Chapter 2

2169 Words
Chapter 2 Galit at sakit ang nararamdaman ko, kaya nagkasakit si Mommy dahil sa pag-iwan sa kaniya ni Daddy. Dinibdib niya 'yon at hinayaan na lang lumala ang nararamdaman niya, hindi ko naman siya masisisi. Para sa akin, masakit din ang ginawa sa amin ni Daddy, pero kung sana ay lumaban lang si Mommy edi sana ay may kasama pa akong Ina ngayon. Kaya naman namin mamuhay nang wala si Daddy at kaya naming maging masaya kung tuluyan na nga kaming iniwan at pinag-palit sa iba. "Cheska, Condolence." Napakasakit marinig ang mga salitang 'yan pero kailangan kong tanggapin. Hindi na ako natutulog at nawawalan akong gana na kumain dahil gusto ko nasa tabi lang ako ni Mommy. "Cheska magpahinga ka muna," Tita Emelda said. Mommy siya ni Riva at siya lang ang tumutulong sa akin habang nakaburol si Mommy. Hindi ko alam kung nabalitaan na ni Daddy pero umaasa ako na wag na lang dahil hindi ko kayang makita pa siya rito. Umiling ako kay Tita Emelda, ayokong magpahinga dahil pakiramdam ko mas lalo lang akong manghihina. "Kailangan mo magpahinga Hija, hindi gugustuhin ng Mommy mo na makita kang ganyan," nag-aalang sabi ni Tita. Tinignan ko ang hawak kong urn kung nasaan ang abo ni Mommy. Hindi ko kayang bitawan 'to, hindi ko kaya. I'm just eighteen years old, walang alam sa gawaing bahay dahil nasanay akong laging inaasikaso ni Mommy. Sino na lang ang makakasama ko sa mansion? Ang mga kasambahay? Sa tingin ko aalis na rin ang mga 'yon dahil wala nang magpapasweldo sa kanila dahil wala naman si Daddy roon. "Cheska, anak." Humigpit ang pagkakahawak ko sa urn nang marinig ko ang boses ng Ama sa likuran. Bakit siya nandito? After what he did to my mother he still have a guts to go here? Hindi ko pinigilang itago ang inis at galit na nararamdaman ko nang bumaling ako rito. "What are you doing here?" matapang na tanong ko sa kaniya. I saw pain in his eyes when he saw the urn that I was holding, bakas doon ang panghihinayang niya at hindi ko matanggap na ang dati naming masaya at buong Pamilya ay talagang nawala na. Unti-unting bumuhos ang luha ko dahil nasasaktan ako sa mga nangyari. "B-bakit hindi niyo sinabi sa akin?" Nanginginig ang boses ni Daddy nang magtanong siya. "For what? To pity her?" tanong ko at hindi maiwasang makaramdam ng galit. Umiling siya at kita ko ang unti-unti ring pagtulo ng mga luha niya. Bakit nagagawa niyang umiyak kung siya naman ang nang-iwan at nanakit sa Mommy ko? But after all, he's still my father and I don't wanna see him crying! Kahit gaano pa kalala ang kasalanan na nagawa niya sa amin ay Ama ko pa rin siya. "Please Dad just leave, I don't wanna see you here. Bumalik ka na sa bagong pamilya mo," pagod at umiiyak na sabi ko habang hindi nakatingin sa kaniya. Pinunasan ko ang mga luha ko bago siya talikuran at mas lalong hinigpitan ang hawak na urn ni Mommy. "Anak, paano ka? Hindi kita pwedeng iwanan-" "You already did! So please leave!" hindi ko naiwasang magtaas ng boses. Nilapitan siya ng Daddy ni Riva at kinausap. Agad naman akong dinaluhan ni Tita Emelda at ni Riva dahil mas lalo lang akong naiyak. – Halos maiyak ako habang niyayakap ang mga damit ni Mommy. Bawat sulok ng mansion ay may alaala naming tatlo nila Daddy. Ang mga ala-alang pagluto niya ng paborito kong ulam, ala-alang sabay-sabay kaming kumakain na tatlo. Ang living area na madalas kaming nagba-bonding at ang swimming pool na muntikan na akong malunod dahil sa paglilikot ko kaya halos matakot sila sa pag-aalala. Pero unti-unti ring nawala 'yon nang mabilisan. Hindi ko alam kung anong naging dahilan, basta gumising na lang ako isang araw na pinag-palit na kami ni Daddy sa iba. Tita Emelda decided to accompany me here for a while, good thing my father paid our maids that's why they are still here and still have work. Kailangan kong mag-isip dahil hindi pwedeng dito ko na patirahin sila Riva. Pwede naman sa akin, walang problema. Kaya lang mayroon din silang sariling negosyo na kailangan tutukan at ayoko naman na mas maabala pa sila dahil lang sa akin. "Cheska, don't cry na. Everything will be alright," Riva tried to comfort me. It was helpful that they are here. Naiibsan ang pangungulila ko kapag kasama ko si Riva at ang Pamilya niya. "What's your plan Cheska?" Tita Emelda asked. "We can help you financially but we can't stay here for too long," may bakas na lungkot sa boses ni Tita Emelda. "No, no Tita. I don't need money," sabi ko at mabilis na umiling. I have so many cards from both of my parents. I also have trash funds. I have weekly allowance at nasisigurado kong hindi naman ako pababayaan ni Daddy. "I'm okay here Tita, don't worry. I understand you," ngumiti ako dahil sobra-sobra na ang naitulong nila sa akin. "Why don't you live with your Daddy hija?" maingat na tanong ni Tito Renato, Daddy ni Riva. "No! Ayokong makasama ang pinalit niya sa Mommy ko," sagot ko at umiling-iling dahil kahit anong mangyari ay hinding-hindi ako titira kasama si Daddy at ang Veronica na 'yon. "Oh okay Hija, pero kaya moba mag-isa rito?" muling tanong ni Tita Emelda. "Mom, ako na lang kaya ang sumama sa kaniya rito? Besides, ang layo-layo ng bahay natin sa school," si Riva na sumabat sa usapan. Maganda ang idea ni Riva pero hindi namin alam kung papayag sila Tito and Tita kaya sabay kaming napatingin sa kanila para tignan kung ano ang magiging desisyon nila. "Okay, I let you two live together here pero kailangan ko si Rafael dito para mabantayan kayong dalawa," ani Tito Renato. "But Daddy, kuya Rafael has his own condo na right?" muling tanong ni Riva. Kuya Rafael is her brother. Fourth year college na ito sa susunod na pasukan, samantalang kami ni Riva ay first year college pa lang. Wala akong problema kung dito rin mananatili si Kuya Rafael dahil close rin naman siya sa akin at para na rin kapatid ang turing niya sa akin. "Kailangan niyo pa rin si Rafael dito. I know you're both in a legal age now but you still need a guidance from Rafael," sabi ni Tita Emelda pagkatapos ay tumingin kay Tito. Kita ko ang lungkot sa muka ni Riva dahil parehas naming alam kung gaano ka-istrikto sa amin si Kuya Rafael. Pero parehas kaming walang magagawa dahil iyon ang kondisyon ng mga magulang niya kaya sumang-ayon na lang ako. "We have no problem with that, Tita." Sagot ko pagkatapos ay ngumiti. Tumango si Tita, sang-ayon din siya sa gusto namin. Isa pa sila lang talaga ang malalapitan ko dahil wala rito ang mga relatives ko. I tried to sleep that night but I couldn't. Hindi ko mapigilang umiyak dahil miss ko na kaagad si Mommy kaya magdamag lang yata akong nakatingin sa Kisame. Napatingin ako sa cellphone ko na kanina pa tumutunog, wala sana akong balak sumagot ng kahit na anong tawag ngayon galing sa mga kaibigan at sa ibang mga manliligaw pero natigil ako nang makita ang nakarehistrong number doon. It's my Dad. Ayoko sanang sagutin 'yon dahil alam kong pagagalitan niya ako sa ginawa ko kay Veronica pero para bang may buhay ang mga daliri ko na kusang pumindot para sagutin iyon. "What?" sagot ko. "Anak can we meet tomorrow? Please," may halong pagmamakaawa ang boses ni Daddy. Huminga ako ng malalim, hindi ko alam kung papayag ba akong makipagkita sa kaniya. Kahit ayaw ko, pumayag na lang ako, isa pa kailangan kong alamin ang lahat bago ako magsimula ng panibagong buhay. Kinabukasan nagpaalam ako kila Tita Emelda na makikipagkita kay Daddy. We have drivers here kaya magpapahatid ako roon. Si Riva naman ay pinasama ni Tita sa akin. "Sa ibang table na lang ako Ches, ha? Para may privacy kayo ng Dad mo," paalam ni Riva. "Okay then," nakangiting sagot ko sa kaniya. Sa isang Italian restaurant ang napili ni Daddy na magkita kami. I'm not late but I already saw my father at the table. Humiwalay na rin sa akin si Riva para maka-order ng sarili niyang pagkain. Daddy give me a kiss on my forehead, tipid na ngiti lang ang binigay ko sa kaniya. For the past few weeks I've been cold to him and I can't blame myself for doing that. Hindi pa ako lubusang nakaka-move on sa lahat. Nag-order muna kami ng food, hindi naman ako gutom pero nag-order pa rin ako. Kita ko ang mga sulyap sa akin ni Daddy kaya pinilit kong tumingin nang diretsyo sa kaniya. "I'm sorry for what I did, Hija." Napatingin ako sa kaniya at pilit na nilunok ang kinakain bago sumagot. "Hindi na maibabalik ng sorry mo si Mommy, Dad." Sabi ko pagkatapos ay gigil na hiniwa ang steak. "I know. I know. Matagal na kaming nagkakalabuan ng Mommy mo anak," mahinang sabi niya. "That's why you choose to find another woman?" namamaos ang boses ko nang tanungin ko iyon dahil ayoko nang bastusin si Daddy. "Veronica is my ex girlfriend before your Mom anak at alam ng Mommy mo 'yon," muling sagot ni Dad. Agad akong napatingin sa kaniya because I thought my mother is his first love. "She's my first love back then, ipinakasal siya sa iba at wasak na wasak ako nang mga panahon na 'yon. Pero nang dumating ang Mommy mo, she changed everything," paliwanag niya. Parang may bukol sa lalamunan ko habang kumakain ako kaya napainom ako ng tubig. "Veronica was my first love but your Mommy was my true love," muling sabi ni Daddy at napainom din siya sa tubig niya. Nang magkatinginan kami ni Daddy ay agad akong napaiwas ng tingin dahil sa nagbabadyang luha sa mga mata. Pilit kong kinunot ang noo ko – because I believe that your first love will always be in your heart but your true love will sort of help you to forget about your past. Pero kung tunay ang pagmamahal nila, bakit sila bumitaw? Bakit nila sinukuan ang isa't-isa? "Lagi kaming nag-aaway ng Mommy mo, ayaw namin ipaalam sayo anak dahil alam namin na masasaktan ka," napayuko si Daddy at ramdam ko roon ang sakit na nararamdaman niya. Ano nga ba ang mas masakit? Ang marinig ang kasinungalingan o marinig ang katotohan? Pero para sa akin, mas gugustuhin kong marinig ang katotohanan kesa naman mabuhay ako sa puro kasinungalingan. "Pero hindi dahilan 'yon Daddy para sukuan siya. Dahil kung talagang mahal mo siya, hindi mo siya susukuan. Kaya nga kayo nagpakasal hindi ba? To live together for better and for worse, to love and cherish each other till death do us part.. pero anong nangyari?" sunod-sunod na sabi ko at halos hindi ko na nakain ang pagkain ko dahil tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko. "Cheska, sinubukan ko ulit ayusin. Pero ang Mommy mo mismo ang sumuko," he said. Pinunasan ko ang kanina pang umaagos na luha ko. I don't believe him. My mother cannot do that. Alam kong hindi mabilis sumuko si Mommy dahil mahal na mahal siya nito. "Paano ako lalaban kung siya mismo bumitaw na?" Tuluyang nabasag ang boses ni Daddy kaya napatingin ako sa kaniya. Pinunasan din niya ang mga mata niya dahil sa pagtulo ng mga luha roon. "Pinaalis niya ako sa mansion Cheska, nang malaman niyang nagkabalikan kami ni Veron," sabi niya at bumuntonghininga. "Ano ba dapat ang i-expect mo Dad? Kahit ako nasa sitwasyon ni Mommy gagawin ko 'yon!" Inis na sabi ko at mas lalong napahagulhol. "Sana mapatawad mo ako sa nagawa ko Cheska. Sobrang pinagsisisihan ko ang lahat," yumuko siya at pinunasan muli ang mga luha. "Kung nagsisisi ka then leave her," matapang na sabi ko. "I- I can't. Kailangan ko siya sa kompanya," sagot niya napailing na mukang wala ngang planong iwanan ang babae niya. "That's bullshit Dad! At bakit imbis na si Mommy ang kailanganin mo, naghanap kapa ng iba?!" inis na tanong ko. "Watch your words! This is all for you Cheska and I know someday you'll understand this." Paliwanag niya pagkatapos ay muling bumuntonghininga. Umiling ako, nagawa niyang iwan si Mommy pero ang babaeng 'yon hindi niya maiwan! Gusto ko siyang sumbatan, gusto ko siyang sabihan ng mga masasakit na salita pero itinikom ko na lang ang bibig ko at hindi na nagsalita pa. Ilang sandali kaming tumahimik doon hanggang sa kumalma ako at nagpasya nang umuwi. "Just call me if you need something, maglalagay pa rin ako ng pera sa mga cards mo," bilin ni Daddy. Tumango na lang ako nang hindi tumitingin sa kaniya dahil hindi ko kinakaya ang sakit. I'm still mourning for my Mother at mas lalo ko lang siyang na-miss. "Kung gusto mo naman, tumira ka kasama ako-" "That will never happen, Dad. Sa Mansion ako titira kasama si Riva," pagod na sabi ko sa kaniya. Tumango si Daddy at ngumiti ng tipid. "I'll respect your decision, pero hayaan mo akong bisitahin ka minsan," muling sabi nito at nagpakawala ng malalim na hininga. "You can visit me pero hindi ko hahayaang makatapak si Veronica sa mansion," pinal na sabi ko dahil hindi ko talaga hahayaang mangyari iyon. Sumang-ayon naman siya. Natigil na rin ako sa pag-iyak dahil pagod na pagod na ako at pakiramdam ko nga ay kailangan ko ng pahinga. Naniniwala ako na lahat nang nangyayari sa akin ay may dahilan, kaya hindi ako mawawalan ng pag-asa kahit wala nang inang nakaagapay sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD