Chapter 3

2129 Words
Ilang buwan na rin ang lumipas simula nang mawala si Mommy, pero sariwa pa sa akin ang lahat. Lagi akong tinatawagan ni Daddy pero minsan ko lang sagutin 'yon, hindi rin naman niya ako mapuntahan dahil sobrang busy niya sa trabaho. Si Riva at Milan ang kasama ko sa mansion, minsan ay umuuwi sila Tita Emelda rito pero madalas wala sila. Si Kuya Rafael naman ay mas madalas na sa mansion kesa sa condo niya para lang mabantayan kami. Nakilala namin si Milan noong high school kami ni Amber. Simula noon ay naging kaibigan na namin siya and I convinced him to live with me. He's independent kaya nandito siya ngayon sa amin. Sa probinsya kasi siya nakatira at hinayaan siya ng mga magulang niya para makatipid siya kahit papaano. Wala siya nang mamatay si Mommy dahil nagkasakit din ang Mama niya kaya kahit gusto niyang pumunta ay hindi siya nakapunta. Naiintindihan ko naman 'yon dahil bakasyon noong mga panahon na 'yon. At dahil first year college na kami ngayon at nasa legal age na ay madalas na kaming sumama sa mga ibang kaibigan at kaklase na nagbabar. Ayaw ni Kuya Rafael 'yon kaya minsan tumatakas kami para lang makaalis. Kilala ako sa University namin at maraming manliligaw, dahil na rin siguro sa impluensya ni Daddy pero hindi mahalaga iyon sa akin. Dito ko rin nakilala si Astrid, ang anak ni Veronica. Fourth year college na siya at isa lang ang masasabi ko sa kaniya. Maarte at malandi rin. Sabagay, kanino pa nga ba siya magmamana? "Cheska, dali tignan mo!" si Milan na niyugyog ako habang nagsusulat ako sa notebook ko. Nasa isang bench kami dahil mas gusto ko roon gawin ang mga homework ko. Nag-angat naman ako ng tingin sa mga basketball players na naglalakad na kinabibilangan ni Kuya Rafael. Naramdaman ko kaagad ang pag-init ng pisngi ko nang makita ang captain sa team nila. Matagal ko na siyang nakikitang kasama ni Kuya Rafael at alam kong kaibigan siya nito. Matagal na rin akong may crush sa kaniya at masasabi kong mas lumalala ang pagkagusto ko sa kaniya dahil mas lalo siyang gumwapo ngayon. "Hi Cheska!" si Jake, nakilala ko siya noong first day dahil naligaw kami ni Riva. "Ayy ang gwapo niya pa rin," bulong ni Milan at bahagya akong hinampas. "Hello!" bati ko pabalik pero muli kong ibinalik ang tingin sa lalaking nasa likuran nila. He is Tristan Blake Ford and He's wearing a white jersey habang may hawak na bola. Kita ko ang pawis sa katawan niya at basang buhok dahil din siguro sa pawis. Makapal ang kilay niya pati na rin ang pilik mata niyang mahahaba. Straight at matangos ang ilong at nadedepina nito ang perpektong hugis ng panga niya. Ang mga mata niya ay talagang lulusawin ka kapag tinignan ka dahil sa kulay berdeng mga mata nito. Mas lalo siyang gumwapo nang basain niya ang mapupulang labi gamit ang dila niya. Halos kumalabog ang puso ko nang magtama ang mga paningin namin pero suplado siyang nag-iwas ng tingin. Huminto ang grupo sa harap namin, si Milan ay parang uod na binudburan ng asin. Si Riva naman ay natatawa sa reaksyon ng baklang kaibigan. Pilit kong itinikom ang bibig ko at nagpakawala ng malalim na hininga. "Bakit hindi pa kayo umuuwi?" tanong ni Kuya Raf. "Kakatapos lang namin mag-study kuya." Sagot ni Riva sa kuya niya pagkatapos ay malapad na ngumiti. "Do you wanna join us? Sa Cafe lang para sabay-sabay na tayong umuwi," pag-aaya niya sa amin. "Ay bet ko 'yan! Gora tayo girls wala naman na tayong gagawin!" excited na sagot ni Milan. "Yes, of course!" masayang sabi ko dahil makakasama ko roon si Tristan. "Matagal paba 'yan?" Tristan asked. Iyan lang ang problema ko sa kaniya, masungit siya kapag kami-kami ang naroon pero kapag nakikita ko naman siya sa ibang estudyante ay maamo siya sa mga ito. "Galit na si captain, tara na!" natawa si Jake at hinila ang ibang kasama. Nataranta ako kaya agad kong niligpit ang mga gamit ko at tumayo dahil bigla nga akong nagutom. "Yes pagkain!" hagikhik ni Milan. "Ang lantod mo talaga! Vakla ka!" asar sa kaniya ni Riva at tumawa. Natawa rin ako kaya sumunod na kami sa mga Boys na nauuna. Hindi matanggal ang tingin ko sa pinaka-nauuna. Lakad pa lang niya pamatay na! Pinangako ko sa sarili ko na kapag nag-college ako ay tsaka ko lang siya kakausapin dahil parehas na kaming college. Alam ko kasing hindi niya ako papansin dahil ayaw niya sa mga bata kaya ngayong eighteen na ako ay baka okay na. "Naku, Riva! Pakipot ka pa, gusto mo rin naman dahil nandyan si James!" bawi ni Milan. "You b***h keep quiet! Baka marinig ni Kuya!" sabi ni Riva habang hinila siya at bahagyang kinurot sa tagiliran. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Matagal na rin na crush ni Riva si James, gwapo rin kasi ang isang 'yon at maraming naghahabol na babae. "Ikaw, Cheska? Hindi ka pa rin ba pinapansin ni captain?" bulong ni Milan at humalakhak. Napanguso ako at inismidan silang dalawa ni Riva. Paano naman ako papansinin ni Tristan? Eh, hindi naman yata kumakausap 'yon ng tao kung hindi rin siya kakausapin. "Anong gusto niyo girls?" tanong ni Kuya Rafael nang makarating kami sa Cafe. "Pizza and mango shake sa akin!" nanguna pa talagang sumagot ang baklang kaibigan ko. "Lasagna sa akin and mango shake rin," sagot naman ni Riva. Hindi ko mapigilang mapasulyap kay Tristan na kunot-noong nakatingin sa Menu. "Sa'yo, Cheska?" tanong sa akin ni Kuya Raf. Halos kumalabog ang puso ko dahil baka nahuli nila akong nakatingin kay Tristan. "Ah! Blueberry cheesecake and Orange Juice. Thanks!" nakangiting sabi ko. Nag-order sila kuya Rafael ng sarili nila. Nagbigay rin ako roon ng pera para sa bayad naming tatlo ng mga kaibigan pero hindi nila tinanggap. "Captain ano sayo?" Tanong ni Jake kaya muli akong napatingin kay Tristan. "Vegetable salad and orange juice." Sagot niya pagkatapos mag-angat ng tingin. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya dahil sobrang kalmado ng boses niya. Halos mapalunok ako nang nagkatinganan kaming dalawa pero muli siyang supladong nag-iwas ng tingin sa akin. Ang gwapo niya pero suplado nakakainis! Umirap na lang ako at kinuha ang phone ko. Nakita ko kaagad na may story na kaagad si Milan at video 'yon ng mga basketball players. Marami kami roon at iilan lang ang kilala at close ko sa kanila, wala rin naman silang pakiealam sa amin dahil may kaniya-kaniya silang mundo. Si Riva naman ay behave lang, syempre nandyan ang Kuya niya hindi siya pwedeng humarot sa crush niya. Nang dumating ang pagkain namin, agad nilang nilantakan 'yon. Kinain ko na lang din ang sa akin habang si Milan ay pabebeng kumakain. Inirapan ko na lang siya sa kaartehan niya. Tahimik kong kinain ang pagkain ko at pinakinggan ang usapan ng mga boys pero mukang sila lang ang nakakaintindi 'non. "Yung isa dyan hindi makaharot kasi nandyan ang Kuya," bulong ni Milan sa akin. Napatingin ako kay Riva na masama ang tingin sa baklang kaibigan. Mabuti na lang talaga busy ang mga boys sa pag-uusap tungkol sa next game nila. "Cheska," napatingin ako sa nagsalita. Si Kyle, napatingin din ako sa hawak niya na nilapag niya sa lamesa. It's a keychain at may pangalan kong naka-ukit doon. Mukang napansin naman 'yon ng mga boys dahil tumahimik sila kaya nag-angat ako ng tingin at muling tumama ang mga mata ko kay Tristan. Hindi man lang siya tumingin na para bang wala kami roon dahil nakatuon ang atensyon niya sa gulay na kinakain. "Thank you!" agad kong kinuha 'yon at kinabit agad sa bag ko. "Wow pre ano yon?" si Jake na siniko si Kyle ngayon. Impit na tumawa si Milan sa tabi ko at napapadyak pa dahil sa kilig dahil crush niya si Jake. Nagsimula naman kaming asarin ng iba roon at tinukso si Kyle kaya bahagya akong nahiya roon. Awkward 'yon dahil baka mas lalo akong hindi pansinin ni Tristan! "Hoy, nililigawan mo ba si Chesca?" si Kuya Rafael na sumingit ngayon sa usapan. Napangisi ako at napailing. Kuya Rafael is very strict to us when it comes to boys at kahit nasa legal age na kami ay mahigpit pa rin siya roon. "Bro I just gave her a keychain, chill!" natawa si Kyle at tinaas pa ang dalawang kamay. Nagtawanan sila kaya natawa na rin ako, maraming nagsasabi sa akin na gusto raw ako ni Kyle pero hindi ko naman makita 'yon dahil alam kong friendly lang talaga siya kahit kanino. Napawi nga lang ang ngiti ko nang mapatingin ako sa gawi ni Tristan. Nakahilig ang dalawang braso niya sa upuan. He's seriously staring at me at agad din nag-iwas nang makitang nakatingin ako sa kaniya. Agad bumilis ang t***k ng puso ko, para akong nakuryente dahil sa titigan naming dalawa kahit pa ilang segundo lang 'yon. "Restroom lang ako," paalam ko at tinapik ang dalawang kaibigan. "We'll go home after," tumango sa akin si Kuya Rafael. Habang patungo ako sa restroom ay ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Nang makapasok ako ay napatingin ako kaagad sa salamin at kita ko nga ang namumulang pisngi ko. Hindi na ako nagdalawang isip na maghilamos dahil doon. "Francheska Louise, kalma!" sabi ko sa sarili ko at napahinga ng malalim. Pagkalabas ko ng restroom ay mukang uuwi na nga kami. Pinilit kong wag na lang tumingin kay Tristan dahil abot na ang tahip ng puso ko. "Nandito na pala si Cheska. Ano, tara na?" tumayo na si Kuya Rafael kaya tumayo na rin si Riva at Milan. "Bukas bro, usapan natin ha?" si James na ngayon lang nagsalita. Napatingin tuloy ako kay Riva at kita ko ang biglaang pagpula ng muka ng kaibigan kong gaga! "Bye guys thanks sa foods!" si Milan na kumakaway pa. Nakatayo na rin si Tristan at kita ko 'yon sa peripheral vision ko. Ayaw ko siyang tignan dahil pamatay ang mga tingin niya. Hindi ko kinakaya ang sarili ko sa kilig! Nanatili akong nakatayo at hinintay silang lahat na makatayo sa upuan nila. Gumilid ako nang dumaan sa harapan ko si Jake dahilan nang pagtama ng likod ko kay Kyle kaya parehas kaming natawa. "Cheska, I hope you like it," nakangiting sabi niya pagkatapos ay nahihiyang napakamot sa ulo. "I really like it Kyle. Thank you," ngumiti ako sa kaniya dahil nagustuhan ko naman talaga ang binigay niya. Nauna nang lumabas si Tristan kaya sinundan ko 'yon ng tingin. Suplado talaga! Hindi ko man lang tuloy siya nakausap ngayon. "Mukang badtrip si captain, kanina good mood lang 'yon ah?" natawa si Jake. "Hayaan niyo na, hindi yata pinansin ni Francine kanina." Bulong ni James pagkatapos tumawa rin ng mahina. Nagtawanan silang lahat at pati si Riva ay natawa, syempre ang crush niya ang nagsalita eh! Gusto ko tuloy mapairap pero pinigilan ko na lang ang sarili dahil baka mahalata pa nila 'yon. "Cheska, can I invite them to your house?" tanong ni Kuya Raf nang pauwi na kami. "Huh? Syempre naman, why not?" natatawang sagot ko. Kinurot ako ni Milan sa tagiliran kaya napatingin ako sa kaniya. Mukang gustong- gustong mangyari 'yon dahil makikita na naman niya ang mga naggagandahang lalaki! Kapag friday wala na silang pasok kaya kadalasan nagba-bar sila. Hindi ko nga lang alam kung anong balak nila at bakit sa mansion pa nila gusto. "Bukas ako susundo sa inyo sa school, susunduin ko na rin doon si capt," muling sabi ni Kuya Rafael. "H-huh bakit Kuya?" tanong ko at bahagyang na-excite. "Anong bakit? Nagte-train si Capt kapag friday at hindi nagdadala ng kotse," sagot niya. Oo nga pala, naalala ko tuloy si Anthony na classmate ko. Kapag friday ng hapon Excuse siya dahil sa training niya. Hindi ko alam na si Tristan pala ang nagtuturo sa kaniya. "Grabe I can't wait!" gumulong-gulong si Milan sa higaan niya. "Ako din! Makikita ko na naman si James!" Riva giggled. "Ikaw Cheska, hindi kaba excited na makita si James?" tanong ni Milan. Kumunot naman ang noo ko, bakit naman ako mae-excite roon? "James is just a friend, wala akong nararamdaman doon!" sabi ko at inirapan silang dalawa. "Oh baka naman may iba kang gusto?" tanong ni Milan. Matagal ko nang pinapahalata sa kanila na crush ko si Tristan pero hindi sila maniwala roon kahit nasabi ko na sa kanila iyon ng ilang beses pa. "Wala akong gusto, Milan!" pagbabawi ko. "Wehh? Baka si Captain talaga ang gusto mo? Naku Cheska, ayaw 'non sa maarte!" humalakhak si Milan. "Hindi ko siya gusto Milan! Wala akong gusto. Matulog ka na lang!" sabi ko pagkatapos ay binalibag ko siya ng unan. "Weh?" natatawang sabi ni Milan at ayaw akong tantanan. Napangisi tuloy ako tumango muli. "Gustong-gusto ko siya," sabi ko dahilan nang pagtili nilang dalawa ni Riva.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD