Chapter 48

2470 Words

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nanatiling ganoon ni Tristan. Nang tumigil kami ay bumalik na ako sa pagkakaayos ng upo sa couch at pinagpatuloy ang panonood kahit ilang episode na ang nalagpasan namin doon. Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya habang hinahagod niya ang buhok ko at hindi ko naman maiwasang antukin sa ginagawa niya. "Are you sure you don't have plans for tomorrow?" muli na naman niyang tanong. Napailing ako at pinigilan ang sarili dahil naiisip ko na baka tinatanong niya 'yon ay gusto niya akong makasama bukas. Ayoko naman siyang pangunahan dahil nakakahiya! Kahit naman assumera ako ay nahihiya pa rin ako paminsan-minsan. "Nothing. I'll stay here the whole day tomorrow. Kapag wala na akong magawa ay baka ituloy ko ang painting na ginagawa ko," sabi k at nagkibit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD