Tahimik lang ako sa loob ng kotse. Siguro ay ito na ang huling araw ko sa driving school dahil kaya ko naman na talagang mag-drive. Natuto naman ako sa mga itinuturo sa akin ni Tristan at hindi ko naman 'yon makakalimutan. Pakikiusapan ko na lang si Daddy at sigurado akong pagbibigyan naman niya ako sa gusto ko. Ramdam ko ang pamamaga ng mga mata ko at alam kong napansin na 'yon ni Tristan kaya nga nagtanong siya kung umiyak ba ako. Wala na rin akong dahilan para itagao pa 'yon. Totoo naman na umiyak ako at baka kapag sinagot ko pa ang tanong niya ay pagsabihan pa niya ako ng mababaw. Ano nga ba kasi ang magagawa ko? Hindi ko lang naman talaga mapigilang malungkot at mainis dahil sa tuwing tutulong ako sa iba ay may hindi magandang epekto sa sarili ko ang nangyayari tulad nang hindi ko p