi na siya babalik pa! Mula sa araw na 'yon ay unti-unti kong naisip ang mga panahon na sinayang ko noong malakas pa siya na dapat ay kasama siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD